HEYA GUYYYS!!I MISSED YOU SO SO MUCH,SOBRANG HECTIC NG SCHEDS ANG SOBRANG BUSY DIN KASI☹️
ANDAMING HAPPENINGS AND SADLY, HINDI AKO MAKAPAGUPDATE. GRADUATING KAYA SOBRANG HECTIC TALAGAAA, SANA MAGUSTUHAN NYO ANG CHAPTER NA 'TO.PS:INIEDIT KO YUNG MGA CHAPTERS SIMULA CHAPTER 1, ANG LAME NG MGA CHAPTER NAYUN GUYS SINCE IT'S BEEN A YEAR NA RIN.
YASHEI'S POV
Ang weird ng mga tao ngayon..
Nandito ako ngayon sa kama ko,nakahiga at iniisip kung anong mas magandang gawin kesa sa matulog.
“Yayain ko kaya silang gumala?kaso busy sila”napasimangot ako.
Nitong mga nakaraang araw ay madalang na kaming magkitakita dahil lagi silang busy,pansin ko rin ang paghihigpit sa akin ni lola na siya namang ipinagtaka ko pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil baka naman nagiingat lang sya sakin.
Tumagilid ako nang higa at inopen agad ang phone ko na kanina kopa hawak,chineck ko kung may message sila kahit sila ngunit napasimangot ako dahil wala.
“Bakit ba sila busy?wala naman kaming homeworks ah”bulong ko.
Umayos ako nang higa at tinitigan ang kisame, ganito pala ang buhay kapag walang pitong asungot na nambubulabog sayo.
“Yash!please come downstares. Your friends are here, argh!please hurry up. My friend's are here!hindi kami makapagfocus, Yashei!”
Bumangon ako dahil sa lakas ng kalabog na ginagawa ng kakambal ko, agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang mukha nyang hindi mawari.Pigil tawa akong nagmadaling bumaba at bumungad sa akin ang pitong asungot kong kaibigan, lahat sila ay nakatingin at nakangiti sakin.
“Hiii, saan tayo pupunta?aalis ba tayo?anong oras na dalian na natin”nagsitawanan sila.
Napasimangot ako,pagkatapos nyokong ighost ng ilang days ganyan kayo.
“Calm down, ishei. We missed you, dimo ba namiss this handsome face?”turo nya sa mukha, umiling ako na siyang ikinatawa nila.
Sumimangot si Cloud kaya't nilapitan ko siya at niyakap, “just kidding! Of course i missed your handsome face, so tell me. Are we going to hang out?”tanong ko.
“Yup.We're going to tita Snow's house, they are waiting so.... Let's go?”si Bryce ang sumagot sa tanong ko, namiss ko ang boses nya. Syempre pati narin sya no!
Lumapit ako sa kanya para yakapin sya, “namiss kita”bulong ko sa kanya. Niyakap nya naman ako pabalik, mahigpit na yakap na ilang araw kong hinanap-hanap.
“ehem”napabitaw ako nang marinig si yesha, nakalimutan kong nasa bahay pa kami.
Inayos ko ang suot at tiningnan muna ang kabuuang sarili, short dress na black ang suot ko. Sleeveless sya pero hindi hapit sa akin, okay ready to go.
“Ah, yesha aalis muna kami. Pakisabi nalang kay lola”irap lang ang sagot nya sa akin, inaya ko na ang pito na sumunod sa akin papalabas ng bahay.
Excited na rin kasi akong makita ang mag-asawa, hindi ko alam pero parang napakalapit talaga ng loob nila sakin. Yung tipong gusto ko silang makita arawaraw, nangungulila sa presence nila ganun.
Sumakay kami sa van, si Dawn ang magddrive ngayon.
“Bakit hindi kayo nagpakita sakin nang ilang araw?huling kita ko sa inyo ay yung nagpunta tayo sa bahay nila Flint”tiningnan ko si Flint na tahimik lang sa gilid, “naging busy kasi kami e, babawi kami don't worry.”yun lang ang naging sagot sa akin ni andrei.
Tumango ako bago sumandal kay bryce, pagdating namin sa mansion nila tita snow ay agad akong bumaba at tumakbo papasok. Bumungad sa akin ang magarbo nilang living area, puno ng decorations at maraming pagkain.
‘May birthday ba ngayon?hala!wala akong gift!’
Tumalikod ako para sana puntahan ang pito kaso nandito na sila sa likod ko, “Huy.. bakit hindi nyo naman sinabi na may birthday ngayon, wala akong panggift”nakasimangot na sabi ko.
Nagtawanan sila,“walang may birthday yash, normal na lunch lang to”sagot ni zilester sakin.
Hindi ako naniwala, chineck ko ang date at.... November 24
Ngayon ang birthday ni emerald?!
Nagpanic ako,dapat bisitahin namin ang grave nya!
“Hindi ba natin bibisitahin ang grave nya, bryce?”ngumiti sya ngunit bakas ang lungkot sa ngiti nyang iyon.
“No need to visit her grave, let's celebrate here.”sagot nya bago hawakan ang kamay ko at hatakin papunta sa living area, nakita ko naman ang magasawa doon at agad nila akong sinalubong ng yakap nang mapansin nila akong nakatayo doon.
“Yashei!i'm glad you're here, we missed you”niyakap nila ako nang mahigpit, kahit na nahihirapan akong huminga ay hindi ko parin mapigilang hindi mapangiti. Nararamdaman ko sa kanila ang pagkukulang, ang pangungulila, at pagmamahal ng magulang na hindi ko naranasan.
Niyaya nila akong umupo muna at magkwentuhan saglit bago kumain,
Napansin kong nakatingin lang sa akin ang pito na para bang may hinanakit sa buhay.Anong problema nila?
BRYCE'S POV
We stared at her, she's happy and worried at the same time. We can't tell her the truth, this is not the right time. The birthday's theme was color emerald, this color really suits her.
Last na nagcelebrate kami was 7 years ago, bago sya mawala. Bago nya kami makalimutan.
I sighed, gusto ko mang ibigay sa kanya ang mga gifts and letters na ginawa ko noong past birthdays nya pero hindi ko magawa. Wala syang alam sa totoong pagkatao nya, kung alam nya lang sana. Kung nakita lang namin sya nang mas maaga. Edi sana okay na ang lahat.
Today's your birthday, my emerald.
Sadly, you're clueless.
YOU ARE READING
The Lost Heiress(On-going)
Novela JuvenilSi Yash ay isang ordinary girl na nagaaral sa Heiress High, isa syang tahimik na babae at may tapang ding tinatago. Pero magbabago ang tadhana nya nang makilala ang pitong lalaki na bigla nalang sumulpot sa kanyang buhay.