Malapit na kami sa room pero itong lalaking ito di padin inaalis ang kamay n‘ya sa‘kin.“MAY SILA NABA?”
“OMYGOOOSSH SILA NABA TALAGA?”
“FIRSTIME MAGKAKARON NG COUPLE DITO SA PAGITAN NANG SUPREME STUDENT AT KING.”
Sari-saring bulungan nalang ang nadidinig ko. Nakakahiya mabuti nalang di halata sa‘kin na nahihiya ako dahil kahit papano kaya kung ipanatili ang mukha ko sa pagkapoker face at walang reaction.
“ANO BANG PROBLEMA MO HUH?” napalingon ako sa may kanang bahagi ko nang madinig ko ‘yon at kita ko kung pano itulak nang isang lalaki ang babae na umiiyak.“HINDI NGA KITA GUSTO SIMULA PALANG NANG UNA KAYA PWEDE BANG TIGILAN MUNA AKO!”
“P-Peero gusto kita. Gustong gusto kita.”
“ALAM MO NAMAN NONG UNA PA DIBA NILIGAWAN LANG KITA PERO HINDI TALAGA KITA MAHAL IBA ANG MAHAL KO. GINAGAMIT LANG KITA PARA MAPASELOS S‘YA AT MAPUNTA S‘YA SA‘KIN KAYA PWEDE BANG TIGILAN MUNA AKO! MALANDI KA!!”
Ayukong makakita nang ganitong sitwasyon. Lalo na sa harapan kupa. Inalis ko ang kamay ni Sk sa balikat ko at tinungo ang mga ito.
“Ano bang meron?” tanong ko saka tinulungang tumayo ‘yong babaeng tinulak n‘ya kanina. Kung kanina mga nasa sampu lang ang nakakita ngayon madami dami na naman ang nakakanood nang live na gulo.
“Yang babaeng ‘yan kasi eh. ANG LANDI, , PATULOY PADIN AKONG HINAHABOL KAHIT NA SINABI KUNG HINDI KO NAMAN TALAGA S‘YA GUSTO SIMULA PA NONG UNA.”
“Hindi mo naman pala gusto? Pero ang kapal nang pagmumukha mong ligawan s‘ya at saktan s‘ya kasi hindi mo s‘ya gusto? Hindi ka naman kagwapuhan pero kung makadiin ka nang salitang hindi mo s‘ya gusto simula pa nong una akala mo ikaw na ang pinakagwapo! Bawas bawasan mo nga ‘yang pagkakapal nang pagmumukha mo.”
Sumbat ko dito na kina ingay nang mga nakapalibot samin.
“Bakit gwapo lang ba ang pwedeng manakit?”
“Kay gwapo o pangit wala kang karapatan na paglaruan ang puso nang mga babae ano bang dahilan mo at nagawa mo ‘yon huh?”
Tanong ko dito. Hindi ako galit sadyang ganito lang ako magsalita.
“Ginamit kulang s‘ya para mapasa‘kin ang babaeng mahal ko. Masyado kasi akong pinahirapan nang mahal ko eh.”
“Dalhin nyo nga ang babaeng mahal daw nito. Kakausapin kulang.” utos ko sa iba saka hinarap tong lalaking ito.
“Kung may gusto ka, wag kanang mandamay nang iba.Pagsikapan mong makuha ang babaeng mahal mo nang walang may sinasaktang iba. Bakit? Pano kung ang taong gusto mo hindi mo padin makuha. Magiging masaya kaba? Ang kapal naman nang pagmumukha mo.”
Napalingon ako nang dumating ‘yong inutusan ko.“Ms Primus ito na po?” saad nito saka nilapit sa‘kin ang babae na gulat na gulat pading kaharap ako.
“Ikaw gusto mo ba ang lalaking ito?”
“O-0po.” sagot nya.
“Gusto mo naman pala eh. Ba’t kapa nagpakipot.. Sa tingin mo ang ganda mo para magpakipot? Gusto mo naman pala eh.. Ba’t hinayaan mong gumamit pa s‘ya nang ibang tao para makuha ka. Pano kung ikaw ang nasa kalagayan nang babaeng ito huh?” turo ko don sa tinulak kanina.” Kung nagmamahalan kayo huwag na kayong mandamay nang iba.”
“At ikaw naman. Kung alam mong hindi kana gusto. Tigil na hindi tulad nang lalaking iyan ang magbibigay sa‘yu nang kasayahan. Piliin mo ‘yong lalaking mas mahal ka kaisa mahal mo.”
“Ikaw, mag sorry ka sa babaeng ito. Tinulak mo sya kanina diba?”
“Natural lang sa kanya ‘yon.”
Aba! Ang kapal naman talaga nang pagmumukha nito.“Gusto mo bang piktusan kita.” pag hahamon ko dito.
“Ba’t ba ang hilig mong mangi alam? Ba’t di mo sila hayaan na magpatayan?”
“eh kung ikaw kaya patayin ko.” mabilis na sagot ko kay Alex na kakarating lang din kasunod din nito sina Dawn at keil.
“Hayaan mo sila, sariling disisyon nila ‘yan. Kung magkasakitan sila hayaan mo pinili nila ‘yan. Hindi ‘yong palagi kang makiki alam porket press ka.”
“Kaya nga eh. Nangingi alam ako para sa kaligtasan nyo. Palibhasa kasi kung makabitiw ka nang sarili akala mo sumasang ayon sayu lahat. Ang punto ko dito Ms Molina..ba’t kailangan pang manakit nang tao para lang makuha ang gusto nila. Ba’t hindi nila pagsikapan nang sariling paraan nila nang walang may tinatapakang tao.”
“Pe—
“You shut up and listen to me!” turo ko dito para matahimik ito.
“Tumayo kayo sa paraang kaya nyo, hindi kayo umasa sa iba. Tulad nalang nang pag aaral. Pano nyo maiintindihan ang isang lesson kung patuloy kayong mangungupya. Pano n’yo makukuha ang gusto n’yo nang hindi n‘yo pinagsisikapan na makuha sa paraan n‘yo hindi sa paraan nang iba. Pano kayo madidisiplina kung ang maling katuwiran n‘yo ang pinapairal n‘yo.”
“Sinisikap kung lagyan nang laman yang mga utak nyo. Sinusubukan kung ipaintindi sa inyo na sa campus na‘to kung di ka tatayu sa sarili mong paraan talo ka. Kung sa simpleng explaination lang hindi n‘yo ako maintindihan pano pa kaya kung dumating tayo sa punto na hindi na magkaintindihan DAHIL AYAW NYONG INTINDIHIN! isa lang naman ang hinihingi ko ang magkaisa naman kayo!”
“Sa love! Pwede naman kayong magmahal nang walang tinatapakang iba. Na walang sinasaktang iba. Sa pag aaral! Pwede kayong makapagtapos at makaipon nang kaalaman nang hindi umaasa sa iba. At sa lahat nang bagay. Kung ayaw nyo akong sundin palit tayu. Kayo sa pwesto ko ako d‘yan kung san kayo naruruon para kahit papano maintindihan n’yo ako. Now kung ayaw n‘yong sumunod sa mga sinasabi ko. Magpakamatay na kayo bahala kayo sa buhay nyo!”
Wala akong reaction na umalis don at iniwan silang lahat na tahimik. Pagod ako ngayon , pagod ang utak ko pagod ang lalamunan ko pagod ang buong katawan ko. Apat na araw palang ako dito at sa apat na araw na‘yon hindi ako nakatulog nang maayos. Dahil pano ako makakatulog nang maayos kung gabi gabi nalang akong maglilibot para matignan lang ang kaligtasan nang lahat. Bakit pa kasi kailangan pang magkaron nang ganito sa school.
Pag mangupya kinabukasan mamamatay.
Pag magloko kinabuksan patay.
Paglumabas nang gabi kinabukasan nawawala na. Anong klaseng buhay ba naman ‘to hindi ko alam kung kinukuha nang mga ingkanto ang mga studyante dito o sadyang meron lang talagang putangina na ---iwan.
“Ayos kalang ba?”
“Ayos lang ako.” sagot ko kay Sk habang naglalakad kami patungo sa room.
“Ba’t mo ‘ko iniwan doon?” nakangusong tanong nya sa‘kin. Amp! At ‘yon pa talaga ang iniisip nya.
“Ba’t ka nagpaiwan?”
“Eh iniwan mo ko eh.”
“Idi sana sumama ka.”
“Eh iniwan mo nga ako.”
“Oo na iniwan na kita. Sorry ok?” pag hihingi ko nang tawad sa kan‘ya. Hinigit ko naman ang batok nya at isinubsob sa leeg ko. In short niyakap ko sya.
Parang tanga eh. Parang batang ninakawan nang isang dosenang lolipop.
“Ang bango mo Mystein.” saad nya.
Midyo tumindig ang balahibo ko dahil sa hininga n‘ya na. Nasa leeg ko kasi.
“Alam ko matagal na.” saad ko.
___
VOCÊ ESTÁ LENDO
Mysterious University By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]
Mistério / Suspense-Welcome To Mysterious University ............ Mysterious University is a place where full of mysterious and something unexplained or inexplicable university and a truth unknowable except by divine revelation. You must be brave to enter this univers...