YASHEI’S POV
“Yash.....we’re here”naramdaman ko ang malambot na palad ni bryce sa mukha ko,agad naman akong bumangon para kusutin ang mata ko at tingnan ang labas.
Andito nanga kami at pagabi na,mukhang natagalan kami masyado dahil sa traffic.Buti nalang at nakatulog ako kaya hindi ako nabagot.“Let’s go”hinawakan ni bryce ang braso ko kaya’t napatingin ako dito,weird talaga nitong lalaking to.Minsan parang nandidiri sakin,minsan ang bait.
Hinayaan ko syang hatakin ako at nagpaubaya nalang,pagkababa namin ay hawak hawak nya parin ako sa braso.
“It’s already 6:00pm,i’ll call your lola to tell her we will stay at aunt’s mansion”
Tumango ako.Dumiretso ako ng lakad papunta sa garden,
May mga ilaw na maliliit sa gilid at may malaking picnic rug.“Wala ba sila tita?”
Tanong ko habang tinitingnan ang paligid.Napakaganda pala dito kapag gabi,at kitang kita pa ang malaking buwan.“the moon is shining right now,it’s shining for you.”
Pumikit ako para damhin ang simoy ng hangin.Hindi gaanong malamig,sakto lang.“Wala daw sila tita dito,but we can stay.
Your lola replied okay,yash.”
Nilingon ko si zilester.“Thankyou”sagot ko.Ngumiti naman sya.
Lumapit sila sa pwesto ko,nakaupo ako rito damuhan dahil hindi ako komportable sa picnig rug.Naisipan kong humiga at pagmasdan ang buwan,naramdaman ko naman ang paggaya sakin ng iba.Tumabi sa akin si Bryce at si cloud naman sa kabila,
humiga naman ang iba at para kaming nakahilera dito.Nilagay ko ang dalawa kong braso sa likod ng ulo para gawing unan,‘Mas gusto ko yung ganito,kapag sila ang kasama ko tahimik.Kapag nasa bahay ako,napakaingay’
“Nakakainis si yesha.....parang anlayo ng loob nya sakin”panimula ko.Alam kong nakikinig sila sa akin kahit hindi sila nagsasalita,nakatingin parin ako sa buwan.
“Alam nyo ba,minsan iniisip kong hindi kami magkakambal.Kahit magkapatid,hindi ko kasi ramdam eh”
Malungkot kong pagpapatuloy.“Noong mga bata kami,pagkatapos kaming makita ng lola sa hospital at iniuwi kami......Hindi ako pinapansin ni yesha.Ang sabi nya sa akin ay layuan ko sya”maganda siguro tong sabihin ko sa kanila ang dinadamdam ko,para gumaan ang pakiramdam ko bago dumating ang birthday ko.
“Nung time na elementary kami,hindi nya ako pinakilala sa mga friends nya na kambal nya.Ang sabi nya,yaya nya daw ako.Kaya nabubully ako,ang sabi pa nila si annabelle daw ako kasi gray ang color ng mata ko”natawa ako.Naalala kopa kung paano ako kutyain ng mga bata noon dahil kakaiba ang kulay ng mata ko.
“Malungkot din ang highschool life ko,
gladly.......dumating kayo.Iniisip ko nga,
paano kung nabubuhay si Emerald?paano kung hindi nyoko nakita sa daan that day?edi forever nakong lonely”
Naramdaman kong may tumulong mainit na butil ng luha na galing sa mata ko,ayokong maging emotional pero hindi ko mapigilan.Comfortable naman ako sa kanila kaya alam kong naiintindihan nila yung story ko,medyo masakit kapag iniisip ko yung mga what if’s sa isip ko.Feel ko sasabog ang utak ko kakaisip.
YOU ARE READING
The Lost Heiress(On-going)
Teen FictionSi Yash ay isang ordinary girl na nagaaral sa Heiress High, isa syang tahimik na babae at may tapang ding tinatago. Pero magbabago ang tadhana nya nang makilala ang pitong lalaki na bigla nalang sumulpot sa kanyang buhay.