51

999 102 0
                                    

“oh san punta mo?”
Tanong sa‘kin ni alex ng magkasalubong kami.

“May tatapusin lang. Teka,  sandali? Gumanda ka yata ngayon?”
Takang tanong ko sa kanya pagkatapus kung mapansin na tila wala ng make up sa mukha nya.

“Bakit,  pangit ba ako dati?”

“Oo.”
Diritsang sagot ko napataas kilay naman ito.

“Ginagago mo ba ako?”

“Hindi tinatarantado kita.”

“Tssss... Tinanggal kuna ‘yong make up,  alam mo bang ang kati non sa mukha.”
Reklamo nya sa‘kin.

“Bakit sinabi kubang magmake up ka?”
Tanong ko.

“Bakit may sinasabi kabang bawal akong magmake up?!”
Pambabara nya pabalik sa‘kin.

Pero seryuso ang ganda nya pag walang make up. Mas maganda pa yata sya sa’kin eh. Napangiti ako habang nakatitig sa kanya

“Ang ganda mo.”
Sabi ko

Ngumiti sya saka lumapit sa‘kin.“Mas maganda ako pag di kita kasama.” she said.“Sige na ayusin muna dapat mong ayusin.” sabi nya sa‘kin tatalikod na sana ito pero nagsalita pa ako.

“Hindi ba Class 4-A ka,  ba’t hindi ikaw ang class officer?”

“Mas malaya ako kung hindi ako officer,  ba’t mo natanong?”

“Yong officer kasi ng class 4-A balak makilag away sa‘kin buhay daw ang kapalit pagnatalo.”

“Oh , ngayon?”
Napangiwi ako sa sagot nya. Sa dami ng sinabi ko oh,  ngayon lang isasagot nya.

“Ayukong makipag away,  pasabi nalang. Busy ako at hindi ko sila priority.”

“Huwag muna patulan,  alam naman nating hindi ka nila kaya,  bukod sa di ka nila kaya sa talino di kadin nila kaya sa kahit na anong paraan sa pakikipaglaban.”

“Oh,  tapus?”
Walang ganang tanong ko na kinangiwi nya din.  Gantihan lang to.

“Tss.. Meaning idi hayaan mo sila. Una na ako mag ingat ka sa gagawin mo.”
Sabi nya saka tuluyang umalis.

√Alexandra Point of View√

••••••

Oh,  Himala nagkaroon ako ng POV. pabalik ako sa room namin ng makasalubong ko si Primus galing sa room nila kaya natigilan ako.

“oh san punta mo?”
Tanong ko sa kanya,  All this time sobrang namiss ko talaga sya pero wala pa ako sa oras para ipakita iyon sa kanya. Ayukong malaman ng iba na close kami.

“May tatapusin lang. Teka,  sandali? Gumanda ka yata ngayon?”
Biglang tanong nito sa‘kin pagkatapus kilatisin ang mukha ko. Grabi walang pinagbago ang mukha nya maangas at walang reaction padin lagi.

Nong time na di kami nagkahiwalay kahit sa anong gulo lagi kaming magkasama.

“Bakit,  pangit ba ako dati?”
Tanong ko dito.

“Oo.”
Diritsang sagot nya. Tss wala malang pag alinlangan ah.

“Ginagago mo ba ako?”

“Hindi tinatarantado kita.”

“Tssss... Tinanggal kuna ‘yong make up,  alam mo bang ang kati non sa mukha.”
Sabi ko ,  baka ano na naman isipin nito. Sinadya ko talagang magmake up para mag mukha akong malandi sa lahat para lalong inisin si Mystein pero sa likod non sobrang kati sa mukha.

Mysterious University  By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora