CHAPTER THREE: THE FIVE JERKS

82 1 0
                                    

YÑIGO

Nakatanga lang ako rito sa opisina ko. Wala pa namang mga gawain na ibibigay si boss.

Ano kaya kung puntahan ko yun? Tapos asarin ko. HAHAHA! Pwede, pwede! Tatayo na sana ako ng biglang tumunog ang intercom. "In my office, right now." Walang gana nitong utos. Sakto at papunta rin ako doon!

Agad akong tumayo at pumunta sa opisina niya. Binuksan ko ang pinto nito saka pumasok. "Miss mo aga——

Naputol ang sasabihin ko nang may makita akong mga fafa! Shet! Ang ga-gwapo! Mga model 'to? Nagningning ang mga mata ko. Nakakalaglag panty naman 'to!

"Ahemm! Tumutulo na ang laway mo." Epal na saway ni boss. Paepal naman to oh. Sinamaan ko naman siya ng tingin at mas sinamaan niya rin ako ng tingin. Attitude ka beh?

"Pft! HAHAHA! Yan yung secretary mo?" Natatawang tanong ng naka blue. Ang gwapo niya!

"May angal ka?" Malamig na balik ni boss.

"Wala, wala" Umiiling-iling na sagot nito.

"Manahimik ka kasi, Zeus." Saway naman nung naka dark green.

"Yñigo, I want you to work with this. As soon as possible." Utos nito at inilapag sa desk niya ang mga papeles.

Umupo naman ako sa harapan nito. "Yes, boss!" Sagot ko at tiningnan ang mga lalaki. Ang ga-gwapo talaga! Lalo na yung singkit. I think Japanese siya.

"Di ka paba aalis?" Biglang tanong ni boss ng nakakunot ang noo.

Nag-smile naman ako sa kanya. "Pwedeng dito muna ako? Tignan mo oh. Ang ga-gwapo nila. Gusto ko pa silang pagmasdan eh." Sambit ko at nag puppy eyes.

"Tss! Umalis na kayo." Utos nito sa mga lalaki. Hala! No, no! My precious men!

"Ang harsh mo samin, Zia."

"Dito lang kami"

"Mamaya na"

"No"

"Later."

"Huwag naman boss." Pakiusap ko.

"Tsk! Umalis kana. May pag-uusapan kami." Malamig nitong sabi.

"Okay, mas better kung ako ang aalis kaysa kayo mga Fafa. Shet! Ang ga-gwapo niyo talaga!" Tili ko at nilapitan sila. "Hi, I'm Yñigo Leyrin Selvestre. Lira nalang for short hihihi!" Pagpapakilala ko sa kanila.

"Zeus Arkin Gonzales. Ang gwapo." Sagot ng naka-blue. Tumili naman ako.

"Vanky Limer Velasco. It's a pleasure to meet you." Sabi nung naka dark green. Yes, give me pleasure baby. Charot! HAHAHA!

"Andrei Moiah Sinclair. Ang pinakagwapo." Sambit ng naka white with matching pose.

Tumawa naman ako saka kinurot ang braso nito. "Eng het me ehehehe." Pabebe kong sabi kaya tumawa ito.

"Magandang umaga. Kyo Santiago ang pangalan ko." Pagpapakilala ng naka gray. Yung singkit ang mata. Tumili ulit ako. Ackkk! Napaka-gwapo niya at napakaginoo pa!

Tumingin naman kami sa lakaking di pa nagpapakilala. Yung naka black. Pansin ko kanina, di ito kumikibo. Ang sungit. Pero siya yung pinaka-gwapo sa lahat.

Walang emosyon kami nitong tiningnan. "What?" Malamig nitong tanong. Shocks! Ang husky ng voice.

"Magpakilala ka na." Sagot ni Andrei.

"Tss." Maikli nitong sagot.

"Sungit." Bulong ko.

"Yñigo! I told you to leave!" Sigaw ni boss. Ay, hala nakalimutan ko!

"Ah, opo! Segi po! Sorry! Ang ga-gwapo kasi nila eh!" Sabi ko saka dali-daling umalis. Napatili naman ako pagdating sa opisina ko.

"Ahh! Ang ga-gwapo! Jowain niyo ako please!"

Cane

"Tss! Pinatulan niyo naman yun?" Tanong ko sa kanila.

"Why? Wala namang masama dun. Nakikipagkaibigan lang kami." Sagot ni Andrei.

"Bakla na pala ang gusto niyo ngayon." Nakangisi kong sambit.

"Woi grabe ka samin ha! Selos ka lang eh." Zeus fired back.

"What?" Nakakunot noo kong tanong.

"Watawat. HAHAHA!" Tawa ni Vanky.

Sinamaan ko naman sila ng tingin.

"So, what's your plan?" Malamig na tanong ni Von.

"I don't have plans." Sagot ko rito.

Saan naman ako makakahanap ng mapapangasawa? I hate men. Pati natong mga bogok nato.

"What if kumuha ka ng substitute husband." Vanky suggested.

"Seriously? What if perahan lang siya. You know people nowadays." Kontra naman ni Andrei.

"Hmm, why don't you try fake marriage." Kyo suggested.

"Para niya namang niloloko yung tatay niya sa mga suggestions niyo." Zeus said.

"Kaysa naman sayo na walang ambag!" Vanky replied.

"Why don't you find someone who's not your type." Biglang komento ni Von. Natahimik naman ang lahat. "Find someone who doesn't like you and you don't like. Because if you get married, there will be no bond between the both of you. You can manage your company too well. See the benefits you get." Pagpapatuloy pa nito.

"Von has a point." Pagsang-ayon ni Kyo.

"At paano kung hindi papayag ang taong yun?" Tanong ko.

"Do everything just to make him marry you. Maging desperada ka kung ayaw mong matali ka sa taong di mo kilala." Seryosong sagot ni Von sa tanong ko.

"Sino naman ang taong tinutukoy mo?" Kunot-noong tanong ko.

"Your gay secretary."

Pursuing My Gay Secretary (EDITING)Where stories live. Discover now