CANE
Dumating nalang ang gabi pero hindi pa rin pumupunta dito sa opisina ko si Yñigo. Umalis na rin si Von. Pinaalis ko ito. Sinabihan ko itong stress lang ako sa trabaho kasi masyado akong nag-alala para bukas. He just comforted me at gumaan-gaan naman ang pakiramdam ko.
Pero ang pinagtataka ko ay di man lang ako dinalaw ni Yñigo rito sa office. Di man lang siya nagpakita. Well, masyado siguro siyang nag-enjoy kasama si Kelsey. Okay lang naman. Hindi naman masakit.
Niloloko ko na naman ang sarili ko. Tsk!
I stand up. Nangangalay na rin ako sa kakaupo sa swivel chair ko. I just worked the whole day. Ini-on ko ang cellphone ko and there I saw a reminder.
Oww, shoot! May meeting nga pala ako ngayon sa bahay nina Mr. Limwel and Mrs. Yrika! Fuck! Muntik ko nang makalimutan.
Marami kasi akong trabaho kaya nag schedule ako ng meeting sakanila ngayong gabi. Alam ko kasing ngayon lang ang magiging vacant ko. I will buy wine for tomorrow's fashion show.
Agad akong nag-ayos ng gamit at saka dali-daling lumabas ng opisina. Nilagpasan ko lang ang opisina ni Yñigo. Bahala siya! Hindi nga siya nagpakita sakin! Masyadong niyang inenjoy ang pagkain niya kasama si Kelsey. Tsk!
Sumakay ako sa elevator at pinindot ang ground floor. Pagdating ko sa ground floor ay marami ang bumati sa akin pero 'di ko na sila pinansin. Paglabas ko sa kompanya ay may biglang tumigil na sasakyan sa harapan ko. White BMW.
Sasakyan ni Von. Ibinaba nito ang bintana at saka dumungaw. "Hatid na kita. I know your tired." He simply said kaya sumakay nalang ako. Alright, he's right. I'm so tired.
Agad namang pinaandar ni Von ang sasakyan. "So, didiretso ka naba sa bahay mo o may pupuntahan ka pa?" Tanong nito sakin habang ang mga mata ay nasa kalsada.
"May pupuntahan pa ako, Von. I have a meeting with Mr. Limwel and Mrs. Yrika. Bibili kasi ako ng wine para bukas." Sagot ko rito.
"Eh bakit hindi mo nalang yan pinaasikaso sa mga employee mo. Busy ka na nga tapos ikaw pa ang bibili ng iinumin para bukas." Suhesyon niya.
"You know me, Von. Gusto ko ako mismo ang mag-asikaso sa mga bagay-bagay na gusto kong trabahuin. Tapos na rin naman ako sa trabaho ko. Actually, this is the last. Mabuti nga at pumayag sina Mr. Limwel na sa gabi nalang ako pupunta sa kanila."
"Bakit pa sa bahay nila? Eh sa kompanya ka nalang kaya bumili ng alak nila." He suggested.
"Sarado na ngayon ang kompanya nila. Maaga kasi silang nagsasara. Sa dami ba naman ng bumibili ng produkto nila ay mapapagod talaga ang mga employee ng kompanya at ang CEO nito. Lalo na't ayaw manahin ng anak niya ang kompanya nila." Sagot ko rito habang nakatingin sa bintana ng kotse.
"Ahh, I see." Maikli nitong tugon.
"Alam mo naman diba kung nasaan ang bahay nila?" I asked turning my gaze on him.
"Yeah, they are famous and rich like you. Ang pinagkaiba nga lang ay sa clothing industry ka while them are in wine industry. They are known for making the best wine in whole world." He answered kaya napatango ako. Bigyan ba naman ako ng biography.
Yeah, Von was right. Masarap nga ang mga alak nila.
Huminto na ang sasakyan ni Von sa isang villa. Napakalaki nito. Pinasok ni Von ang sasakyan niya at ipinarking sa isang malaking parking space. Pinagbuksan ako ni Von ng pinto kaya nagpasalamat ako rito. Tss! Kailan pato naging ganito?
YOU ARE READING
Pursuing My Gay Secretary (EDITING)
RomanceA cold and emotionless girl CEO and a soft gay secretary. Will they can resist to be together and fall inlove to each other? Mahuhulog ba sila sa isa't-isa? Well let's all read their unique story.