Chapter 6

443 19 2
                                    

A/n:kung nacoconfuse kayo kung bat tinawag syang poorita ng mga students,it is because hindi nila alam na may kaya po si Yash.Ang pagkakalam nila is katulong si Yash sa house nila which is ginawa-gawa ni Yesha para siraan ang kambal nya.

Yash POV

"Sasama ka samin ulit Yash"seryosong sabi ni bryce.Hinawakan nya ang kamay ko,anglambot ng kamay nya...

Tinitigan ko iyon dahil hindi nya tinatanggal ang kamay nya,hindi ko alam pero komportable ako sa kanya at parang ayaw din ng kamay kong bumitaw sa kamay nya.

"S-san tayo pupunta?"tanong ko.

Nilingon ko ang anim na nasa likod namin at nakasunod din samin,at pare-pareho sila ng ekspresyon.Nanunukso.

Sinamaan ko sila ng tingin bago ibalik ang tingin ko sa hallway, medyo mahaba ang hallway dito maraming rooms,may sariling room din ang mga members na nagbibigay ng shares dito sa Heiress High.Dun sila nagm-meeting, may ilang members akong nakita pero diko pa nakikita ang may-ari ng Heiress High.

"Pupunta tayo sa house nyo."sagot nya.A-ano?!timang ba 'to?!

Mabilis kong binawi ang kamay ko at sinuntok ang braso nya,agad nya naman ininda iyon."timang kaba?andon ang lola ko,baka mamaya isipin nyang ano"yash, anong ano?

"Ano?"sabay-sabay nilang tanong.

"A-ano,wala.Basta bawal kayo sa bahay namin."singhal ko bago naunang maglakad.

Mamaya mapagalitan ako ni lola, sabihin nagcutting nanaman ako tapos magdadala pako ng pitong lalaki sa bahay.Nako rip tenga!

"Don't worry, we just want to meet your lola.Hindi kami gagawa ng kabalbalan."Sabi ni flint.

Nang makarating kami sa gate ay andami nanamang mga tsismosa ang nakatingin samin, as if naman may makukuha kayo pag tsinismis nyoko!

Pero isang babae ang nakaagaw ng pansin ko,si yesha na masama ang tingin sakin.Di ako takot sa tingin nayan babalu!!

Inirapan ko sya at tinuloy ang paglalakad, hanggang sa makarating kami sa parking lot.Hindi naman nila alam address ng bahay ko HAHA!

Sumakay ako at ganun din sila,hindi kona pinansin ang umupo sa tabi ko.Sa back seat kase ako nakaupo,pangtatluhan naman to kaya ok lang.

Dumutdot ako sa may gilid ng van,para naman maenjoy ko ang free ride diba?!

Nang makasakay na ang lahat,
pinaandar na ni andrei ang makina.

Sya naman driver ngayon,magpaturo kaya ako?para maging driver din nila ako.great idea yash!

Nakangiti kong nilingon ang katabi ko para sana sabihing gusto kong magpaturo pero nagulat ako nang saktong paglingon ko.....


Y-yung first kiss ko...

NAKUHA NYA!!!!!!

Agad na nagsipulan ang mga mokong kanya-kanya ang naging reaksyon nila pero isa lang ang naging reaksyon ko.
NAKAKAHIYA!!!!!!

Agad akong lumayo sa kanya at agad na binaling ang tingin ko sa bintana,wala na yung first kiss ko...nakuha ni bryce, ano nalang ang sasabihin sakin ni lola?hindi ko boyfriend ang nakakuha ng first kiss kooo!!

Naiiyak ako,sabi ni lola mahalaga ang first kiss.Kasi kung sino daw ang unang kiss mo,sya na rin ang huli.In short!sya makakatuluyan mo!!

"Ang aga-aga nyo magmilagro!"

"Sarap naman nun,kiss monga rin ako Akihiro"

"Shut up dude,gusto mo bang makipaghalikan sa kamao ko?!"

"Uyy si Ishei,type mo ba si boss?"

Hindi ako makatingin sa kanila nahihiya ako,patuloy parin sila sa panunukso.Natigil lang iyon nang biglang sumigaw si bryce.

"Shut up morons!"ani nya.
Nagsitahimikan naman sila,pero nagulat ako ng tingnan ako ni cloud na may panunukso.At nginunguso nya ang katabi ko,unti-unti akong lumingon at halos mabulunan ako sa sarili kong laway nang makita kong NAMUMULA ANG TENGA NI BRYCE!!

Bakit namula?kanina hindi naman,anong nangyari.Baka allergic syang mahalikan, pero hindi ko naman alam na mangyayari yon.
Nakakahiya!nahalikan ko sya!lolabells ko dipo sadya yon!!

Binalik ko ang tingin ko sa labas, nakakahiya yon.Hindi kopa sya masyadong kilala,stranger parin sila at ang mas nakakahiya ay nahalikan ko sya!

Nagtuloy-tuloy ang byahe namin,sobrang tahimik na hindi makakabasag ng baso. Nakakabingi ang katahimikan!

San kaya kami pupunta?

Nagulat ako ng lumiko ang van,
a-anong...pano nila nalaman ang address ng bahay namin?!wag kang magoverthink yash,baka naman may kasama kaming nakatira rin dito.Oo tamatama!!baka mer--

"Teka?b-bat kayo huminto?"tanong ko.

Andito na kami sa tapat ng bahay namin, paanong nalaman nila ang address ng bahay e hindi ko naman sinabi sa kanila?

"This is your house,right?"tanong ni bryce nang hindi lumilingon sakin.
Pfft!!!

Nag nod ako.

"Anong gagawin nyo sa bahay?baka mamaya mapagalitan ako ni lola, mapapanagutan nyo ba ako?"taas kilay kong tanong.

Nagulat ako nang tingnan nila ako ng may pagtataka,anong mali sa sinabi ko?

"Sinong nakabuntis sayo?"
seryosong tanong ni bryce.eh?anong nakabuntis?

"H-ha?"yan lang ang nasabi ko.

Nagtinginan sila isa-isa at kanya kanyang ilingan,tumingin sa kanila si bryce na parang naiinis at napipikon sa kanila.

"I'm asking you,Yashei.Sinong nakabuntis sayo?sino sa anim na to?"baliw ba sya?

Inalala ko ang sinabi ko at napagtanto kong na misinterpret nila ang word na 'pananagutan'

Tumawa ako nang malakas,mga bobo ata to.Siguro pangkalyeng salita ang nagamit ko kaya hindi nila alam,"what i mean is pag ako ba pinagalitan sasaluhin nyo yung galit?ha?"natatawang sabi ko.

They felt relieved,mga bwisit HAHAHAHAHA angcutecute nilang lahat!

"Trust boss,ishei.Hindi ka papagalitan ng lola mo"sagot ni cloud.

"Siguraduhin nyo lang,dahil pag ako piningot ng lola ko.
Sisiguraduhin kong basag yang mga itlog nyo!"pagbabanta ko.

Nagcrossleg sila at tinakpan ang ibaba nila,
ayan matuto kayong matakot!

"Amazona."bulong ni flint.

Sinamaan ko sya nang tingin,"narinig ko yon!"

The Lost Heiress(On-going)Where stories live. Discover now