"Yash!" Inis kong tiningnan si Bryce.
"Ano?!" Pasigaw kong sagot.Bumuntong hininga sya,"kanina pa kita tinatawag,are you okay?are you still feeling anxious?"
Tanong nya.Umiling ako at nagpaunang tumakbo papunta sa mga kasama naming nauna ng maglakad,nalilito ako...andaming tanong na bumabagabag sa akin.
"Oh yash,halika dito" nilingon ko si dawn bago pumunta sa pwesto nya at kumapit sa braso nya.
"Yash,wag mong sabihing crush moko?"
Kinurot kosya sa tagiliran na syang nagpaaray sa kanya.Buti nga sayo!"Ang kapal ng mukha mo,mas pipiliin kong magkagusto sa aso wag lang sa mukhang tarsier" pataray kong sagot sa kanya ngunit hindi ako bumitaw sa braso nya.Mas malaki ang katawan ni dawn kesa sa iba kaya sa kanya ako lumapit,just in case na hablutin ako ay may makakaharang agad sa mandurukot.
Katabi ko naman si Flint at nasa likuran ko sina Aki at Zilester,nasa harapan ko naman sina Andrei at Cloud. Para akong nasa gitna nila at pinoprotektahan.Ganito siguro ang feeling ng may kapatid na lalaki.
Nakarating na kami sa pool area,sumunod ako sa kung nasaan sila."Yash!talon!"
Sinunod ko naman ang sinabi ni zilester.Umatras ako ng kaunti at bumwelo sa pagtalon,"kalma!tatalon na!"sagot ko bago tumalon.
Ramdam ko ang lakas nang pagtilamsik ng tubig sa aking balat,napakasarap nito sa pakiramdam lalo na't napakainit rito.
Umahon ako sa pagkakasisid at pinunasan ang aking mukha,"putek ang lamig"
Lumapit ako kay bryce at nakipagsabuyan ng tubig,masaya kaming naglaro ngunit hindi parin matanggal sa akin ang pagkabalisa at pagaalala na baka nandito sila at magmamanman.
BRYCE POV
Masaya ang expression nya.Tinitigan kong mabuti si yash habang masayang nakikipagunahang lumangoy sa anim.
Umupo ako sa gilid ang pinagmasdan sila,
I know that something is not right.When i kiss her forehead,hindi sya kumibo at nakatitig lang sa akin.Para bang may naalala sya bigla and yun ang kailangan kong malaman.
"Tita,something is wrong with yash."
Direkta kong sabi kay tita snow na katabi ni tito.Nilingon nya ako nang may pagtataka,"huh?what is it?"sagot nya.
Binalik ko ang tingin kay yash.
"I don't know.But i can feel it,maybe we need to talk to a pyschiatrist"suhestyon ko.Why am i so concern?wala lang buwan simula nang makilala ko ang babaeng ito.
Naalala kopa nung una ko syang makitang mabilis na naglalakad sa daan,
FLASHBACK
"Dre!look at that girl,she looks like emerald."
Nilingon ko ang babaeng tinutukoy nya.Mabilis itong naglalakad na para bang wala sya sa gilid ng kalsada.What a dork?
"Are you out of your mind?matagal sa siyang patay,imposibleng makita nalang natin sya bastabasta dito sa daan." Sagot ni aki.
"Akihiro,emerald is my cousin.Sabay kaming nagkaisip noon kaya kilalang kilala ko sya"
Nilingon kong muli ang babae."So what now?"tanong ko.
Tiningnan ko si flint mula sa rear view mirror,"stop the van"utos niya.
I sighed.Hininto ko ang van,at lumabas na sina dawn at zilester para kausapin ang babae.
Tinitigan ko ang babae mula sa bintana ng van,tinitigan kong mabuti ang babae.
How?paanong nangyari na buhay ka emerald?
END OF FLASHBACK
Noong una ko syang nakita.Noong una kong natitigan ang mukha nya.I know na she's the lost heiress of Lexington.
Her birthmark at the back of her left ear,
her gray eyes,and her six moles on the face.She look exactly like Emerald Felicity.Pero nung narinig ko ang kwento nya,at may kakambal sya.I doubt at my thoughts.
Pero malaki parin ang hopes ko,namin.
Na sya ang nga si emerald.YASH POV
Nakabalik na kami sa resort nagaayos na kami ng gamit dahil uuwi na kami.
"Yash!" Rinig kong tawag sa akin ni dawn kaya naman lumapit ako sa pinto para buksan ito.
"Hmmm?" Tinaas ko ang dalawang kilay ko.Ngumiti naman sya."we need to go"
Tumango ako bago kunin ang bag ko.It's already 3:00 pm.Pagkatapos naming magswimming kanina ay kumain kami saglit para daw hindi kami magutom sa byahe although may mga snacks sa van at pwede kaming huminto sa mga fastfood.
Tumakbo ako papalapit kay bryce na nasa hulihan,kumapit ako sa braso nya kaya naman nabigla sya at bahagyang napaatras.
Ngumiti ako sa kanya,"bryce,diba bestie tayo?"tanong ko.Tinaasan naman nya ako ng kilay.
Suplado!kung dilang ako mangungutang di kita papansininヽ('д´;)/
"Manghihiram kase ako sayo,pwede ba?"
Diretsang tanong ko bago magpuppy eyes.
Sana gumana."How much?" Sagot nya.
Nilingon ko ang mga kasama naming nauna na sa van,huminto ako saglit bago harapin si bryce.
"A-ano kase diko a-alam kung magkano yung mga make up eh" yumuko ako.
"For what?sinong papagandahan mo?"
Tanong nya.Porkey bibili ng make up,magpapaganda agad?
"Para kay yesha yun,sige na oh.Samahan mo narin ako" pagpapakyut ko.
Tiningnan ko sya at ngumiti ng malapad,
nagkamot batok pa sya bago tumango."Yes!" Bulong ko bago tumalikod.
Nagulat ako nang bigla nya akong hawakan sa braso kaya naman agad ko syang nilingon,"hm?"takang tanong ko.
Umiwas sya ng tingin bago ako bitawan,
"May kapalit yun"Napanganga ako."anong kapalit?"
"Date me."
An:short update couze i'm busy mga beh,hahabaan ko next ud.Promise!
YOU ARE READING
The Lost Heiress(On-going)
Teen FictionSi Yash ay isang ordinary girl na nagaaral sa Heiress High, isa syang tahimik na babae at may tapang ding tinatago. Pero magbabago ang tadhana nya nang makilala ang pitong lalaki na bigla nalang sumulpot sa kanyang buhay.