YÑIGO
Pagpasok ko sa opisina ko ay may nadatnan akong flowers. May nakalagay na card dun kaya kinuha at binasa ko ito. "Even I talk few, in my eyes you still remain the most beautiful view." Basa ko sa nakasulat. It's a short poem. Tss! Corny niya ha! Gags! Bakit parang nag-iinit ang pisngi ko? Tsk! Hindi na ako to!
Napailing nalang ako habang nakangiti. So tinotoo talaga niya ang sinabi niya? May sweetness din pala yun sa katawan. Di kasi halata. Tch! To talagang si boss, parang b@liw.
Inilagay ko ang bulaklak sa vase sa gilid ko. Sayang naman kung itapon, diba?
Biglang tumunog ang intercom. "Yñigo prepare the meeting room." Utos nito.
"Yes boss." Sagot ko.
"By the way, good morning." Sambit ulit nito at pinatay ang intercom.
Napangiti nalang ako habang hawak ang pisnge kong nag-iinit na. Ano ba, Yñigo! Ikalma mo!
Kinuha ko ang isang tangkay ng mapupulang rosas at dali-daling pumunta sa opisina niya. Pagbukas ko ay nadatnan ko itong nakaupo habang seryosong nagpi-perma ng mga papeles. Nilapitan ko ito. Tinago ko naman sa likuran ko ang isang tangkay ng rosas. Napatingin ito sakin ng nagtataka. "Good morning too. Thank you for the roses." Sabi ko habang nakangiti. Isinipit ko ang rosas sa buhok nito at saka umalis.
Pagdating ko sa opisina ko ay umupo ako kaagad at nakangiting prinoseso ang mga iniutos nito.
CANE
What the hell just happened? Did he just put roses in my hair? Tss! Para sa kanya yun!
"Kilig na yan." Zues spoke annoyingly.
"What?! N-no way!" Agaran kong depensa. Agad ko namang tinanggal ang rosas na inipit niya sa tenga ko. Yung baklang yun talaga! 'Di ba niya alam na nandito si Zues at Vanky? Malakas pa naman mang-asar ang mga 'to! Tsk!
"Eh, ba't ka nauutal?" Nakangising tanong ni Vanky.
"Bawal ba?" Malamig kong tanong pabalik.
"Kilig ka lang eh HAHAHA!" Natatawang ani Zues.
"Shut up!" Inis kong sigaw. Tss! Bakit ba nandito 'tong dalawang to? Wala ba 'tong ginagawa sa buhay? Ang aga-aga, pinepeste kaagad ako! Tsk!
"By the way nag viral yung away niyo ni Kaylie kahapon." Maya-mayang sabi ni Vanky.
"So?"
"Maaaring masira ang reputasyon mo dahil dun." Zues.
"I don't care." Malamig kong sagot.
"Tsk! Upakan naba namin yang si Zark?" Tanong ni Zues.
"Huwag." I replied immediately.
"Bakit? In love kapa sa gagong yun? Eh, ginawa ka lang namang kabit." Saad ni Vanky.
"At rebound." Dugtong ni Zues.
"Shut up." Malamig kong saway sa kanila.
"Oh, segi ikaw ang bahala. Basta kung kailangan mo ng tulong, nandito lang kami." Seryosong sambit ni Zues.
"We got you always! Alis na kami Zia. Bye-bye!" Vanky bid goodbye before tapping my shoulder.
Tss! Pumunta lang ba sila rito para sabihin yun? Mga chismoso tsk!
YOU ARE READING
Pursuing My Gay Secretary (EDITING)
AléatoireA cold and emotionless girl CEO and a soft gay secretary. Will they can resist to be together and fall inlove to each other? Mahuhulog ba sila sa isa't-isa? Well let's all read their unique story.
