MR. LEWIS
"This is No. 25. Nadakip nila sina Von, Zues, Kyo at Yñigo. Kailangan mo silang mailigtas sa lalong madaling panahon. I'll help you." Rinig kong saad ni Carina sa linya nina Cane.
Nabasag ang basong kasalukuyang nasa kamay ko. I gritted my teeth in anger. Tumulo ang dugo mula sa kanang kamay ko dahil a bubog na nanggaling sa nabasag na baso. I didn't thought that you can turn your back to us, Carina. Pinagkatiwalaan kita at binigay ko sayo ang lahat at ito lang ang isusukli mo sa akin? Lintik!
"Mr. Lewis, should we kill her?" Tanong ng tauhan kong si No. 7.
Umiling lang ako. "Let her do what she wants. Pagnakapasok na sina Cane dito ay saka natin sila huhulihin. We'll ambush them." I said coldly. "Just don't kill, Carina." Dagdag ko pa.
Tumango naman siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Lumabas ako ng kwarto at naglakad sa hallway. Sumunod naman sa akin ang dalawang tauhan ko na sina No. 2 at No. 9.
Wala sa sarili akong naglalakad dito sa hallway. I don't know where to go. I just can't believe that Carina would do that. Masyadong masakit para sa akin ang pagtalikod niya. Mahal ko siya... Tangina...
Napunta ako sa kwartong pinaglalagyan ng mga kasama ni Cane. Tiningnan ko ang mga ito. Wala itong malay na nakahiga sa sahig. Suddenly one of them spoke. "Carina, I'm so sorry. I'm sorry if I pushed you away."
Napakunot ang noo ko sa narinig. Carina? If I'm not mistaken, this is Zues Gonzales. Siya yung pinapapatay ko kay Carina pero hanggang ngayon ay buhay pa rin ang gago! Biglang nag-init ang dugo ko. Ibig bang sabihin nito ay siya ang dahilan kong bakit nagawa ni Carina na talikuran ako? Mapapatay ko ang lalaking ito kong sakali mang totoo iyon. Carina is only mine! At wala nang ibang pwedeng magmay-ari sa kanya!
CANE
"So what's the plan, Zia?" Tanong ni Andrie. Nakaupo kami ngayon dito sa opisina ko. Yung nahuli naming mga kalaban ay ikinulong namin. Pilit namin silang pinakanta and they mentioned a name. Mr. Lewis...
"Who the fuck was Mr. Lewis?" Inis na tanong ni Vanky habang nagtitipa ng kanyang computer. He was searching about the name behind Mr. Lewis. "Tangina! Wala akong makuhang impormasyon!" Sigaw ulit nito dahil sa frustration.
"Dive on deepweb." Andrei suggested.
Tumango naman si Vanky at nagtipa ulit. Naayos ko na kanina ang gulo sa arena. I explained na may nangyari lang na walang dapat ipangamba and also all are safe. Except nina Zues, Von, Kyo at Yñigo.
Damn! Kasalanan ko 'to!
This time, I'm gonna fix this in my own. Hindi na ako papayag na madamay pa sina Vanky at Andrei rito.
"Papasok ako sa barko nila ng mag-isa." Pormal kong sambit kaya sabay silang napalingon sakin.
"What?! Do you hear yourself, Zia?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Andrei.
"Bakit? Sa akin naman nagsimula lahat ng ito, 'diba? Nadamay lang kayo, Andrei. I should fix this. Ako ang kailangan nila. This is my war." I said coldly.
Tumayo si Vanky sa kinauupuan niyang silya at lumapit sa akin. He hugged me. "I know that you don't know what to do right now. But please, let us enter your own war. You're not alone, Zia. We are here. You're not alone because you're with us." Seryoso nitong sambit habang yakap ako.
Naramdaman kong yumakap rin si Andrei sa amin. "We are friends at ang magkakaibigan ay hindi nag-iiwanan sa oras ng kagipitan. We will do the best that we can do to save them. Aayusin natin lahat, Zia. Aayusin natin." Saad ni Andrei.
"Ngunit madadamay lang kayo." Kontra ko.
"Bakit? Hindi pa ba kami damay sa sitwasyong ito?" Tanong ni Vanky.
"Do you think, we can stand seeing you going to that ship with full of enemies? Risking your life." Tanong rin ni Andrei.
Tumulo ang luha ko. Tsk! Why am I crying? Sobra na ba akong na touch sa mga sinasabi nila? Yumakap rin ako sa kanila pabalik. "I don't know what to do without both of you." Sambit ko at naramdaman ko namang ngumiti ang dalawa.
We embrace each other. I guess, I will fight with this two jerks with me. I hope no one will risk life tonight. At hindi ko rin hahayaang mangyari iyon.
Kumalas kami sa yakapan at ngumiti sa isa't-isa. Vanky wiped my tears. "Ikaw ha, umiiyak kana diyan. I never thought I could see you crying like this! HAHAHA! Ang panget mo!" Sigaw ni Vanky kaya napatawa si Andrei.
Sinamaan ko naman sila ng tingin. "Tsk! Umupo na nga kayo. We will plan about saving our friends." Saad ko.
"And your lover." Dagdag ni Andrei kaya sinamaan ko ito ng tingin. Tumawa naman ito kaya napatawa na rin si Vanky.
Inilabas ko ang nakuha kong card mula sa isa sa mga namatay na kalaban kanina. "This number was the key to everything. And I guess meron ding ganito ang mga kalabang ikinulong natin." Sabi ko habang ipinapakita ang card na may numerong 10.
"Yes, they have. Actually, yung dalawang nahuli natin lang ang may card na ganyan. The rest has nothing." Sabat ni Andrei at inilabas ang dalawa pang card na may numerong 4 at 5. Ibinigay niya ang numerong 4 kay Vanky. "Napagawa ko na rin ang mga damit na sinusuot nila. Madali lang naman tahiin yun lalo na't puro itim na tela lang ang gamit." Dagdag pa nito.
"Mr. Lewis is a 28 year old man. He owns a five star hotel and casino. He has many transaction about illegal fire arms. He is a famous man when it comes to assassination. All his ally are well trained. He is known as the man behind the black mask." Pagbibigay impormasyon ni Vanky. "Nakuha ko na rin ang address ng barko kong nasaan sila ngayon. The ship has no name. Someone send me the map of the ship." Dagdag pa nito.
"I guess it's Carina." Sabi ni Andrei.
"Okay, so papasukin natin ang ship nila gamit ang mga ito." Tugon ko habang itinuturo ang mga gamit. "We will disguise as one of them. Meron naman silang mask na ginagamit kaya hindi tayo mahahalata. Pagdating natin doon ay tutulungan tayo ni Carina na hanapin kung saan nakapreso ang mga kaibigan natin. But hindi tayo aasa lang sa kanya. I will do my part at yun ay ang harapin si Mr. Lewis." Seryoso kong dagdag habang nakatingin sa kanila.
YOU ARE READING
Pursuing My Gay Secretary (EDITING)
RomanceA cold and emotionless girl CEO and a soft gay secretary. Will they can resist to be together and fall inlove to each other? Mahuhulog ba sila sa isa't-isa? Well let's all read their unique story.