Tabi kami ni John na nakaupo sa sofa bed habang nakasquat ang iba sa carpeted floor.
Nagkikwentuhan sila habang kumakain. Kami na may sariling mundo ni John ay nakikinig lang sa kanila.
"H'wag ka ng mag-aksaya ng oras sa kaniya, Maria. Pinapamukha na ni Lord sa'yo na tama na." sabi ni Ramil.
"Ayos na sigurong wala tayong boyfriend, ke'sa mabroken ng ganito. Crush pa lang 'to ah, pa'no na lang kung naging kayo diba?"
Ngumuso ako.
"Nakailag sa sumpa si Yam. Kita niyo ngayon, saya-saya niya. Hindi na tumatabi sa 'tin."
"Bakla!" Sigaw ko at tinapunan siya ng unan.
"At least hindi ko naman kayo iniwan 'no." mataray kong depensa sa sarili ko at inirapan sila.
"At... Nakikinabang din kayo kaya manahimik ka diyan." natatawa kong dagdag at sumandal sa sofa.
"Pero.. Mabalik tayo ha. Seryosong tanong Maria. Sabi mo nag-uusap kayo diba? Are you going to somehow... Block him? Or puputolin mo na 'yong connection niyo for real?"
Biglang natahimik ang lahat kaya nakinig na lang din ako.
Binigay ko kay John ang carrots dahil hindi ako kumakain non.
Ayoko lang ng lasa. Matigas din kasi ang pagkaluto.
"Siguro. Hindi ko alam." nalilito niyang sagot at huminga.
"Magdesisyon ka na. Para sa ikabubuti mo rin 'to. Ano kayang mararamdaman ko pag si Razo naman ang nakita kong may girlfriend na?"
"Pa main character ka bakla. Eksena 'to ni Maria." kontra ko sa kaniya.
"Ikaw. Ang ingay mo, Yam. Manahimik ka na nga diyan kay John. Palibhasa kasi, hindi ka na makarelate sa amin kasi boyfriend mo na 'yong dating crush mo lang."
"Makapagsalita ka naman parang hindi ko pinaghirapan 'to. Naghirap kaya ako bago natupad ang pangarap ko." depensa ko at proud na tinignan sila.
"Worth it naman ang hirap. Ganito ka gwapo ba naman ang reward." dagdag ko at taas-baba ang kilay na binalingan si John.
Ang laki ng ngiti niya habang nakatingin sa akin.
Hindi naman halatang gustong-gusto niya ako sa lagay na 'to. Hulog na hulog siya sa ganda ko.
"Laki ng ngiti mo diyan. Proud ka sa 'kin?" Biro ko sa kaniya at tumawa.
"So much." tugon niya at ngumiti.
Pigil ang ngiting humarap naman ako at kumain ng hotdog.
"Pero maiba ako. For real guys. Napapaisip ako. Ang talino naman natin. Mga academic achievers tayong lahat, pero bakit ang bobo natin pagdating sa pag-ibig?" Seryosong sabi ni Ramil.
"Oo nga 'no? Ang talino natin. Outstanding sa room, pero hindi tayo makapag-isip ng maayos pagdating sa pag-ibig." patuloy ni Kristel.
Nagpasahan sila ng tingin.
"Doon pa tayo nagkagusto sa walang gusto sa atin." si Jewell.
Huminga ako.
"Gusto kong malaman kung bakit ganito? May scientific explanation ba kung bakit ganito tayo pagdating sa pag-ibig? Bakit hindi tayo makapag-isip ng tama?" Si Ramil.
"Hindi, kasi ganito 'yan. Tayo kasi, we loved the idea of chasing people who doesn't want us, pero kapag nireciprocate na nila 'yong feelings natin, nababawasan 'yong excitement na nafefeel natin noong hindi pa nagkakaganon ang sitwasyon." paliwanag ko at umupo ng maayos.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...