√Sam Point Of View√
••••••••
Nagising ako nang maramdaman kung may tali ang kamay ko kaya nagpumiglas ako. Pero dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali sa bawat pag galawa ko tila ba parang mababali ang kamay ko.
Papunta ako kanina sa office ng maramdaman kung may pumalo sa batok ko kaya ako nawalan ng malay. Sino ba kasing may gawa nito.
“Gising kana pala?”
Napa angat ako ng tingin at napalaki ng mata dahil sa nakita ko.“I-ikaw!”
Kabadong sabi ko.“An-anong kailangan mo sa‘kin huh? Pa-pakawalan mo‘ko dito.”“Ang drama mo naman.”
Kabado akong nakatitig sa kanya habang tinatasahan n‘ya ang lapis na hawak nya.“An-anong gagawin mo dyan?”
“Ito? Sa tingin mo anong gagawin ko dito?”
Seryusong tanong nya.“Hindi ako makapaniwala na ang isang kagaya mo eh mamamatay tao pala, simula palang siguro ikaw na ang pumapatay. Walang HIYA KA TALAGA!”
“Ayssuuuss!! Ako? Walang hiya. At sino namang putang*nang magpapanggap na nerd ‘yon pala balak akong patayin. You fuck*ing asshole.”
“Natural lang naman sa‘yu ’yon dahil di ka dapat mabuhay sa mundo alam mo ba?”
“Hindi.”
Sagot nya. Hanggang dito ba naman pinipilosop padin ako.“Pwede bang pakawalan muna ako dito huh?!”
“Sa isang kondisyon, sasabihin mo sa‘kin kung sino ang may sabi na patayin ako at kung ano ang dahilan.”
Umiling ako.Napapigil hininga din ng iturok nya sa lalamunan ko ‘yong lapis na bagong tasa.“Lapis lang to, pero pag sinadya kung patayin ka. Patay ka ! Pasalamat ka lapis lang to at hindi ako brutal pumatay. Kung brutal ako baka nilagari na kita.”
“Ba’t hindi mo pa ako patayin ang dami mong sinasabi!! Patayin muna ako.”
“Idi patayin.”
Halos maihi ako sa sakit dahil sa pagsasak nito sa banda may dibdib ko.Napaubo din ako akala ko dati ako ang makakapatay sa kanya.. Ngayon sya pala ang papatay sa’kin.
“Ma-mamamatay ako pe-pero ang to-totoong pa-papatay sa‘yu na-nasa paligid mu-mulang.”
“Alam ko. Pero di ko kilala But now mamaalam kana.”
Tinadyakan n‘ya ako dahilan para mahulog ang upuan pati ako sa corrigidor napapikit nalang ako at hinihintay na bumagsak ang upuan kasabay ko sa baba._______
√JAY JAY POINT OF VIEW√
•••••
“KYAAAHHHHHHHH!!!!!”
“AAAHHHHHHHHH!!!”
Nagkatinginan kaming lima ng biglang nagkagulo ang mga studyante malapit sa Science building. Kaya naman nagmadali akong pumunta don, asan naba kasi si Primus.
ESTÁS LEYENDO
Mysterious University By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]
Misterio / Suspenso-Welcome To Mysterious University ............ Mysterious University is a place where full of mysterious and something unexplained or inexplicable university and a truth unknowable except by divine revelation. You must be brave to enter this univers...