YÑIGO
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Agad kong nabungaran ang puting kisami ng hospital. Teka? Bakit ako narito?
Bumalik sa akin ang mga ala-ala ng mga nangyari sa barko. Thank god! Buhay ako! Maayos na kaya ang lahat? Ligtas ba si Cane?
Iginalaw ko ang kamay ko. Nakita ko ang isang babaeng natutulog habang pinapatong nito ang ulo sa mga braso. It must be Cane. Ngumiti ako. Hinaplos ko ang buhok nito at agad naman itong nagmulat. Ngunit si Kelsey ang nakita ko sa halip na si Cane. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat at saya. Agad siyang tumayo at niyakap ako. "Oh god! Salamat at gumising kana, Yñigo! Hindi mo alam kong gaano kami nag-alala para sayo!" Bulalas nito sa masayang tinig. Gumising? Nakatulog ba ako?
"Anong gumising? Hindi ba't kanina lang nangyari ang labanan sa barko?" Nalilito kong tanong.
"For fuck sake, Yñigo! You slept nearly a year!" Sagot nito at bumitaw sa yakap.
"What?!" Biglang sumakit ang lalamunan ko dahil sa pagsigaw.
Agad namang kumuha ng tubig si Kelsey at pinainom ako. "Relax, the doctor and the nurse will be here. I che-check ka nila. Anong gusto mo? Gutom kaba?"
Inilibot ko ang paningin ko at hinanap si Cane pero hindi ko ito nakita. "Where is Cane? I want to see her." Tanong ko at bigla nalang naglaho ang ngiti sa mga labi nito.
"She already left you, Yñigo. She doesn't need you anymore." Sagot nito at umupo ulit sa upuan na nasa gilid ko.
"What are you saying about, Kelsey? Cane will not do that. She won't leave me." Pagtutul ko rito.
Iminuwestra nito ang kamay. "May nakikita ka bang Cane rito? Eh ni anino nga niya di mo makita. Iniwan ka na niya Yñigo kasi wala ka nang pakinabang sa kanya." Madiin nitong saad.
"Hindi totoo yan at saka anong walang pakinabang? Hindi kita maintindihan." Naguguluhan kong tanong.
"She just used you, Yñigo. Can't you sense it from the very beginning? Hindi ka ba nagtataka kung bakit ka niya biglang inalok ng kasal? Hindi ka ba nagtataka na biglang naging sweet siya sayo? She even courted you. Lahat yun ay pagpapanggap lang. She just used you para hindi siya kulitin ng daddy niya na magpakasal. Ginawa ka niyang alibi para hindi siya tuluyang ipakasal ng ama niya at ngayong wala ka nang silbi sa kanya ay iniwan ka na niya. In short, ginamit ka lang niya." Sagot niya ng may diin ang huling salitang binitawan.
Umiling ako. "It's not true. Mahal niya ako! Sinabi niya yun sakin! Hindi niya magagawa ang mga pinagsasabi mo! You're lying, Kelsey!" Aigaw ko at bumangon mula sa pagkakahiga. Ouch! Parang walang lakas ang katawan ko! Na-dislocate ata yung mga buto ko dahil sa mahabang panahon na pagtulog ko.
Agad akong inalalayan ni Kelsey ngunit iwinaksi ko lang ang kamay niya. "Don't touch me! I can handle myself!" Sigaw ko sa kanya at napalayo naman ito.
Agad na bumukas ang pinto at iniluwa nun sina Dad at Mom. Agad silang lumapit sakin at niyakap ako. "Salamat sa diyos at gumising kana anak!" Naiiyak na sambit ni Mommy habang yakap ako. "May masakit ba sayo? Just tell mommy, and we will heal it." Dagdag nito at umiling lang ako.
"Excuse me, Mrs. Silvestre. We just need to check your son." Sabat ng doctor at agad namang kumalas sa yakap si Mommy at tumayo sa gilid. I-che-neck ako ng doctor. "His vital signs are fine. Pwede na siyang ma-discharge next week. For now let's observe him. Excuse me." Saad ng doctor at umalis kasama ang mga nurse.
Agad na lumapit ulit si Mommy sakin at hinaplos ang buhok ko. Ngumiti siya sakin. "Salamat at gumising ka, Yñigo. Akala namin ay mawawala ka sa amin. Halos isang taon ka ring natulog anak. Gutom kaba? Nauuhaw? Anong kailangan mo?" Tanong ni Mommy.
"Nasaan po si Cane, Mommy?", tanong ko sa kanya at gaya ni Kelsey ay nawala ang ngiti nito sa labi. Bakit ganyan ang reaksyon nila? Totoo ba ang sinabi ni Kelsey? Na iniwan na ako ni Cane?
Tsk! No! She cannot do that to me because she loves me! Baka may binili lang siya sa labas kaya't wala siya rito.
Natahimik silang lahat at walang sumagot sa tanong ko niisa. Maya-maya'y nagsalita si Daddy. "Matagal nang hindi bumibisita rito si Ms. Stellar and she already paid your bills here on the hospital. Actually, sobra-sobra ang binayad niya at mula noon ay hindi na siya bumalik pa rito."
"What? Baka busy siya sa kompanya niya. I need to talk to her, Dad." Desidido kong sagot at akmang tatayo ng pigilan ako ng ama ko.
"You cannot, Yñigo. Mahina ka pa. You should rest. Sa susunod na linggo ka pa pwedeng ma-discharge. Pwede kitang samahang kausapin si Ms. Stellar. Rest son." Ma-awtoridad nitong utos kaya tumango ako.
He's right I'm too weak to stand. I hope that Kelsey was not right. Pero alam kong hindi magagawa sa'kin ni Cane ang lahat ng binibintang ni Kelsey. She's inlove with me and I can see it in her own hazel nut eyes.
Hindi nga ba niya magagawang lokohin at gamitin ka, Yñigo? The other side of my mind asked.
Napailing ako. No! I know that all of her efforts and her actions towards me was all true. She said she loves me at pinanghahawakan ko ang mga salitang yun.
YOU ARE READING
Pursuing My Gay Secretary (EDITING)
RomanceA cold and emotionless girl CEO and a soft gay secretary. Will they can resist to be together and fall inlove to each other? Mahuhulog ba sila sa isa't-isa? Well let's all read their unique story.