57

917 82 0
                                    

Nagising ng maramdaman ang sakit nang batok ko.

Anak ng putang*na naman at talagang nagising pa ako. Ano bang klaseng buhay to natatang*na nanga ako kakaisip napupuntang*na pa sa nangyayari.

Hyssttt!!

Napakagat labi ako saka inikot ang paningin ko. Nahagip din ng paningin ko si alex na ngayon ay naliligo ng sarili nyang dugo.

Putang*na mga gag* pagtalaga makaalis ako dito at di magising si alex , mag hahalo talaga ang lupa sa langit.

"Gising na ang ating President? Kumusta naman ang tulog mo?"

"Putang*na kaba?! Malamang hindi maganda, paluin kaya kita sa batok tapus tanungin kita kung kumusta ang tulog."

"Hanggang ngayon ang angas mo padin, hindi kaba natatakot na mamatay ngayon huh?!"
Tanong nito sa'kin.

Hysstt!! Sana pala pinatay ko nalang to eh. Kung ito lang naman pala ang dahilan kung bakit mapapahamak si alex.

Hyyssttt.. Pambihirang buhay naman to.

Napatingin ako sa isang dumating.

"Sabihin nyo nga sa'king dalawa? Kayo ba may gawa talaga nito o napag utusan lang kayo. Hanep din naman ang nag utos sa inyo noh? Ba't kailangan nya pang dalhin ako dito para lang makaganti sa'kin."
Napatingin ako kay vince na may hawak na maliit pero matalim na kawayan.

Hindi ba uso sa kanila ang pagpatay gamit ang kutsilyo.

Talaga bang ballpen o kahit na anong gamit sa school ginagamit nila? Aba! Ayos ah.

Napailing ako. Sa dami ba naman ng gustong pumatay sa'kin ito pa.

"Alam mo ba kung ba't nandito si alex? Nadinig nya usapan namin ng kapated ko eh. Kaya heto sya ngayon nakikipag laban ng buhay n'ya kay satanas."

"Oh , tapus?!"
Walang ganang tanong ko dito.

Hindi ko alam kung swerte ako ngayon, pero nagawa kung tanggalin ang tali sa kamay ko. Ang tatanga naman kasing mag tali ng mga ito.

"So, Magkapated kayo?"
Tanong ko saka tumingin sa gawi ng leader ng class 4-A na ngayon ay nasa harap ni alex na tila pinaglalaruan nito ang legs ni alex.

Putang*na ba'to.

"Hoy, gag*! Subukan mong tumatagl ang kamay mo sa legs ng kaibigan ko. Ako papatay sa'yu!"

Sumbat ko dito , natatawa naman itong lumapit sa'kin saka sinampal ako. Nakakadalawa na 'to sa'kin ah.

Inis akong tumayo na kinagulat nila.

"Pa-panong?"

"Pano ko natanggal, baka nakakalimutan mo vince gang leader ako. Hindi ako tangga para magpatali ng matagal sa ganitong sitwasyon lalo na kung nag aagaw buhay ang kaibigan ko. At ikaw?!" Lumapit ako don sa leader ng class 4-A." sawang sawa na ako sa sampal mo. Ngayon ako naman."

Binuhos ko ang lahat ng lakas ko para suntukin ito. "Sana pala ako na mismo ang pumatay sa'yu. Ano vince papatayin ko naba 'tong kapated mo?!"

"Do it, hindi ko kapated 'yan."
Natatawang sabi nya so hindi magkapated?

Anak ng hudas, barabas , hestas. Putang*na naman napakamot ako sa ulo ko ng wala sa oras.

Hinawakan ko sa buhok 'yong leader ng class 4-A saka ito itinulak sa pader dahilan para matumba ito. Saka ako humarap kay Vince.

"Ba't kailangan pang madami ang mamatay? Ba't pati kaibigan ko vince? Akala ko ako lang? Ba't pati kaibigan ko."

"Ganito Primus explain ko sa'yu huh? Para naman kapag namatay ka atleast alam mo kung bakit? Dinamay ko si alex dahil pinatay n'ya si lhin at xy pinatay n'ya ang dalawang babaeng kaibigan namin para protektahan ka. Galing no? Alam mo ba kung bakit namatay ang dating ssp president dito? Kasi naki alam sya sa plano hindi sya pumayag na mag aral ka dito, at isa pa iba ang minahal nya at hindi ang kapated ko. Alam mo ba kung sino ang pumatay sa dating press? Syempre ang kapatid ko at don sa boyfriend n'yang sino nga ulit 'yon? Ah si blythe pinatay ng kapated ko ang dating press at si blythe ano gulat ka?!"

Mysterious University  By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]Where stories live. Discover now