Bumalik kami sa itaas at naliligo na ako. Hindi nga naligo si John at nanatili roon sa pwesto namin. Nandito lang naman ako sa gilid, nakikita niya, na naliligo. Kasama ko rito sila Jewell at Maria. 'Yong lima ay nandoon sa malayo at patuloy na naghahanap ng gwapo.
Mga loyal kasi kaming tatlo kaya kami naiiba sa kanila.
Umahon ako pagkatapos nang pangatlo kong dive at lumapit kina Jewell na nakaupo sa hagdanan.
"Kanina ka pa pinapanood ni John, Yam. Swerte mo sa kaniya." biglang sabi ni Jewell kaya napatingin ako sa gawi ni John. Nakaupo siya sa lounger at nakatanaw sa pwesto namin.
"Bakit hindi siya naligo?" Tanong ni Maria.
Binalik ko sa kanila ang tingin."Ayaw niya raw maligo."
"Sayang naman."
"Ano ka ba, may pool sa kanila. Palagi na 'yang nakakaligo ng pool." sabi ko at inihiga ang ulo ko sa kamay kong nilagay ko sa edge ng pool. Patagilid ko silang pinanood.
Na sa harap namin si John at seryoso ang itsura habang nakatingin dito. Nilingon ko siya ay nginitian.
Ang gwapo-gwapo talaga ng boyfriend ko. Siya lang ang gwapo sa paningin ko.
"Baka matunaw naman 'yan." rinig kong sabi nila kaya natatawa ko silang binalikan ng tingin.
"Pero sa totoo lang, paano mo talaga nagawa 'yan Yam?" Si Maria na ngayon ay kuryoso na sa akin.
"Ang alin?" Kunyaring tanong ko.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na sinumpa ko si John kaya siya patay na patay sa 'kin ngayon.
Malaki ang consequence ng ginawa ko kaya ayoko na silang idamay. Baka magbago bigla ang nararamdaman nila, lalo na ngayon, sa ginagawa nila. Magcocollege pa kami kaya hindi ko masasabing mananatili ang nararamdaman nila sa lalaking nagugustohan nila.
Kinagat ko ang labi at ngumuso nang maalala ang mga ginawa ko para magustohan niya ako. Hindi ko alam na effective 'yon. Pero may kapalit naman.
Huminga ako at nalungkot sa maaaring kahihinatnan nitong meron kami. Ayoko siyang magalit sa akin. Alam ko naman sa sarili kong hindi magbabago ang nararamdaman ko dahil matagal na ito, at kahit gustohin ko siyang kalimutan ay hindi ko talaga magawa.
"Hoy? Natahimik ka bigla? Ayos ka lang?" Napatalon ako at nabalik sa sarili dahil sa tawag nila.
Umayos ako ng tayo at lumublob sa pool dahil umihip ang malamig na hangin.
"Ang tanong ko kamo? So paano nga? Anong ginawa mo? At kailan pa?" Kuryoso nilang tanong kaya napahinga ulit ako.
"Wala naman akong ginawa. Malakas lang talaga ako kay Lord." sagot ko na may biro sa huli.
Hindi ko alam ang isasagot ko, at ayoko silang bigyan ng ideya sa ginawa ko.
"Galing mo talaga. Pabor na pabor sa'yo si Lord." si Maria kaya nagtawanan kami.
"Ganoon talaga basta maganda. Worth it ang pagpapapansin. Buti 'di ako sumuko." sabi ko at tumawa.
"Baka kami na ang susunod ni Jake. More papansin pa nga ang gagawin ko, baka ganiyan din kami. Tapos sa graduation naman ang amin." aniya at kinikilig na niyakap ang sarili.
Natawa ako at bumaling ulit kay John. Nagkatinginan agad kami.
Lumangoy ulit kami at nilapitan ang iba. Kalauna, nang nilamig na ako'y nauna na akong umahon. Nagpaalam ako sa kanila at umakyat sa hagdan. Pag-ahon ko ay sinalubong agad ako ni John at niyakap ng tuwalya. Napawi ang lamig na yumakap sa akin pagkatapos kong umalis sa pool.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...