Nasa cateferia ako ngayon, nanatiling nakapikit habang nakacross arms. Walang masyadong pasok ngayon dahil busy ang mga teachers para sa graduation. Next year college na kami pero hindi halata.
"San kayo papasok ng college? Gusto ko sa iisang university padin tayo ah."
"Oo naman, ay wait! Nadinig nyo naba ang usap usapan tungkol sa isang University na puno ng kababalaghan?"
"Kababalaghan?"
Nanatili akong nakapikit habang ang diwa ko ay maiging nakikinig sa mga studyanteng nagbuhulungan banda sa may likuran ko.
Tsskkk! Bulungan ngaba? O chismisan?
"Yup! Kababalaghan. At ang sabi pa ang swerte mo daw kung isa ka sa mabigyan ng black envelope sa ganon para makapasok kadaw sa University na'yon. At bali balita pa mas madami daw gwapo don kaisa sa mga ordinaryong university gaya ng pinapasukan natin."
"Anong swerte don, eh mysterious nga diba? Meaning may kung anong di magandang nangyayari sa School na'yan."
"Kaya nga eh. Sobrang mysterious ng paaralan kaya madaming may gustong pumasok don kasi gusto nilang malaman kung ano talaga ang meron sa university na'yon kahit nga ako eh gusto kung makapasok sa paaralan na'yon. Imagine may mga gwapo na. mas may trill pa ang pag aaral mo kung may patayan diba?"
At kailan pa naging trill ang pag aaral mo kung may patayan na magaganap?kahit kailan talaga mga utak ng mga pumapasok dito mga walang laman. Kaya di umunlad ang bansa eh dahil sa isip na baliko.
"HOY IKAW!!!"
muntik nang masubsub ang mukha ko sa lamesa sa lakas ng pagkakabatok sa'kin. Kung sino man 'to ang malas nya naman.walang emosyon ako na tumayo at humarap sa kanila."Oh? Anong ako?" cold na pagkakatanong ko dito.
"Lagot ka, Sanya si Mystein pala ang nabatukan mo."
"Oh? Eh ano naman ngayon? Bakit sino ba'to? Ahhh alam kuna ito nga pala ang Ssg president ng Campus natin. May student council ba na chismosa? HOY! IKAW?"Turo nya sa pagmumukha ko."Anong karapatan mo na makinig sa usapan na may usapan huh?"
tanong nya habang di inaalis ang kamay nito na nakaturo sa mukha ko."Pwede bang... Alisin mo 'yang pagmumukha mo at hindi ako natutuwa na makaharap 'yan."
"What did you say? Ang kapal naman ng mukha mo para laitin ang pagmumukha ko? Bakit maganda kaba huh?"
"Bakit nilait ba kita? Ang sabi ko alisin mo 'yang pagmumukha mo sa harapan ko at hindi ako natutuwa na makita 'yan."
Pag uulit ko. Wala pa nag dalawang minuto ang pagsagutan namin pero madami na agad ang nakapalibot samin dito sa cateferia. Agaw attention naba talaga sa kanila ang ganitong bagay? O sadyang biniyayaan lang sila ng talent para maki chismis."At isa pa , kung may nadinig man ako sa usapan nyo wala kanang paki alam don. Bakit? Mamamatay kaba kung may makadinig ng mga sinasabi mo? Sabihin mulang na oo at ako na papatay sa'yu."Hindi ko pinuputol ang tingin ko habang sinasabi 'yon sa kanila.
Naitirik nito ang mata dahil sa sinabi ko. Tskkk! Kung patirikin ko kaya ang mata nito sa sarap? Pweehhh!
"Masyado ka naman yatang mahangin porket Mataas ang katungkulan mo sa School na'to?" saad nya sa'kin.
"Bakit? Ano kaba sa shool nato?" tanong ko sa kanya pabalik.
"Ako lang naman ang anak ng may ari ng school na 'to."
"Oh sino mas mataas satin ngayon?"
"Ak-ako!" turo nya sa sarili nya.
Tskkkk! Napailing ako at unti unting tumalikod at akmang aalis pero bigla nalang nitong hinila ang buhok ko dahilan para mapabalik ako sa harapan nila.
YOU ARE READING
Mysterious University By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]
Mystery / Thriller-Welcome To Mysterious University ............ Mysterious University is a place where full of mysterious and something unexplained or inexplicable university and a truth unknowable except by divine revelation. You must be brave to enter this univers...