YÑIGO
Hay nako kaloka besh kala ko masungit si ate di naman pala. Masungit na masungit lang duh! So I'm here at my office. Oh, diba bongga may office kaagad ako. Syempre sekretarya ako eh! So, nag aayus ako ngayon ng mga gamit ko.
She's maganda! Kaso masungit! No emotions at all. Pinaglihi ata sa yelo! She has this orange-yellow colored short hair, na bumagay naman sa kanya. Kasi maputi siya. Her perfect curve eyebrows, na hindi ko alam kung true or fake. Her hazelnut eyes, siguro true yun kasi parang di naman siya naka-contact lense. Her pointed nose and her tempting red lips. I know it's natural. Kasi basta. She's very simple but beautiful. Sayang kung hindi siya masungit ay baka may jowa na siya ngayon.
"Go to my office right now." Malayelo nitong utos mula sa intercom. Agad naman akong pumunta sa office niya. Kaloka naman si ate niyo mga mare 'ke aga-aga parang mainit ang ulo. Pano ba naman pagbukas ko palang ng pinto niya ay may lumipad na na crumpled paper na agad ko namang naiwasan. "Ano ba yan! Bakit ka naman po nambabato? Ang aga-aga ang init-init ng ulo. Chill ka lang dapat eh."
"I want you to work with this." Utos nito sabay abot sa akin ng mga papeles. Ang kapal mare 'sing kapal ng foundation niyo.
"Segi po, noted." I replied with a grin after checking the paper. Madali lang to. Marami akong kilalang model. Mga fafa mare HAHAHA! Humanda!
"You may leave." Sambit nito nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Cold yarn? Ice ice baby!
*****
"Hello Mr. Han. I have a proposal for you."
"Hello Mr. Perez. You have a proposal from Stellar Clothing Industry."
"Good day Mr. Villanueva. A proposal from Stellar Clothing Industry."
"A pleasant day to you Mr. Divinagracia. We have a proposal for you."
Hayy, halos mawalan na ako ng boses don ha. Madami rin akong napapasok na model yung iba ayaw. Mga attitude. Yung iba naman ang daming tanong.
Agad akong pumasok sa opisina ni Miss Stellar at naabutan ko itong tinatanaw ang buong siyudad. Inilapag ko sa mesa niya ang mga resume ng nakuha kong mga modelo. "Good evening, Miss Stellar." Panimulang bati ko. Di ako nito pinansin kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Ito na po yung mga resume ng nakuha kong mga bagong modelo." Dugtong ko. Humarap naman siya sa akin ng walang emosyon.
"You may leave."
Hayy ito na naman yung dakilang 'you may leave' niya. Wala ba tong kasaya-saya sa buhay at parang walang gana palagi. 'Di man lang ngumingiti.
Nanatili akong nakatayo sa harap niya. May naiisip kasi akong kalokohan. "Miss Stellar wala po ba kayong happy pill?" Tanong ko pero di man lang nagbago ang emosyon sa mukha niya. Wala rin akong nakuhang sagot. Wait tanungin pa natin. "Pinaglihi ata kayo sa sama ng loob 'no?" Tanong ko ulit pero wala pa rin akong nakuhang sagot. Ano ba to? Robot? Hays! "Miss Stellar can you smile for me? Please?" Sabi ko at nag puppy eyes.
"Tch! Get out of my office right now!" Hala mga mare nagalit ko ata. May regla ka ghorl?
"Isa nalang Miss Stellar. Maganda ba ako?" Tanong ko ulit habang inayos-ayos ang buhok ko. Marahas naman itong umiling. "Ang harsh mo sakin, Miss Stellar. Ouchy!" Umarte pa akong parang nasasaktan.
"Tss, daming arte. Get out!" Sigaw nito. Ayy galit yarn?
"Oo na! Ito na! Atat ka ghorl?" Sigaw ko rin at saka dali-daling lumabas ng opisina. Whoa muntik na yun! Ka-abnormalan ko nga naman.
CANE
"Abnormal ata ang nakuha kong sekretarya. Tss!"
Agad akong bumalik sa ginagawa ko. Hindi ko kasi makuha ang saktong design ng damit. I have a designer. Pero gusto ko ako yung gumawa mismo ng design sa mga bagong ipapalabas sa billboard at ang mga isusuot ng models sa modeling.
I crumpled again the paper I am writing. Wala talaga akong maisip na design. Kinuha ko nalang yung pinasa na resume ng mga modelong nakuha ng sekretarya ko.
Ano to? Is this joke?! I told him that male models not macho dancers!!
Agad kong kinuha ang teleponong nagkukunekta sa intercom niya. "In my office right now!" Pasigaw kong utos. Nakakainit ng ulo! Bwesit!
Agad naman itong pumunta. "Oh Miss Stellar miss mo agad ako?" Nakangisi nitong tanong. Kumunot naman ang noo ko. "Sorry na agad. Di ka naman po mabiro." Bawi nito saka nag peace sign.
Inilapag ko naman sa mesa ko ang mga resume. "What is this Mr. Silvestre?!"
"Resume." Painosente nitong sagot.
Napatampal naman ako sa noo ko. "What I mean is WHAT IS THIS?!" Sigaw ko saka tinuro ang mga modelong nasa picture.
"Chill lang po, Miss Stellar. Mga modelo yan para sa papadating na fashion show." Kampanti nitong sagot.
"Yan ba yung modelo na ipaparampa mo?! Eh macho dancers yan!"
"Eh? Di naman sila mukhang macho dancers ah. Mga modelo kaya sila."
"Tss! Go find other models!", utos ko.
"What? No! Nagpapakapagod ako para mapa-oo sila tapos ibabasura mo lang ng ganyan? It's a big NO!" Angal nito.
"Eh sino ba ang boss?"
"Ikaw malamang."
"Oh, edi ako ang masusunod!"
"Hindi pwede! Kung boss ka dapat makinig ka rin sa suggestion ng taong nasa paligid mo hindi yung ikaw nalang lahat masunod. Duhh!" Maldita nitong sagot saka nirolyuhan pa ako ng mga mata niya.
"I'm the boss so I know what's the best for my company!"
"And I am an employee. You must listen to me."
"And why would I?" Taas kilay kung tanong. Hays bwesit! Nakaka-high blood na siya ha!
Tinaasan niya rin ako ng kilay. "Kasi....k-kasi...." Utal-utal nitong sagot.
"What now?" Tanong ko.
"Kasi trip ko lang! Bakit ba? Kung gusto mo man-trip ka rin."
"You're crazy. Tss"
"Basta ako ang masusunod. Sila ang rarampa para sa gaganaping fashion show. Period!" Sabi pa nito saka nag walk out.
What was that?! Ako naman ang boss right? Ako dapat masunod. Tch!
![](https://img.wattpad.com/cover/289001851-288-k758428.jpg)
YOU ARE READING
Pursuing My Gay Secretary (EDITING)
AcakA cold and emotionless girl CEO and a soft gay secretary. Will they can resist to be together and fall inlove to each other? Mahuhulog ba sila sa isa't-isa? Well let's all read their unique story.