Discuss
Discuss
Discuss
DiscussLast subject na at maguuwian na nanaman,
ewan koba dito kay Ms.Lizarda ang hilig magovertime.Wala akong maintindihan sa history and natandaan kolang ngayon ay.....
Wala!“Ms.Peterson”napatayo nang wala sa oras dahil narinig ko ang surname ko,shit!wala akong naintindihan ngayon eh.
“Yes miss?”kabadong tanong ko.May binasa sya saglit sa librong hawak niya,patay ako nito.
Muli nya akong hinarap,“Ano ang ekonomiks?”tanong niya.
EKONOMIKS?!
Napaisip ako,ano nga ba?
“Ang ekonomiks ay ang pag-aaral ng mga pamamaraan kung paano nagbabahagi ang mga mamamayan at bansa ng kanilang limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang walang katapusang kagustohan.”pikit matang sagot ko.
“tama,you may now sit”Yes!tama daw!
“Galing kong manghula”masiglang bulong ko.
Hindi kona binalingan ng atensyon si Ms.Lizarda matapos ang pagsagot ko,ilang minuto nalang namana at uwian na.
Kung hindi sya mageextend ng time.“Yun lang ang ating lesson for today,see you on thursday”huling sinabi nito bago umalis.
“Galing!san mo kinuha sinagot mo?”
Nilingon ko si dawn na parang tangang pumapalakpak habang papalapit sa pwesto ko,nagsimula na ang paglabasan ng mga classmate namin habang ang iba naman ay masama ang tingin sakin habang nakatayo sa may hindi kalayuan.Ano nanamang problema ng mga to?
Tinaasan ko sila ng kilay bago umirap,napansin naman agad ni cloud ang ginawa kong iyon at agad na tumingin kung saan ako nakatingin.
“ang sama nila makatingin oh”
Mahinang sabi ni cloud.Tumango ako.“Galit ata kase nakasagot ako sa tanong ni Miss”sagot ko.Nagstay pa kami saglit sa classroom bago napagpasyahang umalis.
Ramdam ko ang mga tingin sakin habang naglalakad kami sa hallway,hindi naman ako nagpatinag at hangga’t kaya ko ay sinasamaan ko rin sila ng tingin.Ano bang problema sakin ng mga tao?dahil ba to sa pagkawala ni elaijah sa Heiress High?hindi ko naman kasalanan kung bakit sya napatalsik.
“don’t mind them”naramdaman ko ang kamay ni bryce sa balikat ko,tiningnan kosya ngunit nakafocus ang mga mata nya sa daan.
“what?”tanong nya pero hindi parin sya tumitingin sakin,whatawat.
“w-wala”umiwas ako ng tingin at muling nagfocus sa daan.
Nakapalibot sa akin ang anim habang hawak parin ako ni bryce,nakahinga lamang ako nang maluwag ng makarating na kami sa parking lot.
“A-ano....bryce,pwede koba kayong yayain sa bahay ngayon?”tanong ko.
Nakasakay na kami sa van at nagstart ng magdrive si andrei,“no we’re kind of busy but we can come tomorrow if you still want”sagot nya.
Nangunot ang noo ko,importante?bawal kaya akong sumama?
“no,you can’t come with us.”napasimangot ako dahil sa sinabi nya.
Magtatanong palang ako tumutol na agad sya,pero wala naman akong choice.May kanya-kanya kaming buhay at kung ayaw nila akong isama sa importanteng gagawin nila ay ayos lang.
“Okay lang,basta magingat kayo”sagot ko.
Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na kami sa bahay,hinintay muna nila akong makapasok sa bahay namin bago sila tuluyang umalis pero bago iyon ay binilin sa akin ni bryce na susunduin nila ako bukas.
“Oh apo,andito kana pala.How’s study?”
Tanong niya habang may hawak na kape.Umupo ako sa harap niya,“okay naman po”
Hindi ko pwedeng sabihin ang nangyari kanina sa amin ni yesha dahil ayokong mangunsumi sya sa amin ng kakambal ko.Nagpaalam ako sa kaniya bago umakyat sa kwarto ko,hindi naman nya ako pinigilan at sinabing magpahinga muna ako.
Pagkadating ko sa kwarto ko ay naabutan ko ang mga packages na nakapatong sa higaan ko,nagbihis muna ako bago ito ayusin.
“andaming damit,iisa lang naman ako”
Natatawang sabi ko habang inaayos ang mga damit sa lagayan ko.Oras na ang lumipas at hindi parin ako tapos,last box na ang inaayos ko at ito ay ang mga pictures na galing sa parents ni Bryce.
“angcute nilang lahat,para silang magkakapatid”bulong ko habang inaayos ang mga ito sa photo album.
Plano ko itong ilagay sa cabinet ko para hindi makita ni yesha at lola,epal pa naman masyado ang kambal kong mukhang tuko tsk.
Nangunot ang noo ko nang may makita akong isang picture ng pito kasama si emerald.......o ako?
Kinuha ko at bago kusutin ang mga mata ko,
“t-teka.....b-bakit parang kamukha ko sya dito?”takang tanong ko habang nakatingin sa isang litrato,lumapit ako sa salamin at pinagkumpara ang mukha namin.Mukha ngang magkamukha kami,baka naman nagkataon lang.Bumuntong hininga ako,mahirap umangkin ng hindi naman sayong pwesto....ayoko ring umasa na iisa kami dahil sya iisa lang at ako ay may kambal,pero bakit sa tuwing titingin ako sa salamin ay naalala ko ang mukha ni emerald sa akin?
BRYCE’S POV
Kasalukuyan kaming nandito sa mansion nila tita snow,at naghihintay na dumating sila.
Masa hospital pa daw sila at hinihintay ang DNA test results,“mamaya pa ata sila makakarating”nilingon ko si dawn na nakatitig sa kung saan.
Nakatambay kami dito sa garden,ang garden kung saan kami ni emerald nagkakilala.
Tiningnan ko ang paligid nito,walang parin pinagbago kahit taon na ang mga lumipas.
Naaalala ko parin kung paano sya nagpaalam sa akin,naaalala kung paano sya umiyak noong una naming pagkikita.Naaalala ko lahat dahil hindi ako handang bitawan ang nakaraan naming dalawa.
Kaya hanggang ngayon ay umaasa akong buhay sya,
We can continue our book emerald.....old pens are damage but i’m willing to take a risk just to get a new one.
“are you okay?”nilingon kobang may hawak sa balikat ko,si andrei.
“Yeah”buntong hininga kong sagot.
Ngumiti sya bago ako iwan sa pwesto ko,
yumuko ako at muling tinandaan ang nakaraan.“I promise bryce,hindi kita iiwan.We started this book together,and i’ll choose to continue this love story with you”
Ramdam ko ang pangungulila ko sa mga sandaling ito,hindi ko parin tanggap na iniwan nya ako.Alam kong hindi nya ako iniwan,umaasa ako na ikaw sya emerald.
And once i will find out that you are her,
I will continue the chapter of our Love story secretly.
YOU ARE READING
The Lost Heiress(On-going)
Teen FictionSi Yash ay isang ordinary girl na nagaaral sa Heiress High, isa syang tahimik na babae at may tapang ding tinatago. Pero magbabago ang tadhana nya nang makilala ang pitong lalaki na bigla nalang sumulpot sa kanyang buhay.