•JAY JAY POINT OF VIEW•
⚫⚫⚫⚫⚫
Pababa ako ngayon nang hagdan nang makasalubong ko sina Ken at Dawn na tila ba parang nagmamadali. Sabado ngayon kaya naman hindi naka uniform lahat at naka casual lang.
Halos magtaka ako at kunot noong nakatingin sa kanilang dalawa na nagmamadali.“Ano meron?” takang tanong ko sa kanila.
“Si madam Ann. Patay na!”
“Wait? What! Pa-panong?”
Halos mapanganga ako at tila napintig ang tainga ko dahil sa nadinig ko sa kanila.“Nakita ang bangkay nya sa mismong office nya. Ballpen ang ginamit sa pagpatay sa kanya.” saad ni Dawn.
“Ballpen? At sino namang may gawa non?”
Tila ba natahimik sila sa sinabi ko. Kaya naman nagtaka ako sa kanila. Nabaling naman ang tingin ko sa ibang studyante na dumadaan.
“Goosshhhh!! Akalain mong sya din pala ang papatay kay madam Ann.”
“Sabi na ngaba eh. Kung sumagot kasi akala mo sya ang batas. Nagmamalinis pa mamamatay tao din naman eh. Wala syang pinagkaiba sa mga ibang killer dito sa campus, sayang Idol kupa naman sya. But now? Never na.”
“Ano bang sinasabi nila?” tanong ko kina Ken.
“Si Mystein ang pinaghihinalaan na pumatay kay Madam Ann. Dahil Ballpen nya ang ginamit sa pagpatay dito.”
“Asan si Primus ngayon? Hindi ako naniniwala na sya ang may gawa non.”
“Nasa guidance council, pinatawag sya don.”
Nagmadali akong tumungo sa guidance council para matignan kung ok lang si mystein.Hindi ako naniniwala na ginawa ni mystein iyon. Kahit nasibihg ballpen nya ang ginamit sa pagpatay hindi padin ako maniniwala. Mag iisang linggo palang na nakilala namin si mystein at tila ba alam na namin ang ugali nya. Mabait sya , prangka at tila ba walang sinasanto. Pero sa nakikita ko kaya nyang ibuwis ang buhay nya para saming lahat. Pero pano umabot sa ganito?
“SEEEE!!!! THIS GIRL IS A KILLER! AKALAIN MO NGA NAMAN NA SA GITNA NANG MAAMO MONG MUKHA MAMAMATAY TAO KA PALANG MALANDI KA!!”
dinig na dinig ko galing kay alex nang makapasok ako sa GC.(guidance council)Napalingon ako sa gawi ni Mystein , tahimik at walang reaction at mukha , kalmado lang halatang alam nya sa sarili nya na hindi nya ginagawa ang bagay na‘yon.
“Ayos lang sana kung isang studyante ang pinatay mo Ms Mystein pero isang guro! Pano mo nagawa ang bagay na‘yon. Alam mobang pwede kading mamatay sa ginawa mo? Alam mo bang pwede kitang ipatapon sa Mysterios Island at hayaan kang mamatay don HUH?”
galit na saad nang Dean na si Mr martinez“Gawin mo ang gusto mo. Wala akong paki alam.”
Bored at tila ba walang ganang sagot ni Mystein dito. Tuluyan naman akong pumasok at naupo sa tabi Ni Sk. Sumunod din sina ken sa‘kin pero nasa pinto lang sila nakatayu.“Hindi ako favor dyan Mr Martinez , I guess We need to Invistigate. Hindi porket ballpen ni Mystein ang nakita na puno nang dugo na ginamit sa pagpatay kay Ms Ann. Sya na agad ang pumatay malay mo may gusto lang sumira sa kanya at ginamit ang Ballpen ni Primus para sya ang mapagbintangan, diba Alex?”
Napalingon kaming lahat kay alex nang sabihin ito ni Vince.
ESTÁS LEYENDO
Mysterious University By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]
Misterio / Suspenso-Welcome To Mysterious University ............ Mysterious University is a place where full of mysterious and something unexplained or inexplicable university and a truth unknowable except by divine revelation. You must be brave to enter this univers...