CHAPTER FIFTY-FOUR: CEBU

118 5 0
                                    

"Hey, Zia. It's nice seeing you again here." Seryosong bati ng pinsan kong si Chris. "Napahanda ko na ang suite na tutuluyan mo."

Tipid akong ngumiti. "Hindi naman ako magtatagal dito, Chris. As soon as I settle the problems in my company here, uuwi ako kaagad." Tugon ko habang naglalakad papasok sa building kong nasaan ang suite na tutuluyan ko. Grover Hotel. Pag-aari ito ng pinsan ko which is Chris.

"Hmm, I see. You seems very busy."

"I am."

"Why don't you enjoy Cebu after your business here?" He suggested. "I can tour you around." He offered.

"Nahh, I don't have time for that. May kompanyang naghihintay sa'kin sa Manila." Tanggi ko.

"Zia, don't be so workaholic. Enjoy your life too."

Nawala ang atensyon ko kay Chris ng mahagip ng mata ko ang likod ng isang lalaking nakikipag-usap sa isa sa mga staff ng hotel. He seems very familiar...

"Zia? Nakikinig ka ba sa'kin?" Tanong ni Chris na pumukaw sakin.

"Ahh, ano nga'ng sinasabi mo?" Parang wala sa sarili kong tanong.

"You know that I hate repeating."

"Tch, just lend me the key card, Chris. No need to assist me. I need to rest. Tomorrow will be a long day for me. " Saad ko habang lulan ng elevator.

"I know. Pahahatiran nalang kita ng dinner sa room mo." Tugon nito habang naglalakad kami sa hallway papuntang room ko.

I faced him when we reach my suite. "Why are you so kind to me? Did you eat some spoil food?"

"What are you talking about? I'm kind to you because I need to. My mother told me to treat you right."

"Pft! HAHAHA! You're a Mama's boy as always!" Pang-aasar ko rito.

"Yeah, right Daddy's girl." He returned. Sinamaan ko ito ng tingin at tumawa naman ito. He pat my head and hug me. "I'm glad to see you again. Whenever you want or need something, just call me. Okay?" Saad nito matapos akong pakawalan sa yakap.

I smiled and nodded.

"So, here is the key card." Sambit nito at iniabot sa'kin ang card saka tumalikod at naglakad palayo. "Bye." Paalam pa nito habang patalikod na kumakaway.

Tinanaw ko lang siya hanggang sa sumara ang pinto ng elevator na kinalululanan niya.

Ini-swipe ko ang card at bumukas naman ang pinto. Well, I guess mahal ang ibabayad ko sa suite na 'to. Ang laki ba naman pero ako lang mag isa. Tch! Boring.

Agad kong itinapon ang dala kong bag sa sofa at padapang humiga sa kama. Oh god! I'm so tired. I badly need rest right now.

I was in deep sleep when my phone rang. Punyeta naman oh! Panira sa pagtulog ko.

Nakapikit kong sinagot ang tumatawag. "Ms. Stellar speaking. Who's the caller?"

"Ma'am, I was just gonna remind you that you need to talk to the people who lost their houses. They are complaining about it. Nagkakagulo na po rito." Saad ng caller sa kabilang linya.

"Bakit mo ba ako ini-istorbo? Sino bang may kasalanan? Di'ba ikaw? Naging pabaya ka sa trabaho mo kaya nasunog ang branch ko. Alam mo ba kung ilang milyon ang nawala sakin dahil diyan?" Inis kong tugon.

Pursuing My Gay Secretary (EDITING)Where stories live. Discover now