(13)

1.7K 142 11
                                    

Byernes ngayon , at kung tatanungin nyo kung anong oras nakising Si Sk nong natulog sya sa lap ko mga hapon kaya wala akong kain non.

Dalawang araw na simula nong ipatupad ko ang patakaran sa Campus na‘to pero meron pading matitigas ang ulo. Meron pading ayaw makinig! Lagi kung sinasabi sa sarili ko o lagi kung tinatanong sa sarili ko? Kung bakit meron pading mga tao na ang hirap paintindihin...

Tinignan ko ‘yong Suicide book at iilan lang ang mga nakita kung name don. Kaya sinunog kuna ito. Pero laking gulat ko nalang nang may bumagsak sa harapan ko na isang itim na libro. At halos tumayo lahat nang baliho ko ng mapansin ang nakasulat dito.

“De-death note? Anong? Panong?” dahan dahan akong umupo para kunin ito at unti unting binuklat.

Ngayon alam kuna,  wala sa suicide book nakalagay ang mga pinapatay kundi nasa Death note. Mahigit nasa 100 + na ang mga pangalan na nakasulat don at pinakahuli si Nica Marie Montalban.

“Ito pala dapat ang sunugin eh. Kung wala to walang may papatay. Pero bakit nga nila pinapatay?” tanong ko.

Ilalagay ko sana sa mesa ang note nang may nalaglag na sulat ibinuklat ko naman agad ito.. Ngunit namuo ang isang tanong sa isip ko na hindi ko alam kung bakit? Nakalist lahat nang pangalan dito sa campus at nangunguna Si xyxy.. Pangalawa si Sk...

Ibig sabihin?—

Dali dali ko itong tinago at tumungo sa room. Pagkatading na pagkadating ko don.

“Ms Primus di papo kami tapos sa activity kukunin nyo na po ba?”

“Asan Si Stephen?” tanong ko sa kanila at di nalang pinansin ang sinasabi nang iba. Midyo nagtaka naman silang lahat pero sinabi din agad nila kung nasan.

Dali dali akong pumunt sa library ngunit hindi pa ako nakakarating don nang may natanggap akong mensahe sa cp ko.

“1 minutes.” basa ko don kaya naman mas lalo akong kinabahan. Habol hininga akong napahinto sa may pinto nang makarating ako.

Huminga muna ako nang malalim saka pumasok. Ngunit tila ba biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng mapansing ang tahimik nang paligid.

Ni isang studyante wala akong may nakita.. Ikinuyom ko ang kamao ko hindi dahil sa galit kundi dahil sa kaba. Ngayon kulang naramdaman ‘to ,  dahan dahan kung nilibot ang paningin ko. Sobrang laki nang library kaya nakakatakot ang tataas nang mga lalagyan nang book.

[BLLLAAGGG]

Mabilis akong napalingon sa may gawi ko nang may bumagsak na libro. Lumiko ako sa kabila ayuko tawagin ang pangalan nya.. Baka malaman pa na nandito ako. Dahan dahan akong lumingon sa may likuran ko dahil nararamdaman kung meron tao.

Pero halos Maihi ako at hindi makagalaw sa nakikita ko.. Isang studyanteng nakabitin sa taas at ang sama nang tingin... Hindi ako naiihi dahil sa takot , naiihin ako dahil sa pagkabigla.. Gago! Nagulat kaya ako.

Napa smirk ako at hinayaan nalang ‘yong babaeng nakabitin alam kung multo sya. Dahil sabi sa‘kin ni jay jay merong studyanteng nagbigti dito kay—

“Putangina.” malutong na mura ko nang may humila sa‘kin saka ako isinandal sa pader.

“S-sk?”

“Hi? Mystein. Anong ginagawa mo dito?”

“Hinahanap ka.”

“Yiieeee!! Miss muna agad ako? Ikaw ah baka naman may lihim kanang pagtingin sa‘kin?”

Napataas ako nang kilay dahil sa sinabi nya. Tsskkk!! Nagbibiro bas‘ya? Hinanap lang may gusto na agad hindi ba pwede ayuko lang na mapahamak s‘ya... Ang pangit pakinggan na ang isang babaeng ang magproprotekta sa isang lalaki. Isa lang naman ang layunin ko eh ayuko nang mabawasan pa ang mga studyante dito. Kahit na hanggang ngayon hinahanap ko padin si Xyxy.

“Balik na tayu sa room.” pagyayaya ko sa kan‘ya. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko pero binalik ako nito sa pagkakasandal sa lalagyan nang books at kinorner nang isa nyang kamay habang ang isa ay nasa bandang may beywang ko.

“Tell me? Kaya kaba nagmadaling pumunta dito , kasi akala mo ako ang isusunod na papatayin? Tama ba ako?”

Nanatili akong nakatitig sa kanya at hindi nalang din kumibo.“Don’t worry mystein hanggat malapit ka sa‘kin,  hanggat pinapakita mong nag aalala ka sa‘kin. Hindi ako mawawala sa‘yu. Wala nang iba pwedeng manakit sa‘kin kundi ikaw lang kasi hawak nang mga kamay mo ang kaligtasan ko.” nakangiting sambit nya sa‘kin.

Pano kung balang araw hindi ko sya maligtas? Pano kung pag gising ko kinaumagahan wala na sya?“Hanggat ako ang President nang campus na‘to. Hindi ako papayag na mabawasan pa kayo. Kung sakali mang kapalit nang buhay ko ang kalayaan nyong lahat... Payag ako!” mahinahong saad ko sa kan‘ya saka ko sya nginitian.

“W-wait? Ngumingiti ka?”

gulat na tanong n‘ya sa‘kin dahilan para bumalik sa pagkapoker face ang mukha ko.“Bakit?masama bang ngumiti?” tanong ko dito.

“H-Hindi naman,  pero ito kasi ang unang beses na ngumiti ka. Pero mga 1 seconds lang poker na naman ulit. Hindi kaba palangiti mystein?”

“Wala sa Vocabolary ko ang salitang ngiti.” Sagot ko saka s’ya itinulak at lumakad palabas nang library habang nakalagay ang kamay sa bulsa nang jacket ko.

Patuloy lang ako sa paglalakad tapus biglang huminto ,  dahilan para bumangga sya sa‘kin.

“Ano ba naman ‘yan Mystein. May balak kabang sungayin ang dibdib ko? Bakit kaba kasi bigla nalang humihinto??” tanong nya habang hinihimas himas ‘yong dibdib nya na bumangga sa noo ko. Mataas kasi s‘ya sa‘kin.

Siraulo dapat ako nga ang masaktan eh. Puro lang yata buto laman ng katawan n‘ya at walang  taba.. Ba’t ba kasi ang payat nang lalaking ‘to? Di ba‘to,  Kumakain tuwing gabi at umaga?“May Cp kaba? Akin na number mo.” tanong ko dito.

“Meron,  wait? A-Anong Cp pala?”

Napabuntong hininga nalang ako. Naman , sang lupalop nang mundo ba ako napunta?“Cp?kung cellphone!”

“Ah cp pala tawag dito.” sabay labas nya nang cellphone nya na kinataas nang kilay ko.

“Cp o Cellphone iisa lang naman. Siraulo ba‘to?” bulong ko saka kinuha nyong cp at hinanap ‘yong number nya.

“Magkaiba,  sabi mo kasi cp? Eh ‘yong akin cellphone.”

“Cellphone for short cp.”

“Hindi nga kasi Cp ang short ng Cellphone mystin. Ano kaba!”

PUTANGINA.

anong klaseng nilalang ba‘to. Hindi na ako nakipagtalo sa kan‘ya at hinayaan nalang ito. “Teka nga? Asan ba number mo dito? Ba’t walang laman to? Wala namang naka phonebook dito eh.” reklamo ko.

“Ay wala ba?” pag uulit nya.

“Wala nga.” sagot ko ulit. Kinuha n‘ya naman ang cp ko tapos may kung anong tinype. Tapus pagsauli n‘ya sa‘kin may nakaphone book na. Saulo n‘ya pala number n‘ya ba’t di n‘ya nalang phinonebook.

Nagpasalamat nalang ako sa kan‘ya saka tumuloy sa pag lakad. Pasimple akong tumingin sa kan‘ya nang lumapit ito sa gilid ko tapus bigla akong inakbayan.

“Gusto mo nabang mamatay nang maaga?” Seryusong tanong ko dito.

“Tanghali ngayon,  kaya bukas nalang nang umaga mo ako patayin hehehe.”

“Gago!”

___

Mysterious University  By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora