(11)

1.9K 169 12
                                    

Nanatili kaming nakaupo dito sa Dispensary at walang may balak na tumayo. Alangan naman kasi iwan namin ‘to dito baka maya maya magtangka na naman na magpakamatay.

“ATTENTION TO ALL SSG OFFICER ,  THE KING AND QUEEN THIS IS PRIMUS PLS PROCCED TO THE COUNCIL ROOM!!”

“Teka ano daw ba meron?”
(Sk) Sk- stephen kyle

“Oo nga bakit kaya?” Dawn said.

“Yeah wh-

“Dre ayos na wag muna tapusin sasabihin mo. Baka di na naman namin magets.” pagpipigil ni  kenneth dito.

“AGAIN ATTENTION TO ALL SSG OFFICER ,  THE KING AND QUEEN THIS IS PRIMUS PLS PROCCED TO THE COUNCIL ROOM!!”

Hindi na kami nagreklamo pa at dumiritsu na kami papunta sa council room pagdating na pagdating namin don sakto din ang pagdating ng ibang part of ssg pati ang queen.

“Anong bang problema mo at may patawag tawag kapang nalalaman saming lahat. Wala akong paki alam kung Ikaw ang President wala ka—

“Shut up and seat down.”

“What! Ano bang paki alam ko sa—

“I SAID SHUT THE FUCK UP AND SIT THE FUCK DOWN... DAMN IT!” halos umalingaw ngaw ang boses na‘yon ni Primus dito sa loob ng council room dahilan para mapaupo si Alex. Tskkkk! Kulang lang pala sa sigaw ang dami pang sinasabi.

“Ah-ah Ms Primus? Ano bang reason ba’t mo kami pinatawag lahat?” tanong ni  Arrianne ang V-president.

“Tinatanong n’yo ako kung anong reason ko kung ba’t ko kayo pinapunta lahat dito? Hindi n‘yo ba nakikita ang daming mga studyanteng nawawalan ng confidence dahil sa inyo.”

pagsisimula ni Primus habang nakatayu at galit na nakatingin samin lahat.“Kayo ang matataas dito? Porket matataas kayo ang kakapal na nang mga mukha n‘yong pahirapan ang mga studyante dito. Sa pangungupya.. Hindi ba dapat turuan n‘yong maging matalino hindi ‘yong idodown n‘yo o papatayin n‘yo? Sabihin na nating kayo ang nasa kalagayan nila. Cg nga sabihin n‘yo sa‘kin? Ano ang mararamdaman n‘yo pag ginawa sa inyo ang ginagawa n‘yo sa kanila.”

“Kung makan‘yo ka naman Ms Primus akala mo kasalanan namin lahat ah. Bakit? Sigurado kabang kami ang pumapatay dyan?” biglang singit ni Vince na kinatango naman ng iba.

“Kayo? Meaning kayong lahat pati hindi mga kasali sa officer. Sa gabi! Kung hindi ba naman kayo mga tarantado kung may mga utak kayo sana sinasabihan n‘yo ang mga studyante na huwag lalabas ng gabi. Alam n‘yo naman pala na meron nagaganap na patayan sa campus ,  hinahayaan n‘yo lang na lumabas ang karamihan sa mga studyante kung gabi.”

“So ? Anong plano mo Mr Primus? Malay mo sumang ayon ang lahat sa gusto mong mangyari?” singit ni Sk.

“Ah I’m a Primus of this campus,  gusto kung simula mamayang gabi ayuko nang may mga studyanteng naglalakad pag gabi.  Gusto ko din na sa araw ng sabado at linggo lahat pupunta sa Ground at magkakaron nang review,  ayuko din na may bully pang magaganap sa campus na ‘to. Para maiwasan ang mga patayan sundin n‘yo ang gusto ko kung ayaw n‘yong paglamayan kayo bukas.”

“WHAT! NASISIRAAN KANA BA NANG BAIT!!!”

“Yes,  ms Queen nasisiraan na ako nang bait at kapag hindi ka tumahimik. Lalagyan ko nang tinik yang lalamunan mo at nang tuluyan kanang hindi makapagsalita. Now kung hindi kayong lahat sang ayon sa sinasabi ko. I’ll count of 10 magsilayas kayo dito baka ano pa gawin ko sa inyo.”

“ISA!”

“Sang ayon ako Ms primus.” pagtataas ko nang kamay saka ngumiti.

“Ako din.”

“Ako rin.”

“Cout me in.”
Pang sasang ayon nina Sk,  Dawn at Kiel.

Hanggang sa sunod sunod na ang pagsang ayon sa plano ni Primus na kina luwag nang puso ko. Siguro naman simula na ito nang katahimikan sa University na ‘to.

Pati yong Queen napilitan nadin na napa oo. HAHAHAHA wala ka pala eh. Si mystein lang pala ang katapat mo.

“Now Jay jay, Keil ,  Dawn at Vince , kayo ang makakasama ko sa paglilibot sa  gabi.  Sk? Queen? Arianne? At sa iba pa. Sa inyo ko Iaasign ang pagtuturo at pagrereview at pag aawat sa mga kaguluhan dito sa campus.”

“Te-teka,  Pwede makishift!!” pagtataas nang kamy ni Sk.

“Yeah go ahead.”

“Pwede bang sa team mo nalang ako Primus? Plsss si Vince nalang kina Alex.”

“WHAT! No way ,  sa ganitong paraan nanga lang kita makakasama. Tapus ayaw mo pa sa‘kin?”

“Ayuko naman talaga sa‘yu.”

“Ah!! Payag ako.. Mr king ? kay Ms primus kana. dito na ako kina queen. So pano goodluck nalang sa pagpapatupad nang layuan at katahimikan na gusto mo dito sa M.U hope mag success.”

Sana maging success ang plano na‘to,  sayang kasi ang buhay nang mga studyanteng mamamatay dito. Kung may mga pamilyang mag hihintay sa kanila. Kung sakali mang magtagumpay ito sana hindi na mag bago at tuluyan nang mapayapa ang lahat.

____

•Mystein’s Point of View•

⚫⚫⚫⚫⚫

Nasa loob padin ako nang Council room nakaupo at iniisip na sana tama ang pasya ko. Gusto nila nang laro kaya makikilaglaro ako. Pero sa ngayon buhay nang mga kapwa ko dapat kung asikasuhin ayukong. Tuwing araw kada araw meronv mawawalang studyante kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila. Ito ang unang pagkakataon na iisipin ko ang buhay ng ibang tao kaisa sa buhay ko.

“Sya nga Pala Primus? Bakit ang galing mong maki away kanina? Daig mo pa kami ah.”
Naiangat ko ang tingin ko at gulat na napantingin kung sino ang nasa harap ko ngayon. Halos maduling ako sa sobrang lapit nang pagmumukha nya sa‘kin.

“At talaga bang di mo ko titigilan huh? Mr Stephen kyle monteverde salvador! At ilayu monga ‘yang pagmukha mo sa‘kin. Ano bang ginagawa mo dito? Akala koba umalis kana?”


“Oppss!! Masama bang magpa iwan ang isang ang Isang campus king ,  kasama ang Ssg president dito sa loob ng council room. At saka huwag muna akong awayin plsss? Gusto lang naman kita makita.”

With puppy eyes na pagmamakaawa nito sa‘kin with matching pout pa ang gago! Napailing nalang ako dahil sa ginagawa nang lalaking ito. Akala ko nong una Masama ugali nito hindi naman pala masyado sakto lang.

“Oh? Anong gagawin natin dito?” tanong ko sa kan‘ya.

“It’s up to you baby,  pwede naman tayung gumawa nang baby dito sa loob ng Council room diba?”

Binatukan ko ito.“Tarantado kaba! Ikaw ayos ayusin mo‘yang takbo nang utak mo ah. Ano ba iniisip mo huh?” inis na tanong ko dito.

“Wala naman akong iniisip eh. At saka Hehehe Primus Bati na tayu ah?nag sorry na ako sa‘yu. Patawarin muna ako. Mabait naman talaga ako eh.”

“Tskkk!! Iwan ko sayu,  para kang bata eh. Umayos kanga.”

“Alam mo ba Mystein ko?” saad nito na kinakunot noo ko naman. Pano ba naman kinuha ‘yong kamay ko saka pinaglaruan ‘yong palad ko.“ Kaya lang naman kita inaway nang una kasi  nainsecure ako sa ganda mo.”

Mabilis kung binawi ang palad ko na nasa kamay nya.“Wag mo sabihing bakla ka?”

“Nang iinis kaba?” taas kilay na tanong nito sa‘kin.“ Nainsecure lang sa kanya. Bakla agad  hindi ba pwedeng nainsecure ako sa ganda mo kasi nong una palang impossible nang mainlove ako sa‘yu.”

Mysterious University  By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora