“Tigilan mo nga ako.”
“Ehhh!! Maniwala kana kasi.” pangungulit nito sa‘kin saka inalog alog ang kamay ko.
“Tangina mo naman Sk eh. Umayos kanga para ka namang bata. At saka h‘wag mongang paglaruan ang kamay ko.”
Ayukong mainlove kasi alam ko sa sarili ko na mamimili ako. Sa ngayon ok na ‘to at saka sino namang tangang babae ang maiinlove sa lokong ito. Wala na yatang nagawang tama ito sa buhay n’ya eh.
“Ehh!! Ayaw. Patawarin mo muna kasi ako.” nakangusong sambit n‘ya ulit.
Napakamot nalang ako sa kilay ko. Kung hindi ko ‘to pagbibigyan baka masiraan ako nang bait sa mga gagawin nito.“Oo na.” napipilitang saad ko.
Gumuhit naman ang ngiti sa mga labi n‘ya saka ako niyakap. Ayos na sana eh pero parang napintig ang tainga ko sa susunod na sinabi nya.
“Ano ba‘yan Mystein wala manlang akong may naramdaman sa hinaharap mo. Meron kaba o puro likod lang?”
“Gago! Nang aasar kaba?”
“Hindi, sinasabi kulang naman kung ano ang napansin ko. Ba’t parang wala kang hinaharap?”
Lumapit ako dito saka piniktusan nang malakas na kinadaing nya naman. Aba! Ang kapal nang mukha bakit? Importante paba ang pagkakaron ko nang ano?
“Sorry na, Ito seryuso na bakit nga kasi ang galing mo makipa away kanina?”
Kung kanina nakangisi sya ngayon seryuso na ang mukha n‘ya na nakatingin sa‘kin.“Isa akong gangster pero di alam nang parents ko iyon.”
“Talaga?!” mangha-manghang tanong nya at again nilapit nya na naman ang mukha n’ya sa‘kin dahilan para mapalayu ako.“Ang astig mo pala?”
“Oo, kaya kung di mo ko titigilan sa kakaasar mo sa‘kin mapapatay talaga kita.”
“San punta mo?”
“Sa office.”
“Sama ako?”
“Bahala ka sa buhay mo.”
Hinayaan ko nalang ito na sumunod sa‘kin, at habang papunta ako sa office ko may mga iilan na bumabati sa‘kin meron ding may naiinis tsskk! Pagkapasok na pagkapasok ko sa office isinara kuna agad ito bu—
“Ouchhh!!! Huhuhu!” napalingon ako sa pinto nang mapansin si Sk don.“Oh anong ginagawa mo dyan? Wala kabang balak na pumasok? At saka ba’t ganyan ang mukha mo?mukha kang di matae ayos kalang ba?”
“T-Tinatanong mo ba‘yan? P-pano ako makakapasok eh inipit mo ang kamay ko.”
Napatingin ako sa baba , at dali dali akong tumungo sa kan‘ya para buksan ang pinto.“Ba’t ang tanga kasi?”
“Kasalanan kubang ang bilis mong maglakad?”
“Sinisisi kita.” sagot ko dito. Kalalaking tao ang bagal maglakad ? Maniniwala na yata ako na bakla tong lalaking ‘to eh. Tumungo nalang ako sa table ko at nag aral.
Ilang minutes pa akong nakatitig sa librong hawak ko nang may mapansin akong isang itim na libro na nakasiksik sa pinakadulo nang mga lalagyan nang books kaya naman tumayo ako at dahan dahan na lumapit dito.
Nang kinuha ko ito, laking gulat ko nalang nang mabasa ito. Ngayon alam kuna ito pala ang Suicide book. Bubuklatin ko saka ito nang biglang sumipot sa tabi ko sa Sk. Kaya naman mabilis ko itong naisiksik sa may gilid.“Ano ‘yon?” tanong nito sa‘kin.
“Ipis.” diritsang sagot ko na kinayakap nya naman sa‘kin. Aba kanina pa‘to chansing nang chansing ah.
“AHHHH!! MYSTEIN NAPATAY MO BA? PATAYIN MO DALI! BAKA GUMAPANG SA‘KIN?”
Parang batang saad nito habang nakapulupot sa braso ko.
“Gago! Hindi kayo talo non. At saka lumipad na pinalayas kuna.”
“And‘yan pa oh?”
“Eh kung upakan kaya kita.”
“Hehehe sabi kunga, wala na.” pang iiwas nito nang tingin saka bumalik sa upuan.
Nakita kuna ang suicide book. Pero bakit ganon? Dapat malaman ito ni Blythe asan naba sya? Mag iisang araw na nahindi ko sya nakikita. Ang mag iisang araw nadin na nawawala si Xy xy.. Asan ba kasi pumunta yong babaeng ‘yon.
“Mystein dito ka?”
“Bakit?” tanong ko dito nang ituro nito ang upuan na nasa tabi nya.
“Gusto kung matulog. Inaantok ako eh.”
“Oh tapus?”
“Gusto kung bantayan mo ako? Antok na antok na ako eh.”
“Mukha ba akong bodyguard?”
“Sabi mo , mas mahalaga ang buhay namin diba? Kaya bantayan muna ako. Matutulog lang ako plsss!”
Hindi ko alam kung may sinabi akong mas mahalaga ang buhay nila. Sa utak ko oo may sinabi ako pero sa bibig ko wala namang may lumabas na salita. Nababasa nya utak ko o sadyang nang aasar lang ito. Hindi na ako nakipagtalo pa at naupo nalang sa may tabi nya.
Mag rereklamo na sana ako dahil sa paghiga nito sa lap ko pero bigla agad itong nagsalita.“ Gusto kung matulog habang nakahiga sa lap mo. Pakiramdam ko kasi makakatulog ako nang maayos kapag ikaw ang nagbantay sa‘kin. Pag gising ko saka mo nalang ako paluin o murahin. Pero ngayon plsss hayaan mo muna akong makatulog.” mahinahong sambit nya.
Kaya di na ako kumibo. Napairap nalang ako. Bakit ba kasi pag dating sa kan‘ya di ako makatanggi. Nong una inis na inis ako sa kan‘ya pero ngayon... Arghhh nevermind.
Napasandal ako sa may upan at unti unting pinikit ang mata ko, pero napadilat din naman agad ako nang maramdaman kung inilagay nya ang mga daliri nya sa darili ko. In short para kaming nag holding hands. Aba! Sumusubra na—
“hahalikan kita kapag ibinuka mo ‘yang bibig mo!”
Putangina mo ka satanas. Malutong na mura ko mura sa isipan ko. Pinaparusahan ba ako nang d‘yos dahil sa mga kasalanang nagawa ko. Pinigil ko ‘yong galit ko at inis na tumitig sa mukha n‘ya na nakapikit. Ang innocente nang mukha pero ang ugali ang kapal nang mukha. Humanda sa‘kin to pag nagising to punyawa.
“Ms Pri—So-sorry po. Balik nalang po ako mamaya.”
Balak ko sanang papasukin ‘yong isang studyante pero dali dali itong umalis. Ano bang problema non? Natatakot ba syang magalit ako dahil madistorbo nya kami—argghhh!! Ba’t ba kasi hindi magawa nang katawan ko na tumayo dito.
Naku mystein , umayos ka. Nanatili nalang akong nakaupo at hinimas ang buhok ni Sk.. Bat ba ngayon kulang napansin na malambot pala buhok nito? Ano kaya shampoo nito.
Gusto ko din sanang matulog pero hindi ko magawa. Nanatiling nakapikit ang mata ko pero ang diwa ko nanatiling gising.
“Myste—Opppssss Spg!!” Biglang saad ni jay jay nang makapasok ito kasama sina kenneth. Inilagay ko naman ang hintuturo ko sa lips ko at pinatahimik sila.
“Aba! Aba! At kailan pa kayo naging sweet sa isa‘t isa huh?” pang aasar ni Kenneth with matching patawa tawa pa.
“Sabi naman kasi sa inyo eh. Sa una lang galit pero sa huli alam na.” Dawn said.
“Baka naman kasi ... Sila talaga?” saad ni Lhindsay.
“Yeah!! The both of you is tagay.”
“ANONG TAGAY!” sabay sabay na tanong nina Jay jay , lhindsay, Kenneth at Dawn.
“SHHHHHH!!!” pagpapatahimik ko sa kanilang lahat saka tinakpan ang tainga ni Sk. Mahirap na baka magising .
“Tagay!! Example Sk and Primus is the best couple so tagay!”
“Bagay not tagay. Anak ka nang demonyo kiel. Sabi ko naman sa‘yu huwang kang mag sasalita.. Raulo.”
Sabay batok na saad ni kenneth tapus nag tawanan sila.
Mga gago! Ano bang ginagawa nila dito?
___
YOU ARE READING
Mysterious University By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]
Mystery / Thriller-Welcome To Mysterious University ............ Mysterious University is a place where full of mysterious and something unexplained or inexplicable university and a truth unknowable except by divine revelation. You must be brave to enter this univers...