CHAPTER TWENTY-NINE: Lights On

57 1 0
                                    

YÑIGO

"Stay here, Yñigo. I che-check ko lang kong anong nangyayari sa labas." Sabi ni Cane at lumayo sa akin.

"Cane, sasama ako." Sambit ko habang ini-o-on ang flashlight ng cellphone ko.

"No, dito ka lang. Ako na ang bahala. Ibabalik ko ang kuryente." Kontra nito at tinalikuran ako. Nakita ko na kasi siya kasi on na ang flashlight ko at flashlight niya.

Nakabihis na ito ng pormal na damit.

I know there's something wrong here. Matagal na akong nagdududa. Simula nung mangyari ang aksidente sa elevator.

"Alam kong may hindi ka sinasabi sa akin, Cane." Seryoso kong saad.

Humarap ulit ito sa akin at nilapitan ako. "I have nothing to say, Yñigo." Tugon nito sa malamig na boses.

"Akala ko ba mahal mo ako, Cane? You should be honest to me. No more lies, please?" Ani ko at hinawakan ang mukha nito.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "Pwede bang saka ko na sasabihin sayo pagnatapos na ang lahat ng ito? Pangako mag-iingat ako. Para sayo Yñigo." She said sincerely.

"Segi na nga. Hindi na ako sasama. Pero, mag-ingat ka ha. Kailangang bumalik ka sa akin ng walang galos o pasa. Naiintindihan mo?" Seryoso kong saad rito.

Ngumiti ito sa akin. "Oo naman bakla. Ikaw pa, malakas ka sakin eh! HAHAHA!" Natatawa nitong sagot kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tawagin ba naman ako'ng bakla!

"I told you, I'm not a gay anymore. Baka gusto mo ng patunay?" Nakangisi kong tanong sa kanya kaya natigilan ito.

"Shut up! Aalis na ako." Naiilang na sagot nito saka lumayo sa akin.

Hinawakan ko naman ang kamay niya at kinabig papunta sa akin. Niyakap ko ito at saka bumulong sa tenga niya. "Please be safe, Cane. I don't know what to do if I lose you. I love you."

Niyakap niya rin ako pabalik. "Oo, mag-iingat ako. Ingatan mo rin ang sarili mo, Yñigo. Huwag kang umalis dito. Just stay here." Bulong rin nito pabalik. Tumango naman ako. Kumalas ito sa yakap at hinalikan ako sa pisngi. "Segi, aalis na ako. I love you too." She said before she leaves.

Napabuntong-hininga nalang ako saka umupo sa silya. Lumipas ang mga oras pero di ako mapakali.

What if mapahamak si Cane? What if may mangyaring masama sa kanya? What if...Ahhhh!! Susunod ako sa kanya!

Tumayo ako sa silyang inuupuan ko at lumabas ng kwarto. Madilim ang piligid at maririnig mo ang ingay na nanggaling sa mga tao. Kanya-kanya silang reklamo kong bakit raw walang kuryente. Nasaan na raw ba yung generator. Tsk! Di man lang makahintay!

Naglibot pa ako sa arena pero hindi ko makita si Cane kaya lumabas ako. Nagbabakasakali akong nandito siya pero wala rin. Pumunta ako sa parking lot para hanapin siya doon pero iba ang nadatnan ko. Mga lalaking naka-itim at dala-dala nila si Von na walang malay. Shit! Saan nila dadalhin si Von?! Anak ng!

Nakita ako ng isa sa kanila. Ngumisi ito sa akin. "Tingnan mo nga naman. Yung target pa natin mismo ang lumapit sa atin." Nakangisi nitong saad habang lumalapit sa akin.

Shuta! Anong gagawin ko? Tatakbo? No! Hindi ko pwedeng hayaan si Von na dukutin nila.

Tiningnan ko sila ng masama. "Bitiwan niyo si Von kung ayaw niyong masaktan." Paninindak ko sa kanila pero tumawa lang sila.

Pursuing My Gay Secretary (EDITING)Where stories live. Discover now