An:mej busy ate nyo cheonsa di nakapagupdate kahapon🤡
Yash POV
Observe?
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni tita,
nandito na ako ngayon sa guest room at kasalukuyang nakatitig sa kisame.Ibig bang sabihin ni tita dapat naming bantayan mga kilos nya?eh sino naman yung pangit nayon para obserbahan pa?well......sya pala yung nagaakusa na sya si emerald.Hays.
Napasapo ako sa noo ko,alas dose na nang gabi pero hindi parin ako makatulog.
Tulog na kaya yung mga hudas?Bumangon ako at kinuha ang tsinelas ko bago lumabas papunta sa kwarto kung saan matutulog yung pito,nakarating ako sa tapat ng kwarto nila at bahagya kong dinikit ang tenga ko sa pinto para pakinggan kung gising pa sila o hindi.
Wala naman akong naririnig!
Kumatok ako.Mayamaya pa ay bumukas ito at bumungad sa akin ang walang damit na si bryce,agad kong iniwas ang tingin ko sa katawan nya.mygoshhh!
Feeling ko nangangamatis ang mukha ko ngayon,"bakit gising kapa?"tanong nya.
Yumuko ako at kinalikot ang kuko ko,"h-hindi kasi ako makatulog......akala ko gising pa kayo kaya k-kumatok ako"
Nahihiyang sagot ko.Nagulat ako nang hilain nya ang kamay ko at pinapasok ako sa kwarto nila,inangat ko ang ulo ko at laking gulat ko ng makita silang walang mga damit.Ay jusme!diko alam na nagtatrabaho sila sa adonis pag gabi!
Agad kong tinakpan ang mata ko,narinig ko naman ang tawa nila walang nakakatawa!
"M-magsuot kayo ng damit"utos ko.Hindi ko alam kung sinunod nila ako o ano.Sana sumunod sila para madilat kona mata ko.
"Done na,pwede mo nang tanggalin kamay mo."si cloud.Tinanggal ko ang kamay ko sa mata ko at kinusot ito.
Tiningnan ko sila at may mga pantaas na ng sila."Good dogs!!"nakathumbs up na sabi ko,
"Ginawa mo naman kaming aso!"
"Angsama mo ishei!"
"Grabe ka naman Yash!"
"Tsk."
"Nagsalita yung mukhang bulldog"
"Hehehe manahimik kana dawn,mamaya katayin ka nyan."
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni dawn kaya naman agad akong tumalon sa kama at sinugod sya.
"Anong sabi mo dawn!"sigaw ko bago sya pagsasabunutan.Todo naman sya tawa na akala mo nakikipagbiruan lang ako.
"WAHAHAHAHA!si dawn talo sa babae"
"Wala weak to!hindi natin to kaibigan"
Pang-aasar sa kanya,"aray!aray!s-sorry na!aray!yash masakit!"binitawan ko ang buhok nya at tiningnan sya ng masama.
"Sa ganda kong to bulldog talaga?!"
Singhal ko.Mahina naman sila tumawa pero na kay dawn parin ang tingin ko,"Biro lang naman yun eh,hindi ka mukhang bulldog.Chihuahua ka!"
Sagot nya.Akmang sasabunutan ko ulit sya ngunit may pumagitna na sa amin at hila hila na ako sa kwelyo ni bryce.Tsk.Umirap ako."movie marathon tayo"
Sabi ko.Tumingin naman sila sa akin,tinapik ko ang kamay ni bryce na nasa kwelyo ko parin."Gusto kong magmovie marathon"
Nagpuppy eyes ako at nagpout,pinagdikit ko ang dalawa kong palad.Ayan pinatunayan ko na mukha talaga akong chihuahua.
YOU ARE READING
The Lost Heiress(On-going)
Novela JuvenilSi Yash ay isang ordinary girl na nagaaral sa Heiress High, isa syang tahimik na babae at may tapang ding tinatago. Pero magbabago ang tadhana nya nang makilala ang pitong lalaki na bigla nalang sumulpot sa kanyang buhay.