Kidnappers...?
Yashei's POV
Nagmamadali akong maglakad papuntang school, kundi ba naman kasi eengot-engot ang kambal ko edi sana di ako malelate. Hindi nya ako ginising manlang at hinayaan akong bumangon mag-isa, kahit naman hindi kami magkasundo ay hinihiling ko na SANA ay naisipan manlang nya akong gisingin!hindi naman sayang sa laway ang magtawag ng pangalan ko.
Tiningnan ko ang relo ko, "waaaaah!!!!!!late na late nakoo!!!!"naiiyak ako.
Nanlulumo kong binalik ang tingin ko sa daanan, bwisit ka yesha mamaya ka sakin!i'll kill your pussy!
Habang naglalakad, napansin ko ang isang van na nakasunod sa akin.
Kidnapper ba sila?halaaa!!!!Agad akong nagsign of the cross kahit hindi naman dapat, diko alam kung tama ang sign of the cross pero di na yon mahalaga.
Mas binilisan ko ang paglalakad at mas sumunod naman ang van, bigla na lamang itong bumukas at nagulat ako nang bigla akong hilain ng mga lalaki.
Hindi ako makasigaw dahil sa may nagtatakip sa bibig ko, peste!antanda ko na tapos ako pa kikidnapin,alam ko bata lang ang kinikidnap.
Nanlaban ako pero useless din dahil sa laki ng katawan nila, huhu lolabells help your byutipul granddaughter!
Sinakay nila ako at agad na isiniksik sa lalaking katabi ko,tiningnan ko sila isa-isa.
Pito sila kasama ang driver at ang nakaupo sa passenger seat,bat kaya wala silang mga mask sa mukha?
"Stop staring, young lady" agad akong kinilabutan sa mamang nakatingin sa labas, tinitigan ko pala sya nang diko namamalayan.
"S-san nyoko dadalhin?bat ako ang naisipan nyong kunin?alam kong maliit ako pero matanda nako!please late nako"pagmamakaawa ko.
Malalagot ako nito sa lola ko ih, buti sana kung pinagpaalam nila ako!
Bigla silang nagtawanan, mukha bakong nagjojoke?aba't!!!
Inirapan ko sila at pinagcross ang braso ko, ano bang kailangan nila sakin?pero ok to ah!ampopogi nila.
"Crush ka ni boss, miss."eh?
Baka ang pagtataka sa mukha ko na lalo naman nilang ikinatawa, hindia ko aware na gagawin nila akong laughing stock.
Mas lalo akong nainis kaya naman hinawakan ko ang balikat nya at nilubog ang dalawang daliri ko sa laman ng leeg nya,"aray!aray!tulungan nyoko, bryce!"
binitawan ko sya ng makita kong nasasaktan na sya."Antapang ng babaeng to, wag kang magalala.Di kami gagawa ng kung ano sayo,we just want to know you young lady."sabi ng nakaupo sa passenger seat.
Bumuntong hininga ako.Pamilyar ang pakiramdam na 'to pero diko alam kung san to nangyari, komportable naman ako sa kanila kaya siguro aantayin ko nalang na ibaba nila ako.Kung may balak silang ibaba ako!
Hindi ko alam ang daan na tinatahak namin, ayoko namang magtanong kasi baka magalit sila. Habang nasa byahe ay wala akong ibang inisip kundi ang galit nag lola ko, malamang pipingutin nanaman ako.
Bigla akong napahawak sa tenga ko sa mga naisip na iyon,
Tumikhim ang nagd-drive kaya agad akong tumingin sa kanya pero hindi nya ako tinapunan ng tingin,"what's your name?"kilala naman siguro nila ang isa't-isa kaya malamang sa malamang ay para sa akin ang tanong na iyon.
"Yashei ang pangalan ko.Yashei Alyssa. But you can call me,Yash."
Sagot ko."Nice name."komento ng isa.
"Kayo?anong pangalan nyo?ampangit naman siguro kung diko malalaman ang names ng kumidnap sakin."pairap kong sabi.
Hindi ko nga alam kung matatawag bang kindapping to dahil hindi naman sila nananakit, wala rin akong posas at higit sa lahat mabango sila.Bumungisngis sila,
"Ako si Cloud."sabi ng batang sinaktan ko kanina.Nays nays!
Nagsalita ang iba sa kanila kaya nalito ako
"Flint!"
"Zilester."
"Akihiro!!!"
"Dawn"Nilingon ko yung katabi ko na hindi nagsalita, ngumiti sya"andrei"sabi nya. Tumango tango ako at tumingin sa likod ng nagddrive.Hindi sya nagpakilala,attitude!
Iniintay ko syang magsalita pero wala talaga, hindi ko naman matanong ang mga lalaking nasa tabi ko kasi baka sabihin nila feeling close ako.
Nandito na pala kami sa parking lot, san ba kami pupunta?!
Bumaba sila isa-isa kaya sumunod ako,"iwan mo muna yung bag mo sa van."sabi ng isa.Tumango ako at pinasok ang bag ko roon bago sumunod sa kanila.
Hindi ako pamilyar sa lugar pero mukhang masaya rito dahil tahimik, naglakad sila kaya sumunod ako habang tumitingin sa paligid, parang pamilyar tong lugar nato....hmmm....ewan baka akala ko lang!
Huminto kami sa isang garden na may puno na malaki, may masisilungan dahil sa mga makakapal na dahon.Isa-isa silang umupo at ako ang natirang nakatayo sa harap nila.Hindi ko pa sila kilala, pero mukhang kilala nila ako. Ayokong magtanong dahil baka mamaya ay makulitan sila sa akin, bukod sa kakaibang pakiramdam ay diko rin naman alam ang sasabihin at gagawin ko. Pamilyar ang pakiramdam na 'to na tila ba naramdaman ko na ito pero diko sigurado kung tama bang magtiwala sa mga taong kakakilala ko lang.
Wala silang ginagawang masama gaya ng mga kidnappers na nakikita ko sa tv, pero hindi pa rin tamang magtiwala sa taong kakakilala ko lang.
YOU ARE READING
The Lost Heiress(On-going)
Teen FictionSi Yash ay isang ordinary girl na nagaaral sa Heiress High, isa syang tahimik na babae at may tapang ding tinatago. Pero magbabago ang tadhana nya nang makilala ang pitong lalaki na bigla nalang sumulpot sa kanyang buhay.