CHAPTER THIRTY-THREE: HER PLAN

51 1 0
                                    

CANE

Tulala akong tinatanaw ang papaalis na si Zairhy. "Higpitan niyo ang pagbabantay." Utos nito sa mga tauhan niya bago umalis.

Kuya... I finally found you. Pero bakit sa ganitong sitwasyon pa? Bakit naman umabot sa ganito? Ang tagal kang hinanap ni papa. Umabot ito ng walong taon pero himdi ka pa rin niya mahanap. He always cry because he knows that leaving you and your mom was his biggest mistake. Palagi kang kinekwento ni papa sa akim kuya. Habang ako naman ay sabik ka nang makilala.

"Zia!"

Ilang taon kong pinangarap na makilala ka kuya. Gusto kitang yakapin at ipadama sayo na hindi ka nag-iisa. Na nandito lang ako na handang dumamay sa kalungkutan mo. Pero paano ko yun magagawa? Malaki ang galit mo sa akin. I am the one who ruined your family...

"Zia!"

Tumulo ulit ang mga luha ko. "I'm so sorry. I don't know about it. Only if I could bring back the time..." Bulong ko habang umaagos ang mga luha sa pisnge ko.

"Zia! Please listen to me!"

Napalingon ako kay Von nang marinig ang sigaw niya. Gising na pala ito mula nung mawalan ito ng malay. "Zia, the knife. Gamitin mo yun. " Paalala nito.

Napatingin naman ako sa loob ng kwartong kinalalagyan namin. Kami lang ang nandito. Lumabas na pala yung mga nagbabantay. Dahan-dahan kong kinapa sa bewang ko ang kutsilyong ibinigay ni Von sa akin. Nahihirapan ako sa pagkuha nito kasi nakagapos ang kamay ko sa kadena. Lumipas ang ilang segundo ay nakuha ko rin ito sa wakas. Ginamit ko ito upang buksan ang kandado ng kadena ko at sa wakas! Bumukas nga ito. Sunod kong kinalagan ang pinakamalapit sa akin na si Andrei. "Kaya mo bang tumakbo?" Tanong ko rito.

Tumango naman ito. "Balikat lang to, Cane. Malayo sa bituka." Nakangiti nitong tugon at binunot ang kutsilyong nakatarak sa balikat niya. Napadaing pa ito ng mahina.

Sinunod kong kalagan si Carina pagkatapos ay si Kyo na parang nahihilo pa hanggang ngayon. Tumulong na rin sila sa akin sa pagkakalag. Lumapit ako kay Yñigo at kinalagan ito. Nakita ko naman sa wrist nito ang mga pasa na galing sa kadenang nakagapos rito. Napabaling ang paningin ko sa pisngi niya. Hinawakan ko ito kaya napangiwi siya. "I'm sorry. Dahil sakin nadamay ka." Saad ko habang hinahaplos ang pisngi nito.

Ngumiti ito sa akin. "I'm fine, Cane. And don't blame yourself. You warned me about this but I didn't listen to you. Matigas rin kasi ang ulo ko." Tugon nito bago halikan ako sa noo. "We will escape, Cane. Lalabas tayo dito ng magkasama, okay? No one will die." He said again with an assuring smile.

I smiled and nooded. I hope too, Yñigo.

Kinuha namin ang mga gamit namin. Luckily, lahat ito ay inilagay lang sa mesang nasa gilid namin. Bumaling ako sa mga kasama ko. "We need to fight. Fight for our lives. We need to escape without risking life." Saad ko at seryoso naman silang tumango. Bumaling ako kay Vanky na hawak-hawak ang tuhod niyang sugatan. "Kaya mo bang tumakbo at lumaban?" Tanong ko rito.

Kahit nahihirapan ay ngumiti ito sa akin. "Kayang-kaya! Tuhod lang 'to at saka daplis lang naman. Hindi ako malulumpo nito HAHAHA!" Maligalig nitong sagot.

I just smiled back to him at hinarap ulit ang buong grupo. Lahat ay nakatingin sa akin. "So what's the plan, Zia?" Tanong ni Zues habang sapo-sapo ang pisngi. I guess malala itong napuruhan.

Napatawa bigla sina Vanky at Andrei. Binalingan naman sila ni Zues at sinamaan ng tingin. "Pft! HAHAHA! Ang pangit mo, Zues! Ang pangit-pangit!" Bulalas ni Andrei at tumawa ng tumawa kasabay ni Vanky. Napatawa na rin si Yñigo.

Pursuing My Gay Secretary (EDITING)Where stories live. Discover now