(37)

1.3K 115 0
                                    

“Moyy say ahh!!”

“Ano ba‘yan dre ang korne mo naman. May pa say ah! Say ah! Kapa dyan. Respito naman sa walang jowa dito.”

“Eh bakit? Mag jowa ba‘yang dalawang yan? Naglalandian lang naman ‘yan pero walang label eh.”

“Baka nagkaaminan lang nang feelings pero wala talagang label. Uso ‘yan ngayon diba?”

“Mga hudas kayo,  baka nakakalimutan nyong nasa tabi nyo lang kami.”
Napalingon ako kay Sk dahil sa sinabi nya. Inilapag nya din ang pagkain na isusubo sana nya sa‘kin.

“Kumain kana Moy.”

“Maya na,  kumain na kayo baka mas gutom pa kayo sa‘kin eh.”

“Moy naman,  kakain ka o ikaw ang kakainin ko. ”

“Ayos lang,  masarap naman ako.”
Walang ganang sagot ko.

“Lintik naman dre. Ba’t kaba nanunulak? Ang sakit ah.”
Reklamo ni Ken pagkatapos syang itulak ni Sk dahilan para mahulog ito sa kinauupuan nya.

Lumapit naman ako dito para itayu ito.

“Kinikilig kasi ako. Si Mystein kasi eh.”
Namumulang saad ni Sk dito saka nakangiti at di umiiwas nang tingin sa‘kin.

“Ang pangit mo naman kiligin dre,  may patulaktulak kapa. Di naman bagay sa‘yu.”

“Anong hindi,  kahit sang anghulo tignan gwapo ako. Kahit itanong mo pa kay mystein. Ako ang pinakagwapo sa balat nang lupa diba mystein?”

“Oo,  nong wala pang tao sa mundo.”

“Pffffftt!!! HAHAHAHAHAHA!!!”

“Gra-HAHAHAHA grabi pre. HHAHAHAHA!!”

“Moy naman eh. Ang gwapo ko kaya kaya nga ako nagustuhan mo diba? At saka dapat nag oo ka nalang.”

“Oo na gwapo kana.”
Saad ko dito.

Napaatras naman ako nang upo nang inilapit nito ang mukha nya sa‘kin. Hysssttt! Kahit kailan talaga nalilintik ako sa lalaking ito. Talaga bang bigdeal sa kanya ang pagiging gwapo nya? Tskkkk! Ibang klaseng dito lang siguro ako nakatagpo nang lalaking pati kagwapuhan nga prinoproblema pa.

“Moy? May sasabihin ako sa‘yu?”
Hindi ko alam kung tama ang nadinig ko pero lumingon padin ako sa kanya saka hinintay yong sasabihin nya.

“I’m sorry kasi hindi kita sinamahan nong time na napagbintangan kang pumatay. I’m sorry kasi nasaktan kita. Alam mo nong time na nakita kitang buhat ni Vince sobrang nagsilos ako non.” nanatili lang akong nakatitig sa kanya at pinagmamasdan bawat salita na lumalabas sa lips nya.

“Kasi nahimatay ka non eh  at dapat ako ang nagbuhat sa‘yu. Sorry kasi di ako naniwala. Sinisi ko ang sarili ko kasi kung sa ganong  paraan hindi kita naprotektahan pano na kaya kung sa patayan na diba?”

“Sk?” lumapit ako sa kanya saka hinawakan sya sa mukha.“Ayos lang ako. At kahit kailan hindi ako masasaktan walang may mananakit sa‘kin. Pero ngayon lahat nang nakapalibot sa‘kin nawawala kaya plsss lang Sk magtiwala ka sa‘kin. Alam kung di uso dito ang salitang iyan pero magtiwala ka sa‘kin. Hindi ka masasaktan at ayukong mawala ka sa‘kin. Hindi ko kaya!”

Habang sinasabi ko ang salitang iyan sobrang bilis nang tibok nang puso ko. Ngayon lang ako nagconfess sa isang tao ngayon lang ako magproprotekta nang tao at sa isang lalaki pa. Hindi ko alam pero tila ba ang saya ko dahil nasabi kuna ang sasabihin ko.

“Hindi ako mawawala Moy? Dahil sa‘yu naman talaga ako. Kaya sana huwag mong saktan ang puso ko . Dahil ikaw ang buhay ko.”

“At ikaw ang lakas ko.”
Sagoy ko dito.

Mysterious University  By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora