(40)

1.1K 104 0
                                    

One week after nong namatay si Lhin,  at one week nading hindi ako pinapansin ni Jhay at one week nadin na lagi akong tinatang ina nang lalaking to.

“Moy alam mo ba kung ba’t nabuhay ako?”

“Ano?!”

“Para mahalin ka.”
Hindi ko alam kung matutuwa ako o macocornihan dahil sa mga banat nang lalaking to? Hindi manlang nahiya eh ang dami kayang mga studyante dito. Kahit nasa bandang may hallway kami nakaupo lahat nang dumadaan nakatingin samin. Ano ba daw kasi ang trip ko ba’t dito kami na upo e meron naman daw upuan.

“Moy? Alam mo ba kung ba’t humihinga ako?”

“Hindi at wala akong paki alam.”

“Moy,  naman eh sabihin muna bakit?”

“Oh,  bakit?”

“Kasi humihinga ako para sa‘yu yiiieee..”

“So ibig sabihin humihinga ka para mabuhay ako. Ang oxygen ko nasa sa‘yu so pag namatay ka patay din ako?”

“Ano ba‘yan,  ang hirap naman bumanat sa matalino. Dapat nga kiligin pa sya eh. Ba’t parang nageexplain pa.”
Dinig kung bulong nya dahil sa sinabi ko.

“Oyy,  Ms Primus san ka pala galing kanina? Nakita kita eh.”
Tanong ni Ken na kakadating lang himala di nya kasama ang dalawang monggoloy.

“Sa office.”

“Anong ginawa mo don?”

“Nakipag-usap sa lamesa.”

“Seryuso ano nga ginawa mo don?”
Ba’t parang intirisado to sa ginawa ko.

“Kinuha ang ballpen.”

“Ano gagawin mo sa ballpen?”

“Lulunukin tsskk!! Malamang isususlat.”

“San?”

“Sa mukha mo.”
Sagot ko.

“Sige Ms Primus,  mamilosopo tayu dito magdamag. Tinatanong nang maayos eh. Tapus mga walang kwenta ng sinasagot.”

Pinitik ko ilong nito.“Tarantado kaba? Eh sa walang kwenta mga tanong mo eh. San ba dapat isinusulat ang ballpen diba sa papel?”

“Pwede din naman sa notebook,  o kaya sa manila paper o kaya sa bond paper diba?”

“Oh tapus?”

“Iwan ko sa inyo. Dyan nanga kayo ang hirap nyo namang intindihin eh. Hyyssty asan naba kasi si Jhay at sya nalang ang kausapin ko mabuti pa‘yon mukhang matino kausap eh.”

Saad nito saka umalis. Mabuti pa sila kinakausap ni jhay jhay ako kasi kahit anong tyaga ko na nakausapin sya iniiwasan nya ako. Ang sakit lang pag ganon.

“Moy? Alam mo ba ang ganda mo?”

“Alam ko matagal na.”

“Pero mas gaganda kapa kapag naisuot muna ang gown na bibilhin ko para sa‘yu.”
Tumingin ako kay Sk.

Seryuso sya ang gwapo nya kapag seryuso sya. Nong una kaming nagmeet thats the first time na biglang bumilis ang tibok nang puso ko. Akala ko galit lang ako eh pero hindi pala. Ilang days kung iniwasan ang feelings ko para sa kanya pero iwan kuba kay kupido isang libong pana siguro ang ginamit para tamaan kami pareho.

Ngingiti na sana ko pero bigla akong napahugot nang malalim na hininga nang may bumuhos sa ulo ko nang malamig na tubig.

Mabilis akong napatayo. Saka mabilis na tumingin don sa nagbuhos sa‘kin at laking gulat ko nalang nang makita si jhay na may dalang water kasama sina alex.

Mysterious University  By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن