AN:Sorry natagalan medyo,wala kaming net kaya di ako makapagupdate:<
YASHEI’S POV
Umaga nanaman,ambilis talaga ng panahon.
Agad akong bumangon at ginawa ang morning routine ko,pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba para saluhan si lola at yesha na prenteng nakaupo sa dining area habang nagaalmusal.
“Goodmorning la,yesha”bati ko sa kanila.
Tinanguan lamang ako ni yesha,“Goodmorning rin apo”nakangiting sagot naman ni lola.
Ngumiti ako bago umupo at magsimulang magsandok ng pagkain,kumuha ako ng ilang pirasong hotdog,itlog,at naglagay ako ng saktong kanin.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagpaalam para magabang sa gate namin,
nagulat ako at agad na napaatras ng mapagtantong nasa labas na ng bahay ang pito.Nangunot ang kilay ko at taka silang tiningnan,nakangiti silang lahat na parang timang.Panis siguro nakain ng mga to.
“Bakit?”takang tanong ko sa kanila.
Agad silang sumalubong sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap,“namiss ka namin yash”yan lang ang sinagot ni dawn kaya naman napailing ako habang natatawa.
“kung sinama nyoko kahapon edi sana hindi nyoko namiss”sagot ko.
Kamot batok naman sila habang nakatingin sa malayo,“gusto nyo bang malate or what?”tanong ko sa kanila.
Dali-dali naman silang sumakay sa van,pinauna naman ako ni bryce na....... Nakangiti parin sakin.
“nakakain ba kayo ng panis kaya panay ngiti kayo ngayon?”tanong ko habang inaayos ang bag ko.
Tinaasan ko sya ng kilay dahil mukhang lumilipad ang isip nya,nagtravel siguro saglit.
“Huy!”pinitik ko ang noo nya na syang ikinagulat nya,“Why did you do that?”
Tanong niya.“Wala ka sa sarili bryce,ano bang meron at parang goodmood kayong lahat?”
Tanong ko.Nilingon ko ang iba ngunit kanya kanya sila ng iwas ng tingin at kunyari pang busy.“So wala kayong balak sabihin?edi wag”
I rolled my eyes.Pinaandar na ni andrei ang van kaya nagconcentrate ako sa panunuod ng mga sasakyan tutal wala namang balak magsalita ang mga kasama ko.“By the way,busy kaba mamaya yash?tita and tito wants to meet you,dinner date”
Sabi ni dawn.Nagliwanag naman agad ang mga mata ko,“t-talaga???isasama nyoko ngayon sa kanila?”excited na tanong ko.Nagtanguan naman sila.“Of course,we felt guilty kasi hindi ka namin sinama yesterday so gusto namin bumawi.”
Sagot naman ni bryce.Buti naman at naisipan nilang bumawi.
“Okay,magpapaalam ako kay lola mamaya pag-uwi”sagot ko.
YOU ARE READING
The Lost Heiress(On-going)
JugendliteraturSi Yash ay isang ordinary girl na nagaaral sa Heiress High, isa syang tahimik na babae at may tapang ding tinatago. Pero magbabago ang tadhana nya nang makilala ang pitong lalaki na bigla nalang sumulpot sa kanyang buhay.