MR. LEWIS
Nakangisi ako ngayon habang tanaw si Cane at ang mga kasamahan nitong nagpupumiglas sa pagkakatali ng kadena sa katawan nila. Nilapitan ko si Cane at hinawakan ang mukha nito. Umiwas ito pero nahawakan ko ulit ito sa panga. "Masyado bang mahigpit ang pagkakagapos, Cane?" Tanong ko rito.
She just stare at me coldly. "Hindi ba't ako ang kailangan mo? Nandito na ako. Nahuli mo na ako. Pakawalan mo na sila. Wala silang kinalaman dito." Matapang na sambit nito habang nakikipagtitigan sa akin. I saw her eyes. Mga matang ayaw na ayaw kong makita. Kopyang-kopya sa ama niyang hayop!
Lalo kong diniinan ang pagkakahawak ko sa panga niya. I know she's suffering and I like seeing her suffer. Ngumisi lang ako sa kanya at binitawan ang panga niya. Nakita ko namang inilabas ng mga tauhan ko ang apat pa niyang kasama. Von, Kyo, Zues at ang pinakamamahal niyang si Yñigo.
"Z-zia! Why are you here? Hindi ka nalang sana pumunta dito! Papatayin ka lang niya!" Sigaw ni Von.
Lumapit ako sa nakagapos na si Carina. "Traydor ka, Carina. I gave you shelter and food tapos ito lang ang ibabalik mo sa akin? I even loved you!" Sigaw ko rito at sinampal ito. Natigilan siya at tila pinoproseso pa ng utak nito ang mga sinabi ko.
"Huwag mo siyang saktan! Tangina mo!" Sigaw ni Zues. Uminit ang ulo ko. Bumaling ako kay Zues. Siya ang dahilan kong bakit nagawa ni Carina na tumalikod sa akin.
Nilapitan ko ito at sinuntok sa mukha. Ngumisi ito sa akin. "Suntukin mo man ako ng ilang beses, mas gwapo pa rin ako sayo!" Sigaw nito sa akin kaya sinuntok ko ulit ito. Napadura siya ng dugo at tumawa. "Ano bang kailangan mo, ha?! Masyado ka nang maraming napupuruhan! Why can't you just leave the rest of us alone! Mga walang magawa sa buhay!" Sigaw ulit nito. Nagalit ako kaya sinuntok ko ulit siya. Halata na sa mukha nito ang mga pasang idinulot ko.
"Tama na! Tama na, Zairhy!" Sigaw ni Carina na nakapagpatigil sa akin. Zairhy... matagal ko ring hindi narinig ang pangalang yun.
Nilapitan ko si Carina at hinawakan ang mukha niya. "Zairhy, please stop what you're doing. Hindi ka ganito noon. Binulag kalang ng paghihiganti mo." Saad nito.
"They are the ones who transform me into this, Carina. Saksi ka nung nawala ang ina ko." Madiin kong tugon at tinalikuran ito.
Nilapitan ko si Yñigo dala-dala ang isang maliit na kutsilyo. Torture time!
Kita ko ang takot sa mga mata nito kaya napangisi ako. As expected to a gay like him. Nang tuluyan na akong makalapit dito ay idinampi ko ang kutsilyo sa pisngi niya kaya nanginig ito sa takot.
That's right, Yñigo. Dapat kang matakot sa akin. Bumaling naman ang tingin ko kay Cane na masama na ang tingin sa akin. Ngumisi ako sa kanya. "Uunahin ko na ba 'to?" Tanong ko rito. Mababakas sa mukha nito ang galit.
"Saktan mo siya at mapapatay kita!" Banta nito habang nagpupumiglas na para bang gusto akong sugurin.
Nginisihan ko lang ito at bumaling kay Yñigo na nanginginig na sa takot. Pinadaan ko ang kutsilyo sa panga nito patungo sa pisngi, sa labi, sa leeg at bigla ko nalang dinaplisan ang pisngi nito. Tumulo ang dugo mula sa pisngi nito na aking ikinatuwa. Muli akong bumaling kay Cane na ngayon ay malakas na ang pagpupumiglas sa kadena niya. "Huwag mo siyang saktan! Hayop ka!" Sigaw nito kaya tumawa ako.
YOU ARE READING
Pursuing My Gay Secretary (EDITING)
RomanceA cold and emotionless girl CEO and a soft gay secretary. Will they can resist to be together and fall inlove to each other? Mahuhulog ba sila sa isa't-isa? Well let's all read their unique story.