CANE
Nagising ako mula sa pagkakatulog nang mag-ring ang cellphone ko.
Tsk! Mga istorbo!
Dinampot ko ito saka tiningnan ang caller. Si Von. Sinagot ko kaagad ito. "Von."
"May nangyari, Zia." Saad nito sa kabilang linya kaya dali-dali akong tumayo sa kama ko at naghanap ng damit.
"Papunta na ako diyan." I said then hang up. Dali-dali akong nag-toothbrush at nagbihis pagkatapos ay bumaba na ako upang paandarin ang motor ko. Napatingin naman ako sa relo. It's just 11:02 pm. Maginaw kaya nag-sweater ako.
Pinaandar ko na ang motor at saka nag-drive ng mabilis. Agad naman akong nakarating sa hospital. Sumakay ako sa elevator at pumunta sa kwarto ni Zues. Pagdating ko doon ay nakita kong nakaupo si Zues sa hospital bed niya habang nandito naman ang apat na sina Vanky, Andrei, Von at Kyo. Napalingon silang lahat sakin.
"What happened?" Tanong ko at lumapit kay Zues na nakatingin sakin.
"There is this someone who want's to kill him." Sagot ni Von.
"Luckily, he killed it already." Dagdag ni Vanky.
"Zues, what is the whole story?" Seryoso kong tanong kaya napalunok ito.
Meron siyang tinatago.
"Hindi ako makatulog kaya nagpagdesisyunan kong magpahangin. Lumabas ako ng terrace at tinanaw ang kalangitan. Nang magsawa ako ay napagdesisyunan kong pumasok na sa loob ng biglang may humila sakin pabalik at hinawakan ang kamay kong may swero. Napasigaw ako pero di ito narinig ni Von sa loob dahil dali-daling sinarado ng babae ang sliding door. Gigilitan na sana ako nito nang manglaban ako at napatumba ko ito." Pagsasalaysay nito.
He's hiding something. Nakikita ko yun sa galaw ng kamay niya at mga mata.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo nung time na yun, Von?" Tanong ni Vanky kay Von.
"Natutulog." Maikli nitong sagot.
"What?! Paano nalang kong namatay tong si Zues? Wala ka man lang kamalay-malay na ang pasyente mo ay pinatay na." Inis na sabi ni Andrei.
"Enough!" Sigaw ni Kyo na halatang naiinis na rin. Napatigil naman ang tatlo. "Let's not blame, Von. For now, we need to plan. Hindi pwedeng palagi nalang ganito." Seryosong dagdag ni Kyosuke.
"Pasensya na." Pagpapaumanhin ni Andrei kay Von.
Tumango naman si Von. "I apologize for my mistake too."
Eto ang gusto ko sa kanila. Kung alam kasi nila na may kasalanan sila ay nanghihingi kaagad sila ng paumanhin. This is the true friendship between these five men and I don't know if I belong with the friendship they had.
"Zues, may pag-uusapan tayo." Sambit ko kaya dali-dali namang umalis ang apat. "Magsalita kana."
Nagulat naman ito. "Huh? Ano naman ang sasabihin ko?" Tanong nito. Kinakabahan.
Tiningnan ko naman ito ng malamig kaya napaatras ito sa pagkakaupo. "You're hiding something, Gonzales."
"Wala akong t-tinatago, Zia." Nauutal nitong sagot.
"Really?" Tanong ko at lumapit dito. "See that?" Tanong ko pa at itinuro ang bangkay ng babae. "I guess she died because she was shot by a gun." I said.
Tumango si Zues. "Yes, she was shot kaya namatay siya." Sagot niya.
"You're carrying nothing." I said as I sit in the chair in front of him. "Wala kang baril na dala, Zues." Dagdag ko pa.
Halatang nagulat ito sa sinabi ko at napalunok ito. "A-ah b-baril ng babaeng yan ang ginamit ko." Nauutal nitong sagot.
"Talaga?" Tanong ko rito saka tumayo at lumapit sa katawan ng babae. Kinuha ko ang baril nito na nakasuksok sa gun pocket na nasa bewang niya. I checked the bullets inside and it's full. Walang nakuha kahit isa.
He's probably lying. Tss!
"Walang nabawas na bala sa baril ng babae, Zues. How come you shot her with her own gun?" Seryoso kong tanong habang isinasauli sa gun pocket ng babae ang baril nito.
Nabigla ito pero maya-maya ay napayuko. "May tumulong sa akin, Zia." Nakayukong sagot nito.
"Who?"
"Yung babaeng naging dahilan kung bakit ako nandito. Tinulungan niya ako kanina. She killed her." Sagot nito.
Naguluhan naman ako. Bakit naman gagawin yun ng babaeng tumulong kay Zues? "Why would she do that?"
"I don't know." Nakayuko pa rin nitong sagot.
"Nakuha mo ba ang pangalan ng babaeng tumulong sayo?" Tanong ko pa.
"She's Carina. Yun lang ang alam ko." He answered. "And she's Lep." Dagdag pa niya habang tinuturo ang babaeng nakahandusay.
"Wala bang sinabi sayo si Carina?" I asked.
"Wala." Maikli nitong tugon.
Tumango lang ako at saka pinapasok sina Vanky, Andrei, Von at Kyo.
"Okay, for now mananahimik muna tayo. Three weeks from now, gaganapin ang fashion show. Ayukong magka-aberya yun kaya dapat alerto tayo. Linisin ang dapat linisin. Bantayan ang dapat bantayan at patayin ang dapat patayin." I said coldly.
Ayukong masira ang fashion show na pinagplanuhan namin sa mahabang panahon. This is the biggest modeling na gaganapin sa buong mundo. Maraming mayayamang tao ang pupunta at alam kong hindi ito papalampasin ng mga kalaban namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/289001851-288-k758428.jpg)
YOU ARE READING
Pursuing My Gay Secretary (EDITING)
De TodoA cold and emotionless girl CEO and a soft gay secretary. Will they can resist to be together and fall inlove to each other? Mahuhulog ba sila sa isa't-isa? Well let's all read their unique story.