(19)

1.6K 128 0
                                    

Nasa may likod padin ako nang campus kasama ‘tong si Blythe I miss him so much! Yong pagka miss na‘yon? Biglang napalitan nang kaba. Nong unang beses kung mapunta ako dito ni walang kaba ang nabuo sa dibdib ko. Pero ngayon? Tila ba parang bawat galaw ko kinakabahan na ako hindi kuna alam kung ano ang mga susunod pa na mangyayari.

“So, Kumusta kana Mystein? Sorry ah ngayon lang ulit ako.”

Tumingin ako sa kan‘ya.“Bakit? San kaba galing?” pagtatakang tanong ko.

“Hindi naman ako nawala,  lagi naman akong nasa tabi mo. ‘yong ngalang di mo ako napapansin kasi lagi mong kasama Si Stephen.”

“Kailangan eh. Ngayon pa na sinabi mong pagmagpakita ang dating ssg president sa tabi nang isang studyante mamamatay ito at nakita ko ‘yon sa gilid ni Sk.”

Sagot ko sa kan‘ya. Ngumiti naman ito sa‘kin saka tumingin sa malayo. Habang ako nanatili lang na nakatangin sa kan‘ya,  ang lungkot nang mukha n‘ya tila ba parang ang dami n‘yang iniisip.“Ayos kalang ba?” tanong ko dito.

“May naalala lang ako,  namiss kulang Si Nica. Isang taon na simula nong mawala s‘ya. Tapus ngayon ‘yong day na naging kami. Ang hirap lang Isipin na nauna s‘yang mamatay kaisa sa‘kin. Gusto kunang makalimot,  gusto kuna ding matahimik pero hindi ko nagagawa kasi gusto ko nang hostisya para sa lahat.”

“Alam mo ba? Kung pano magmoveon?”
Tanging saad ko sa kan‘ya na kinalingon n‘ya sa‘kin.

“Pano?”

“Hindi mo naman kasi kailangan na biglain ang sarili mo na magmoveon. Kasi hindi talaga madali. Ang isipin mo nalang ‘yong mga masasayang bagay na nangyari sa inyo. Isipin mo hanggang sa matanggap mong wala na s‘ya sa tabi mo. Huwag mung ikulong ang kalungkutan d‘yan sa puso mo. Humanap ka nang paraan na may merong makapagpapasayu sa‘yo. Huwag mong balikan ang nakaraan isipin mo ang kasulukuyan.”

“P-Pero? H-Hindi kita maintindihan?”

“In short mahalin mo ko.” diritsang sagot ko sa kan’ya na kinagulat nya. Tangina ang haba nang sinabi ko ni isa pala sa sinabi ko wala s‘yang naintindihan. Nagsasayang lang pala ako nang laway eh.. Hahysstt.

“Hu-huh?Mamahalin kita? Ano namang kinalaman nang pagmove on ko kung mamahalin kita? Talaga bang mamahalin kita?”

Sinapok ko ito.“Tanga! Nagbibiro lang ako.huwag mong tutuhanin tangik!”

“Huwag ka kasing magbibiro! Ang seryuso nang usapan eh.”

“Seryuso din naman ako tangina mo ka! At sa dami ba naman nang sinabi ko ni isa wala kang may naintindihan? Talaga bang wala kang may naintindihan?”

“Wala.” iling iling na sagot n‘ya.“Pwede ulitin mo?”

“Ganito?Humarap ka sa‘kin.” pagsisimula ko.“ Tangina buksan mo ang utak mo para pumasok lahat nang sasabihin ko. Ganito? Kung gusto mong magmove huwag mong bali balikan ang mga bagay na masasaya kayo.”

“Teka! Parang baligtad.” pagpipigil n‘ya sa‘kin.

“Baliktad ba? Iwan ko sa‘yu blythe nang gigigil na ako sa‘yu pati utak ko tuloy naalog na. Tangina naman.”

“Sorry na kasi.”

Ngumiti nalang ako saka sya niyakap. Hysstt kapag talaga sya ang kasama ko lahat nang problema ko nakakalimutan ko ,  gumagaan din ‘yong puso ko sa tuwing malapit ako sa kanya “Ayos kalang ba?” tanong nya pero nanatili lang akong nakayakap sa kanya.

Humiwalay ako sa yakap ko sa kanya.“Sige pano ,  Una na ako Blythe kita nalang tayu lagi ah. Una na ako sa‘yu.” saad ko. Tumango naman sya.

“Sure baka hinahanap kana Ni stephen.” pahabol nya saka ako tuluyang bumalik sa main campus.

Mysterious University  By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]Where stories live. Discover now