(41)

1K 107 0
                                    

Nasa rooftop ako ngayon nakatayu kasama tong si Dawn will kunting tulak lang saming dalawa niti laglag kami pababa.

Kahit nasa 3rd flor kami abot dito sa taas nag pagkakagulo sa baba dahil sa lintik na lalaking to. Ano ba naman kasi ang pakulo nito at may malak pang magpakamatay.

“MOOYY!! HUWAG MO KONG IIWAN AH. AYUKONG MAWALAN NANG MINAHAL.” tsskkk!! At talaga bang sinigaw nya yan.

“HOYYY!! PREE TARANTADO KA PAG NALAGLAG SI MS PRIMUS DYAN! PATI IKAW PAPATAYIN KO.”
dinig kung sigaw ni ken.

“MAGPAPAKAMATAY TALAGA AKO!”
sagot nitong katabi ko.

“Hoy! Kalabit ko sa kanya.”

“Ms Primus naman,  huwag mo kung gulatin baka mahulog ako.” nakangusong saad nya. Tarantado ba‘to?

“Ano ba kasing pumasok sa utak mo at magpapakamatay ka huh? Nakadrugs kaba? O nakahithit nang katol?”

“Namatay kasi ang alaga kung ipis natapakan ko kanina. Kaya naman wala nang saysay ang mabuhay pa dito sa mundo dahil wala na ang minamahal ko. Alam mo ba‘yon? Huh? Ms Primus? Alam mo ba.”

“Hindi.”

“Kita mo hindi mo alam. Kaya hayaan muna ako na mamatay.  Hayaan mo nalang ako huwag muna akong tulungan.”

Magpapakamatay sya dahil lang sa namatay ang ipis na inaalagaan nya. Ang babaw naman nang taste nang lalaking to. Kung itulak ko kaya to dito at nang mahulog na.

“Alam mo? Para kang tanga bumaba kana nga.”

“Ayuko,  magpapakamatay ako. Dahil hindi ko matanggap na wala na sya. Sya lang ang nag iisang babae sa buhay ko.”

“Idi sumama ka sa kanya. Problema ba‘yan. Tumalon kana dami mo pangsinasabi eh. Kaya moba? Gusto mo itulak na kita?”

Sunod sunod na sabi ko sa kanya.

“Ba’t ba wala kayong paki alam na mamatay ako? Hindi ba kayo nag aalala sa‘kin? Pano nga pag namatay ako?”

“Idi ipapalibing kita.”
Sagot ko habang nakatingin sa baba. Kung alam lang nila na ang lalaking pinagkakaguluhan nila ay magpapakamatay dahil lang sa ipis baka sila mismo tumulak nito para mamatay na.

“Magpapakamatay na ako.”

“Ang bagal naman,  talon na.”

“Huwag ka kasing lumapit sa‘kin. Dapat nga embes na itulak mo ako eh pigilan mo ako na magpakamatay. Ms Primus magpapakamatay ako? Ikaw na bahala kay Sk ah. Pati kina ken at keil ingatan modin si jhay at ang sarili mo.  Dahil kapag namatay ako hinding hindi na kita maproprotektahan. Hindi na kita masasamahan lagi kaya ingatan mo ang sarili mo ah? Ms Primus huwag kang iiyak tatagan mo ang sarili mo.”

“Oo na ,  ang dami mong sinasabi eh. Tumalon kana sinasayang mo oras ko. Talon na dami pa kasing arte.”

“Hi-hindi muna ako pipigilan? Hahayaan mo talagang mamatay ako Huh? Ms Primus? Wala kang awa hahayaan mo talagang mamatay ako?”

“Oo,  nagpa alam kana diba? Kaya tumalon kana.”

“Ayuko nalang,  nakakatakot eh baka mamatay ako pag tumalon ako dyan halika na Ms Primua nagugutom ako eh libre mo ako ah?”

Anak nang satanas naman. Siraulo ba tong lalaking to. Tumalon ako pababa saka ito hinabol at sinapok.“Tangina ka pinakaba mo lahat nang tao di ka naman pala tatalon anak ka nang tatay mo.”

“Eh hindi mo naman ako pipigilan eh. Kaya di kuna tinuloy , ipapalibing ko nalang yong alaga kung ipis at mag hahanap nalang ulit ako. ”

Napanganga ako dahil sa sinabi nya. Ibang klase kung hindi kulang kilala tong tarantadong to iisipin ko talaga nakahithit nang katol to.

“Walangya ka dre,  todo sigaw pa kami dito sa baba di ka naman pala magpapakamatay!”
Bulyaw ni ken kay Dawn nang makakababa kami.

Lumapit din sa Sk dito saka sinapok ganon di si Jhay.

“Eh bakit daw ba magpapakamatay tong lalaking to huh?” tanong ni keil habang nakahawak ang kamay sa tainga ni Dawn.

“Namatay daw ang alaga nyang ipis at di nya daw matanggap na namatay ito kaya magpapakamatay daw sya.”
Walang ganang sagot ko.

“eh ba’t di tinuloy?”

“Natakot,  sabi ko kasi sa kanya ako natutulak para naman mamatay sya ang bagal tumalon eh.”

“Tsskkk! Palibhasa kasi gusto nyo akong mamatay. Si ms Primus nga kanina eh balak nya pa akong itulak. Huhu buti nalang nag iba ang pag iisip ko at di kuna tinuloy nakakatakot mamamatay eh. Baka mag kita lang kami ni Ms primus sa Empyerno.”

“HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA!!”
Tawanan nilang lahat except sa‘kin na walang reaction. Dahil di ako natutuwa kung joke man ‘yon wala akong paki alam dahil di naman pala nakakatuwa.

“Oy sya nga pala Moy kita namin score mo sa guiz nasa bulleten board naka paskil. Grabi 799 over 800. Ang galing mo.”
Saad ni Sk saka nakangiting nakatingin sa‘kin.

“Eh anong mali nya ba’t may isang di tumama?”
Kunot noong tanong ni Ken.

“about don yata sa sperm. Yong explain what is sperm then nabasa ko sagot nya don. Wala akong paki alam sa sperm.” yon ang sagot nya kaya mali sya.

“AHHHHHHHH!!” yong apat (jhay,  ken, keil, dawn)

“Sana ol matalino ako kasi 1+1 = 11 lang ang alam ko eh.”

“Anong 1+1 equals 11 tanga 2 ‘yon. Bobo nito.”

Halos mag asaran sila habang ako nakatitig lang sa kanila. Simula nong nawala si Lhin at Xy ngayon lang ulit kami nag tipon at masayang nag uusap. Ang sarap sa pakiramdam kahit na madaming nakakaganap na di maganda sa university na ito nakakaramdam padin ako nang kasayahan.

Pero di padin maalis sa isip ko ang mga nangyayari? Hanggang ngayon loading pa ako. Hindi ko alam kung nagsisimula na ang laro pano naman kasi ako makikipag laru. Ibig sabihin papatay din ako nang tao.

Ang daming gumugulo sa isip ko . pakiramdam ko buhol buhol na ang utak ko at ang hirap nang ibalik sa dati. Pano ba naman kasi may nagpapaliwanag naman hindi ko naman magets. Gusto ko ako mismo makaalam nang lahat nang nangyayari dito para kahit papano magets ko.

“Kyahhh, , hehehe Sk? Baby? Pwede ba tayung mag usap? May sasabihin lang ako sa‘yu plsss?”
Bumalik ang pag iisip ko sa utak ko. Kahit nandito naman talaga.

Napatingin kaming lahat kay alex na mataray na nakatingin sa‘kin tapus pag kay Sk biglang ngingiti.

“Ahhh.. Kasi Alex a—

“Plss? May sasabihin lang talaga ako? Gusto kitang makausap. Dali na sumama kana.”

Napatingin sa‘kin si Sk na tila ba parang nag tatanong kung papayag akong makipag usap sya kay alex.

“Go ahead! Usap lang naman eh. Sige ayos lang , punta ka nalang sa Lunch counter pag tapos na kayong mag usap.”
Sagot ko with ngiti pa hindi plastik na ngiti yon ah. Kunti totoong ngiti.

“Pe-pero moy?”

“ano kaba naman baby,  pumayag na eh. Halika na usap muna tayu hayaan muna sila kaya na nila sarili nila.”

Kaya na nila sarili nila tsskk ang kapal talaga nang pagmumukha niyo tadyakan ko to eh .

Umalis na ako bago pa ako makaisip na pumatay nang tao.

_____

Mysterious University  By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora