48

966 109 0
                                    

Nakanguso akong papasok ng Lunch counter dahil iniwan ako ni moy. Hindi manlang ako hinintay ang kapal ng mukha. I mean ang kapal ng mukha tama ang kapal talaga. Hinintay ko s‘yang magising tapus biglang iiwan n‘ya lang ako doon. Ang sama ng ugali e.

“Oh,  dre problema mo?”
Tanog ni ken ng makarating ako sa table nila.

“Ba’t mo iniwan si Primus sa Dispensary Sk? Baka ano mangyari sa kanya don?”Inis akong tumingin kay Jay dahil sa sinabi nya.

“Ako nga iniwan eh,  pagkagising na pagkagising n‘yan iniwan nya ako wala manlang s‘yang balak na awayin ‘yong mga umaway sa‘kin. Nagsumbong kaya ako tapus tinalikuran niya lang ako.”
Saad ko sa kanila.

Hindi ko alam ba’t sila natatawa eh totoo naman ang sinabi ko. Nagsumbong ako tapus tinalikuran n’ya lang ako.

“Pfffftt!! Para kang si Keil dre.”
Saad ni dawn.

“Teka,  bakit ako? Nananahimik ako dito eh.”

“Hyysstt ba’t ba ang hilig n‘yo akong pilosopohin? Problemahin nyo nga muna problema ko.”
Saad ko sa kanila.

“Maupo kaya Dre,  para kang siraulo.”

Napaupo ako ng wala sa oras ng hilahin ako ni Ken.

“KYYYYYYAAAAHHHHH!!!”

“SI MS PRIMUS ANDITO NA SYA!!”

Napatingin kaming lahat sa Gate ng papasok si Primus kasama si Vince ba’t ba sila magkasama?

“OMYGOOOOSSHHH PRIMUUUSSS!!”
sambit nong apat saka biglang nagtakbuhan para yakapin si mystein.

“Mga putangina ba kayo? Di ako makahinga.”
Ba’t kailangan n‘ya pang magmura kung sasabihin n’ya ’yon.

“Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba may tatapusin ka?”
Inis na tanong ko

”Maya ko nalang tapusin.”
Sagot nya saka umupo sa tabi ko. Sa tabi naman ni jay umupo si vince tskk.. Ano ba kasing ginagawa n’ya dito?

“Tapusin muna nahiya kapa.”
Sagot ko saka umiwas sa kanya naiinis ako eh.

”Inuna ko muna ‘yong nambubully sa‘yu then dumiritsu na muna ako dito kasi namiss kita.”

“AYYYYYYIIIIEEEEE!!! HAHAHAHAHA.”

“AYYSSUUUUSS ANO DRE BOLBOL MO KINIKILIG NA NAMAN.”

“ANGAS BANAT MO PRIMUS AH!! SMOOTH.”
kanya kanya nilang asar sa‘kin. Pero di ko pinansin ang mga ito.

“Ano ba kasing ginagawa mo dito Vince? Ba’t mo kasama si Moy huh?”
Inis na tanong ko.

“Bakit,  masama bang sumama sa babaeng mahal ko?”

“Mahal kaba?”

”Hindi,  pero mahal ko s‘ya.”
Sagot nya sa‘kin na kina inis ko. Gusto ba talaga nito ng gulo?

“Nang-iinis kaba?!”

“Hindi,  Pinaprangka lang kita. Sinasabi ko ang nararamdaman ko na mahal ko ang mahal mo dahil sa oras na masaktan ulit si mystein, dude handa akong magpakakiller mapatay kalang.”

“Kung masaktan kuman si Mystein,  handa akong ibigay ang buhay ko sa‘yu kapalit ng pananakit ko sa taong mahal ko.”

“Deal.”
Vince said saka nilahad ang kamay nya sa kamay ko.

“Deal.”
Sagot ko saka nakipagshake hands.

“Tapus na kayong magdealan d’yan?”
Cold na tanong ni mystein.

Mysterious University  By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]Where stories live. Discover now