•AT THE MYSTERIOUS UNIVERSITY•
•••••••••
Nang makababa ako sa sasakyan napalingon ako sa gilid ko. At may halong pagtataka na iniisip kung san napunta ‘yong...teka? Sino nga ba‘yon?
“This way ms Valdez.”
Sumunod nalang ako don sa sumundo sa‘kin papunta sa Loob ng Campus. Kung titignan mulang sa labas para kalang namamasyal sa bundok at gubat pero nang makapasok kana para kang nasa syudad. Mas maganda pa yata ang paaralan sa loob ng Mysterious University kaisa sa pinapasukan ko eh.
Basta ang masasabi kulang sobrang ganda dito. Sa pangalan lang pala nakakatakot pero pag napuntahan muna mapapasabi ka nalang na ang ganda.
“SINO ‘YAN?”
“EXCHANGE STUDENT BA‘YAN?”
“OMYGOSSHHH!!! ANG MALAS NYA NAMAN.”
“SINO BA‘YAN?”
Napapatingin ako sa mga studyanteng nadadaanan namin. Halos lahat sila ang sama kung makatingin sa‘kin ah. Parang binabawi kuna sinabi ko kanina tskkk ang weird nila tangina.
“Hoy! San ba tayu pupunta?”
Tanong ko dito, pero embes na sagutin ako eh patuloy lang itong naglalakad kaya sumunod nalang din ako. Hanggang sa pumasok kami sa isang office.
“WELCOME MS VALDEZ!” bungad sa‘kin ng mga teachers ng makapasok ako sa office aba? Kilala yata nila ako. Ayos ah! umupo ako sa isang bakanting upuan at walang emosyon na nakatingin sa kanila.
“Well ms valdez? Siguro nagtataka ka dahil inimbitahan ka naming dito sa university namin na mag aral. Well ms valdez hawak namin lahat ang record mo sa school at base sa nakita namin mukhang may potential ka na pangalagaan ang University na‘to. Ikaw ang exchange student na papalit sa dating president dito.”
LOAADINGG
PROCCEESSIINGGG
SINKK INN
“Hu-huh? Bakit? San ba napunta ‘yong dating ssg dito?” tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila saka tumingin sa‘kin.
“Nakita syang, putol ang ulo sa loob ng library In short namatay sya.”
Napalunok ako ng ilang beses dahil sa nadinig ko.“Namatay o pinatay?” tanong ko pabalik dahilan para mag iba ang tingin nila sa‘kin.
“Napunta ka dito para pumalit bilang Ssg president hindi para maki alam sa mga nangyayari dito. Tandaan mo Ms Valdez nasa Poder ka namin at kung may mangyaring masama sa‘yu? Walang may magtatangkang hanapin ka dahil sa ang University nato ay isang mysteryuso. Sumunod kalang at makakalabas ka ng buhay dito but plss ms valdez don’t try to escape or else.... Your die.”
“Ehh!! Putangina nyo naman palang lahat eh.”Mura ko sa kanila na kinagulat nilang lahat.“ Nananahimik ako sa bahay tapus Iimbetahan nyo ako dito, para lang maging ssg president? Pero bawal maki alam? Sabihin nyo nga nakadrugs ba kayo?” dagdag ko pa na kinanganga nilang lahat.
“I’ll trust you Ms Valdez. By the way ito ‘yong number ng Unit mo.” Dagdag nya pa saka umalis. ’yon siguro ang dean dito mukhang matanda na eh.
YOU ARE READING
Mysterious University By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]
Mystery / Thriller-Welcome To Mysterious University ............ Mysterious University is a place where full of mysterious and something unexplained or inexplicable university and a truth unknowable except by divine revelation. You must be brave to enter this univers...