Eh mga tarantado pala to eh. Gusto pala nila nang laro bakit? Ayaw nilang magpakita sa‘kin. Idi sana naglaro kami nang tag og war hindi itong lintik na laro na‘to. Mukhang ako lagi taya ah! Nakakahalata na ako. Pwede bang sila naman ang taya at ako naman ang pakipagtaguan?
“TEKA! LANG MYSTEIN HINTAYIN MO‘KO!”
“OYYY MS PRIMUS, SANDALI!!!
Hindi ko sila pinansin at nangpatuloy lang ako sa pagtakbo ko hanggang sa makarating ako don sa Announcement room. Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok sa loob.
“Ano ba— WHAT THE FUCK!”
Halos mapa atras ako, at nawalan nang balance dahil sa nakita ko hindi ito ang unang beses na nakakita ako nang pinatay pero bakit parang nanghihina ang tuhod ko. Kulang paba ang ginawa kung pagpapaalala para mangyari ulit ito.“Bakit?” tanging iyan nalang ang lumabas sa bibig ko na s‘ya ding pagdating nong dalawa (vince at jayjay)
“Ayo—KYYYAAHHHHHHH!!!” napalapit ako kay Jay jay at hinawakan ko ang batok n‘ya at hinapit sa leeg ko ang mukha n’ya para hindi n’ya makita. Yakap ko s‘ya at ramdam kung tuloy lang sa pag agos ang mga luha n‘ya.
Ramdam ko ding basa na ang uniform ko. Maiigi kung tinitigan ang bangkay na nasa upuan walang mata pero makikilala mo padin kung sino sya.
“M-Mystein? W-Wala na si Xyci wala na s‘ya.” nahihirapang saad ni jay jay sa‘kin. Alam kung masakit sa kan‘ya dahil matagal silang nagsama sama.
Nanatili lang akong nakatitig dito hanggang sa magawi ang tingin ko sa kamay n‘ya. Don kulang din nakita na merong Black Invilope na nakatatoo malapit sa pulso n‘ya. Napapitiw din ako kay jay jay at kinuha ‘yong kwentas na nasa kamay n‘ya.. Pero mas lalo akong nagtaka nong makita ko ang pasa n‘ya sa may batok banda. Saka ko naalala ‘yong gabi may pinalo akong tatlong tao para mailigtas ‘yong babae.
Ayukong mag Isip nang kung ano ano. Pero sana hindi totoo. Sana hindi totoo na isa si Xyci ang gustong makipaglaro sa’kin. Pero bakit? Bakit naman nila pinatay? Ano bang mga dahilan nila.
“Anong me—THE HECK!! XYCI?” biglang pagdating nila Sk kasunod Sina Arianne at ang iba pang mga ssg officer.
“Halikayo. Tulungan nyo ako! Ililibing natin to sa Green Island.” biglang saad ni Dawn dito. Lumapit naman ang iba at tinulungan s‘yang buhatin si Xyxy. Lumapit naman si Sk sa‘kin at hinawakan nito ang kamay ko saka pinisil.. Nag aalala ako si Sk ang isa sa mga pangalang nakita ko sa death note... Itinago ko ang death note na‘yon... Sa ilalim nang lupa para hindi makuha na nang iba. Pero bakit ganito?
“See? Kita muna ang pangingialam mo. Hindi naman ligtas ang mga studyante eh. Kundi mas lalo silang namamatay. Ang problema kasi sa‘yu masyado kang pabida. Oh? Akala ko ba ililigtas mo ang buhay namin eh ba’t ang kaibigan nang kaibigan mo hindi mo nailigtas. Kasi hindi mo kaya.”
Walang emosyon akong bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Sk at lumapit kay Alex.“May galit kaba sa‘kin?” tanong ko dito na kinataas nang kilay n‘ya.
“Oo! At gustong gusto kitang patayin.”
“Owss talaga? Ba’t di mo ginawa?”
“Kasi ayuko! Baka isipin nila na ang sama kunang tao. At baka sisihin mo pa ako pag pinatay kita.”
“Pano kita sisisihin eh patay na ako.” tinarayan n‘ya ako dahil sa sagot ko sa kan‘ya. Totoo naman eh pano ko pa s’ya masisisi kung patay na ako. Alang naman bumangon pa ako sa ilalim nang lupa para lang puntahan s‘ya at sabihing hoy! Sinisisi kita.
“Urghh!!! Nevermind at saka pwede ba? Layu layuan mo si sk dahil hindi naman s‘ya sa‘yu eh? Ang hirap kasi sa‘yu masyado kang malandi.”
“A-Alex tama na‘yan?” pag aawat sa kan’ya ni Samantha.. Isang nerd pero matalino. Nakilala ko ito kasi s‘ya ang President nang room. Kaibigan n‘ya si Alexandra well si alex gabi daw pumapasok dahil ayaw daw nang maingay oh diba ang arte.
“Huwag mo nga akong paki alaman , don kanga! Hoy ikaw!”turo n‘ya sa‘kin.“ Sigurado kabang gusto ka ni Sk? Huh? Hindi kayo bagay kaya dumistansya ka d‘yan.”
“Gusto nya man ako o hindi. Wala akong paki alam. Ba’t mo pala ako kinakausap? Close ba tayu?”
Napahawak ako sa kanang pisngi ko nang tumama ang palad nya sa mukha ko dahilan para mapalapit samin Sina keil at Kenneth. Bali ako si Kenneth , keil, sk Alex at Jay jay nalang ang nandito ang iba sinamahan si Dawn.
Sasampalin ko sana pabalik Si Alex pero naharang n‘ya ito.“Sanay ako sa sampalan kaya di mo ako kaya.” pang aasar nya sa‘kin.
Sasampalin ko ulit s‘ya sa kabila pero nakarang ulit s‘ya dito.
[PAKKKK]
Gulat akong napatingin kay kenneth nang sampalin n‘ya nang pagkalakas lakas si Alex.
“Gago, pre! Ba’t mo sinampal?” gulat na tanong Ni Sk dito.
“Ayaw magpasampal kay Primus eh. Kaya ako na ang sumampal. Don’t worry nakaganti kana.” nakangiting saad n‘ya sa‘kin saka ginulo ang buhok ko.
Napatingin naman ako kay alex nang may namuong luha sa mga mata n‘ya saka umalis kasama si Sam.
“Luh? At kailan kapa naging mapanakit sa babae Ken? Ang sama mo namang lalaki.”
Nganga kaming napalingon kay keil dahil sa sinabi n‘ya.Pati si Jayjay na kanina umiiyak ngayon napatigil dahil lang sa pagtagalog nang lalaking ito.
“Gago! Eh sagad naman pala ang pagtagalog mo , may pa english english kapang nalalaman baliko naman. Kailan kapa natutung magtagalog?” inis na tanong Ni sk dito.
“Since birth.”
“Since birth? Eh bakit panay ka english pinahirapan mo pa kami?”
“Wala, gusto kulang matawa sa tuwing nadidinig n‘yo ang maganda kung english.Ang kyut n‘yo kasi tignan sa tuwing di n‘yo naiintindihan ang sinasabi ko.
“TARANTADO!!!”
Binatukan ito ni Sk at Kenneth.Pero seryuso, halos matawa ako kanina. Ano ba kasing naisipan ni kenneth na sampalin Si alex. HAHAHAHAHA at talagang ang lakas nang pagkakasampal n‘ya.
“Gago ka pre! Pag namaga ang mukha ni Alex dahil sa lakas nang sampal mo kanina patay ka.” pananakot Ni Sk dito. Isa pa‘to eh. Akala n’ya siguro di ko na pansin kanina na balak n‘ya ring sampalin si Alex naunahan lang s‘ya.
“Hindi ko naman sinasadya, saka nadala lang ako sa sampalan nila Ni Primus. Kaya lang di makasampal si Primus eh kaya ako na sumampal. Oh diba? Ang galing ko sa part na‘yon.”
Iling iling nalang ako at nagpatuloy sa paglakad pababa sa hangdan. Napatingin ako nang kunti nang ilagay na naman ulit ni Sk ang Kamay n‘ya sa balikat ko.
“Tigilan mo nga ako, pag ako natumba papatayin kita.”
“Ehh!! Primus naman eh gusto kulang naman na akbayan ka , at saka ang bango mo kasi lagi.” sagot nya.
Halos mabilaukan naman ‘yong nasa likuran namin sa kaka aham. Mga siraulo lang.
“So!!! Ano gusto nyo kainin treat ko?” tanong ko sa kanila.
Kanya kan‘ya naman silang sagot saka kami dumiritsu sa lunch counter.
“I LOVE YOU PRIMUS!!!”
“Sino ‘yon?”
_____
ESTÁS LEYENDO
Mysterious University By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]
Misterio / Suspenso-Welcome To Mysterious University ............ Mysterious University is a place where full of mysterious and something unexplained or inexplicable university and a truth unknowable except by divine revelation. You must be brave to enter this univers...