(42)

1K 101 0
                                    

Nasa lunch counter ako kasama si Jhay katabi ko sya kaya naman sumandal ako sa balikat nya at ipinikit ang mata.

Sina ken hindi namin nakasama ngayon kaya kami lang dalawa ni Jhay. Ano na kaya ang pinag uusapan nila Sk ngayon? Ba’t parang kinakabahan ako? Ba’t parang pakiramdam ko may kung anong tumusok sa puso ko dahilan para kabahan ako bigla.

“Oh,  jhay? Ok na pala kayo ni Ms Primus?”

“Shhhhhh!! Huwag ka maingay. Natutulog si Mystein. And yes ok na kami kanina lang nasaktan ko sya kaya ako ang humingi nang tawad mali pala ako eh.

“Sya nga pala vince pwede bang ikaw muna dito? Bibili lang ako nang makakain eh.”

“No,  ako na. Ako na bibili.”
Nanatili lang akong  nakapikit pero ang diwa ko gising na gising nakikiramdam lang ako sa kanila e.

Putangina lang hindi ko kaya to letche. Idinilat ko ang mata ko saka tumayo dahilan para magulat at mapaatras si Jhay at vince na kakarating lang galing mag order.

“Ano ba‘yan Mystein nakakatakot ka naman. San ba punta mo?”

Takang tanong ni Vince sa‘kin. Kunot noo ding napatingin sa‘kin si Jhay.

“Gusto ko sa office ko ako magpahinga. Ayuko dito masyadong maingay.”
Pagsisinungaling ko.

Pero gusto ko talagang malaman kung ano ang pinag uusapan nina kyle ngayon.

Umalis na ako at di nalang hinintay ang mga sasabihin nila. Pero nagulat ako nang biglang sumunod si vince dala ang pagkaing inorder nya.

“Anong ginagawa mo?”

“Ihahatid na kita sa Office mo. At saka dinala kuna tong inorder ko baka magutom ka.”
He said. Hindi na ako kumibo at nagpatuloy nalang sa paglakad.

“OYYYY SI SK AT QUEEN NASA MALAPIT SA OFFICE NI MS PRIMUS NAG UUSAP.”

“OO NGA EH. NAKITA KO DIN I MEAN NAPANSIN PALA ANO KAYA PINAG UUSAPAN NILA.”

napahinto ako sa paglalakad dahil sa nadinig ko. Tskkk!! Ang kapal naman ba’t malapit sa office ko sila nag usap.

“Ayos kalang ba?”

“Oo naman.”
Cold na sagot ko saka lumakad ulit nang malapit na ako sa office napansin ko sina Sk nasa may gilid nang office ko nag uusap hindi nila ako napapansin dahil mukhang seryuso ang pinag uusapan nila. Hindi ko masyadong madinig dahil midyo distansya ako nang konti.

Pero tila ba gumuho ang mundo ko dahil sa nakita ko. Hinalikan ni Sk si alex. Gulat lang akong nakatitig hanggang sa maramdaman kung may humarang sa harapan ko.

“Vi-vince?”

“Kung nasasaktan ka , huwag mong tignan.”
May pag aalalang saad nya sa‘kin. Gusto kung umiyak pero tila ba parang walang luha na lumalabas sa mata ko.

Pero ang sakit sobrang sakit. Nanatili akong nakatayu hanggang sa maramdaman kung nagkusa nalang na lumakad ang mga paa ko palapit sa kanila.

Nanatili akong kalmado , habang ang dalawa kung kamay nasa bulsa nang jacket ko nakalagay.

“My-mystein?”
Dinig kung sambit ni Sk nang pangalam ko pero hindi ko ito nilingon.

“Oyy dude.. Ayos ah dito pa talaga kayo naghahalikan.”
Dinig kung saad ni Vince bag koo tuluyang buksan ang pinto nang office at pamagsak ito na sinira.

Mga putangina ang kakapal nang mukha.

_____

√Stephen kyle (Sk) Point Of View√

⚫⚫⚫⚫

“Sabihin muna kung anong gusto mong sabihin alex. Dahil hinihintay na ako ni Mystein. Ano ba kasi sasabihin mo?”

Nasa malapit kami nang office ni mystein,  iwan kuba kung bakit dito ako hinila ni Alex. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin nito.

“Bakit ba puro ka nalang mystein? Andito naman ako kyle eh. Ako ang nauna,  pero bakit sya padin ang nagustuhan mo?  Ano bang meron sa babaeng ‘yan huh? Di naman maganda at sa tingin ko malandi pa mukhang hindi panga seryuso sa‘yu eh. Gusto kita kyle plsss gustuhin mo naman ako pabalik.”

“I’m sorry alex,  pero hindi kayang utusan ang puso na mag mahal nang hindi naman kayang mahalin. Kung naging malapit man ako sa’yu just because your my friend at hanggang don lang ‘yon. Maganda ka , Oo pero madami kayong pagkakaiba ni Mystein. Si mystein maganda,  mabait,  matalino at prangkang tao. Totoo din sa sarili. At hindi naman mukha ang nagustuhan ko sa kanya kundi iyong kung sino sya kaya pwede ba? Tigil muna to.”

Napahawak ako sa mukha ko nang sampalin ako nito.

“Akin kalang Kyle,  at hindi ako papayag na mapunta ka sa iba? Kulang paba? KULANG PABA ANG GINAWA KO PARA MAPASA‘KIN KA? GINAWA KUNA ANG LAHAT PARA MAPANSIN MO! TAPUS YANG LINTIK NA BABAE LANG PALA ANG AAGAW SAYU SA‘KIN? TANDAAN MO VINCE KUNG DI KAMAN KAYA PATAYIN NANG KILLER IT BECUASE NASA TABI MO SI PRIMUS LAGI THEN SYA ANG KAWAWA.. AT KAHIT AKO GAGAWIN KO ANG LAHAT MASIRA LANG SYA SAYU!!”

“Do it!” hinawakan ko sya sa mukha at lalong diniinan ito.“Do it alex? Ako makakalaban mo.  Kapag may mang yaring masama sa president pupugutan kita nang ulo naiintindihan mo ba HUH?”

“Ako ba tinatakot mo huh?” sabay tulak nito sa’kin.“ Kung hindi mo ako gusto. Hindi din sya mapupunta sa‘yu.”

“Ito ba ang gusto mo huh” hinawakan ko sya sa beywang at marahas na hinalikan.” pero napapitaw din agad ako nang mapansing dumaan si mystein sa gilid namin.

“My-mystein?”
Tawag ko sa kanya , pero di manlang ito kumibo. Ramdam ko ang galit nya kahit nakatalikod sya sa‘kin.

Babaling ang tingin ko kay vince na tumatawa habang nakatingin sa‘min Ni alex.“Oyy dude? Ayos ah.. Dito pa talaga kayo naghahalikan.” saad nya pa. Pero hindi ko ito binigyan nang pansin bagkus ay napatingin ako kay Mystein na pabagsak na isinara ang pinto.

Galit sya. Pero hindi pwede gagawin ko ang lahat para ipaliwanag sa kanya ang lahat.

“Pano ba‘yan Mr Sk,  akin kana. Mukhang galit na galit sa‘yu ang babaeng mahal mo. HAHAHAHA poor girl. Will sabi ko nama kasi sa‘yu eh. Ako nalang kasi ang mahalin mo dahil mas bagay naman tayu.”

Galit na galit akong humarap kay alex saka ito hinawakan sa leeg.

“Ackkk!! COUGGGHH S-sk? Coughhh!! Di-di ako maka-makahinga coughhh!!”

“Hindi kita gusto. Tandaan mo ‘yan.” saad ko saka ko ito pabagsak na binitiwan.

“Wa-wala akong paki. (Cough) basta gagawin ko padin ang lahat para mapasa‘kin ka tandaan mo ‘yan.”

Saad ko saka tumungo sa office ni mystein . hindi ito nakalock kaya naman nakapasok ako.

“Mo-moy?”
Kinakabahang tawag ko sa kanya. Pero yong mukha nya wala manlang reaction.

“Busy pa ako ,  lumabas kana muna ayuko nang may didistorbo sa‘kin.”
Cold at tila ba galit na galit ang pagkakasabi nya non pero kinocontrol nyalang sarili nya.

“I’m sorry.. Yo-yong nakita mo kanina—.”

“Ayos lang. Get out!”

“But My-mystein?”

“I said get the hell out,  mag papahinga ako after kung tapusin ang gagawin ko.”

Napapitlag ako sa pagsigaw nya. Ba’t ganito naguguilty ako. Bat parang ako yong nasasaktan sa ginagawa nya sa‘kin ngayon.

Lumabas na ako. Hindi na muna sya kinibo.

____

Mysterious University  By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]Where stories live. Discover now