Yash POV
Maaga akong gumising para makapaghanda na,gaya parin ng dati ay sinusundo ako ng pito,sa ilang araw na nagdaan.Napansin kong wala ang lola,kaya naman bumaba ako agad at hinanap si yesha.
Nakita ko syang kumakain ng agahan,
"yesha nasan si lola?"tanong ko.Wala akong balak magalmusal kasabay ng bruhang to,"i don't know,maybe umalis. I haven't seen her lately"sagot nya kaya tumango bago kuhanin ang kape ko at kumain ng bread.
Habang kumakain ako,hindi ko maiwasang hindi alalahanin ang mukha ni bryce na puno ng luha at namamaga.He really love that girl..
"Oo nga pala.Yash,i have question"
Nilingon ko si yesha na kasalukuyang kumakain,tumaas ang isang kilay ko."What is it?"tanong ko.
Nilunok nya ang nginunguya bago lumagok ng tubig,"Bakit pinaiyak ng mga kasama mo si elaijah?"tanong nya.Kaibigan nya si elaijah.
"She's claiming kase na sya ang lost daughter ng mga Lexington."sagot ko.
Matagal na syang nag-aaral doon kaya for sure alam nya ang story about sa namatay na anak nang mga lexington.Hindi sya sumagot kaya tiningnan ko sya,pansin kong balisa sya at parang hindi mapakali.Anyare?
"Problema mo?"kunot noong tanong ko.
Agad syang tumayo at nanginginig na umiling-iling,"w-wala....sige una nako!"
Pilit ngiting sagot nya bago kunin ang bag nya at nagmamadaling umalis.Nagkibit balikat na lang ako,baliw na ata sya kakasama kay elaijah.
"Yash!"
"Ay gago!"nagulat ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko,inis kong nilingon ang pinto at nakita ko ang pitong kupal na nakatayo.Tumatawa sila habang papalapit sa akin.
"Anong sadya nyo?"mataray na tanong ko.
Umalis na nga yung isa,pinalitan naman ng pito hahays!"Yung pagkain siguro."sarkastikong sagot ni dawn kaya agad ko syang pinanlisikan ng mata.Tumawa naman sya bago magpeace sign.
"We just want to tell you na pagkatapos ng class,didiretso tayo sa bahay ni tita."
Nabulunan ako sa sinabi ni bryce.Nataranta naman sila kaya agad akong sumenyas ng tubig,inabutan naman ako agad ni bryce.Dali-dali akong uminom hanggang sa mawala ang nakabara sa lalamunan ko.Letse!
"Hinay hinay kalang kase,dika naman namin aagawan eh"pang-aasar ni zilester.
"Easy masyado kang hard."gatong naman ni dawn.
Sinamaan ko sila ng tingin kaya agad silang tumahimik.
"Alam na ni tita?"tanong ko.Nagtinginan naman sila at sabay-sabay na tumango.
"So.....anong balak nyo dun kay elaijah?"
Tanong ko."Mamaya natin malalaman,for now let's eat."teka!anong eat?
Bago pa sila kumuha nang pagkain,agad kong dinampot ang suot kong sapatos at inamba sa kanila,"anong kain?mukha bang restaurant ang bahay namin ha?"
Tanong ko.Nagkamot batok sila.
"E yash,hindi pa kami kumakain."nakangusong sagot ni cloud.
Mataray kosyang tiningnan,"anong pake ko kung hindi pa kayo kumakain?kasalanan koba ha?"singhal ko.
Tiningnan ko si dawn na may kung anong hinahanap sa bag nya,nilabas nya ang phone nya at nagulat ako sa pinakita nya sa akin.
WAAAAALAAAAAAYAAAAAAA!!!!!!
YOU ARE READING
The Lost Heiress(On-going)
Teen FictionSi Yash ay isang ordinary girl na nagaaral sa Heiress High, isa syang tahimik na babae at may tapang ding tinatago. Pero magbabago ang tadhana nya nang makilala ang pitong lalaki na bigla nalang sumulpot sa kanyang buhay.