YÑIGO
Day sixty.
Sixty days na mula nong malaman ko ang lahat. Bukas, babaguhin ko na ang buhay ko. I will be the CEO of Silvestre Wine Company.
Napangiti ako ng mapait. Bakit nga ba ako humantong sa ganito? I thought managing a company was my nightmare. Bakit ko nga pala gagawin ang bagay na hindi ko naman gusto.
Napatawa ako ng pagak. "Ayy oo nga pala. Gusto kong patunayan sa kanya na kaya ko kahit wala siya. Na kaya ko ang lahat at kaya kong bumangon mula sa sakit na ginawa niya." Saad ko at mapait na ngumiti. Tinungga ko ulit ang alak na nasa kamay ko.
Narito ako ngayon sa bahay ko. Nagmumukmok at naglalasing. I just can't accept the truth. Bakit ganun? Nagmahal lang naman ako. Bakit kailangan pa akong saktan ng letcheng pagmamahal na yan?
Ginamit lang ako. Napaka-tanga ko naman. Hindi ko man lang yun namalayan. Why did she do this to me? May nagawa ba akong kasalanan sa kanya? Minahal ko lang naman siya. Is there something wrong with it? Is there something wrong about loving someone?
Tumulo ang mga luha ko at tinungga ulit ang alak na nasa bote.
Suddenly the door opened. It's Kelsey. Sa dalawang buwan kong pagkukulong sa bahay ko ay siya lang ang karamay ko.
Lumapit siya sakin at binawi ang alak na nasa kamay ko. "Tama na yan, Yñigo. Get up and don't make your life useless." Saad nito habang nakaupo sa harapan ko.
"Panget ba ako? May kulang ba sa'kin? Kulang pa ba yung pagmamahal na ibinigay ko sa kanya para hindi niya ako mahalin pabalik? Mukha ba akong bagay o laruan? Na kapag hindi na kailangan ay itatapon nalang basta-basta. Tao rin naman ako. Nasasaktan." Umiiyak kong tanong.
Ngumiti siya ng mapait. "Ako Yñigo. Ano ako sayo? Kaibigan?" Tanong nito sa mababang tono.
"Oo, kaibigan kita." Sagot ko sa kanya.
Tumango siya sa sinabi ko at bumaba ng kama. Iniligpit niya ang mga gamit na nagkalat sa kwarto. Tumitig naman ako sa kisami. "Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Siguro masaya na siya kasi 'di na siya kinukulit ng papa niya para magpakasal. Habang ako naman ay nagpapakagago. Mahal na mahal ko siya at alam kong walang makakapalit sa kanya sa puso ko. I love her very mu——
"Bakit ba palaging siya nalang ang bukang-bibig mo?! Palaging siya ang hinahanap mo! Samantalang nandito naman ako!" Sigaw ni Kelsey kaya napalingon ako sa kanya. Nakaupo siya sa silya habang nasasaktang nakatingin sakin. "Ni kailan man ay hindi kita iniwan o sinaktan, Yñigo. Narito ako palagi sa tabi mo through ups and down. Pero kung sino pang wala rito at siyang nanakit sayo ay siya pa hinahanap-hanap mo. Manhid kaba ha?! Manhid kaba para hindi maramdaman ang pagmamahal ko sayo?! Yñigo, I love you! Not only because you're my bestfriend but because you're the man that my heart beat for! Mahal kita pero may mahal kang iba." Mapait itong ngumiti kasabay ng pagbagsak ng mga luha nito sa pisngi.
Napatigil ako sa nalaman. Ako? Mahal niya? Pero paano? Diba magkaibigan kami? "K-kelsey, magkaibigan tayo." Saad ko at lumapit sa kanya. Yumuko ako upang magpantay kami at hinawakan ang pisngi niya pero tinabig niya ang kamay ko.
YOU ARE READING
Pursuing My Gay Secretary (EDITING)
RomanceA cold and emotionless girl CEO and a soft gay secretary. Will they can resist to be together and fall inlove to each other? Mahuhulog ba sila sa isa't-isa? Well let's all read their unique story.