CANE
"Bakit ba kailangang magsuot ako ng dress na parang nakulangan sa tela?" Pagrereklamo ko habang nakasakay sa kotse ni Von. Papunta kami ngayon sa isa sa mga bar niya na pagdadaluhan ng party ni Jarren.
Lumingon saglit si Von sakin at ngumiti. "You look beautiful on that dress, Zia. It suits you well." Masuyong sagot nito. I just rolled my eyes. "We're here." Saad nito at bumaba ng sasakyan. Umikot siya at pinagbuksan ako. "Let's go?" Aya nito habang nakalahad ang kamay sakin.
"Hindi naman ako baldado para pagbuksan mo." Malamig kong saad at saka tinanggap ang kamay niya.
He just smile and said. "Yup, you're not a disabled person but for me you always have a special treatment, my Zia."
Tsk! Kung 'di ko lang ito kaibigan baka pinagkamalan ko na itong may gusto sakin.
Nang makapasok kami sa bar ay maingay. Marami ang nagsasayawan at nag-iinuman. Meron ring naghahalikan sa gilid. Tch! Can't they get a room for them?
Umakyat kami sa ikalawang palapag ng bar ni Von at doon ko nakita ang mga kaibigan namin. Agad kaming sinalubong ni Jarren. Tinapik nito ang balikat ni Von. "Happy birthday, Jarren." Bati ni Von.
Napasimangot naman si Jarren. "Nasaan ang regalo ko?"
Napakamot nalang si Von sa ulo niya. Tumingin sa'kin si Jarren at niyakap ako. "Happy birthday, Jarren." Bati ko at ibinigay sa kanya ang bitbit na regalo ko.
"You look gorgeous on your black dress, Cane." Nakangising saad nito at sumipol pa. I just rolled my eyes again. "Salamat sa regalo. Alam mo bang ikaw lang ang nagbigay sakin ng regalo. Kasi yung mga mokong na yun, deritso lang silang pumasok ng walang dala. Tsk!" Naiinis na sumbong ni Jarren habang itinuturo ang kinauupuan ng mga kaibigan namin.
I smirked. "Di ka pa nasanay."
"Hey, twin buddy! Who is this beautiful lady in front of you? She looks so gorgeous!" Sulpot ng isang lalaki na may hawig ang mukha kay Jarren. "Ipakilala mo naman ako. Huwag madamot, okay?" Bulong pa nito ngunit rinig ko naman.
"Zia, this is my twin brother Warren Rage Salvatero. And twin buddy, this is Cane Zia Stellar." Pagpapakilala ni Jarren sa akin at ng kapatid niya. Yes, they are twins but they are not look alike. Hindi naman kasi lahat ng twins ay magkamukha. "Excuse me. Aasikasuhin ko lang ang ibang bisita ko." Paalam niya at umalis.
"Hi! May boyfriend kan--
"Back off, dude. She's mine." Malamig na banta ni Von. Lumingon siya sa'kin at hinila ako papalayo kay Warren. "Damn, hindi na sana kita pinasuot ng ganyan."
"Kasalanan mo 'to." I replied. Napailing naman ito.
Umupo kami kasama ang mga kaibigan namin. "Hey, Von and Zia! Uminom na kayo!" Sigaw ni Vanky samin habang may dalang dalawang baso at inilahad ito samin. I think he's drunk.
Kinuha ko yun at nilagok. "You look stunning, Zia!"
"Naks! Ganda!"
"Gorgeous baby!"
Kanya-kanyang kumento nila. Napansin kong sinamaan sila ng tingin ni Von. Sumipol si Vanky. "Someone is being possessive right now!" Saad nito at tumawa.
"Shut up, Limer!" Naiinis na saway ni Von kay Vanky.
May bigla nalang tumabi sakin kaya nilingon ko ito. Si Warren lang pala.
YOU ARE READING
Pursuing My Gay Secretary (EDITING)
RomanceA cold and emotionless girl CEO and a soft gay secretary. Will they can resist to be together and fall inlove to each other? Mahuhulog ba sila sa isa't-isa? Well let's all read their unique story.