Chapter 27

247 11 0
                                    

Yash POV

Nagising ako dahil sa malamig na tubig na dumampi sa mukha ko,dinilat ko ang mata ko at tiningnan ang paligid.Madilim at masukal....nasaan ako?

Pilit kong inalala ang mga nangyari,"bwisit na lalaki yun,diko lang pinagbigyang maglakad.tsk."bulong ko.

Tatayo na sana ako ngunit hindi ko maigalaw ang braso at binti ko,shit!nakatali ako!

"Tulong!!!!tulong!!!"sigaw ko.Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinuha ng lalaking diko naman kilala.Wala naman akong atraso sa kanya ah?!

"Manahimik ka!"nagtaasan ang balahibo ko dahil sa narinig kong boses na nagmula sa likuran ko.Sya siguro yung nagbuhos ng tubig sakin.

"E pano kung ayaw ko?"matapang na sagot ko.Hindi ko man kita ang itsura nya,
pero alam kong naiinis na sya.

"Gusto mo bang busalan ko yang bunganga mo,ha?!"sagot nya.

"Ikaw kaya ang busalan ko!kahit nasa likod kita amoy ko parin yang baho ng bunganga mo!next time wag mong kalimutang magtoothbrush ha?"
Napakuyom ang kamao ko ng bigla nyang hilain ang buhok ko.

Tangina ampangit pala nya!

"Ilayo mo yang mukha mo sa akin,masyado kang pangit."
Bulong ko.

Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak nya sa buhok ko,hindi panga magaling anit ko dahil kay elaijah eh bwisit.

"Manahimik ka nalang kung ayaw mong masaktan!!"sigaw nya sa mismong mukha ko.

"Magmumog kanga ng alcohol!baka sakaling mawala yung bacteria sa bunganga mo!"sigaw ko rin.

Akala nya ata madali akong magpatalo,tsk.

"Putang---umamba sya ng suntok kaya naman tiningnan ko sya ng masama.
Hintayin mong makawala ako ditong pangit ka.

"Ano bang kailangan mo sa akin ha!"
Tanong ko.Binitawan nya ang buhok ko kaya naman medyo nakahinga ako ng maluwag.ambaho talaga ng hininga nya!hindi ko matiis amuyin!

Pumunta sya sa harapan ko,"kailangan ng boss ko ang kumpanya nyo"diretsang sagot nya.

Ano daw?anong kumpanya?wala naman kaming ganun ah.

"Hoy!kuyang pangit.Wala kaming kumpanya!sa pagkakaalam ko business lang ang meron kami!gusto mong malaman kung anong klaseng business?ha?ang tawag don,mind your own business!bwisit!"singhal ko.

Sinamaan nya ako ng tingin,"wag mokong inuuto,alam kong mayaman ang pamilya nyo."Natatawang sagot nya.
Akala nya ata nagbibiro ako.

"At paano mo naman nalaman yon ha!e ako nga diko alam tas ikaw alam mo"
Sagot ko.

Inambaan nya ako ng suntok,"tumahimik ka!"nakaramdam ako bigla ng takot.

Hindi ko naman inexpect na ganito ang mangyayari,edi sana di nako umalis sa tabi ng mga lokong yun.

Naramdaman ko ang pag-init ng mata ko,
hindi ko manlang namalayang umiiyak nako.

"Tulungan nyoko"bulong ko.

Yumuko ako at pilit hinihinaan ang hikbing kumakawala sa bibig ko,hindi ko naba makikita ang kakambal ko at ang lola?

"Sumama lang naman sana ako dito para makapagsaya"bulong ko.

Pilit akong tumahan at mas pinatatag ang loob,inaangat ko ang aking ulo at tiningnan ang paligid.Madilim parin.

Kunot noo akong tumingin sa bandang harap nang bigla itong bumukas at iniluwa ang lalaking nakaharap ko kanina.

Tsk.

Lumapit sya sa akin at pumunta sa likuran ko,"oy oy oy!anong gagawin mo?!"tanong ko at pilit kumakawala.

Natigil ako nang bigla nyang hampasin ang kamay ko,ouch!

"Wag kang malikot!papakawalan na kita!"nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi nya.

"Talaga?"tanong ko at palihim na ngumiti.

Kinalagan nya ako at pinatayo."oo kase wala akong mahihita sayo,mali ata ang nakuha kong babae.Ang sabi sa akin,
mayaman at maganda.Mukha ka namang mayaman,hindi nga lang maganda."

Abat!!!!

Sinuntok ko sya at dali-daling lumabas,"bwisit yun.sinayang na nga oras ko,sinayang pa luha ko."bulong ko habang hinahanap ang daan pabalik sa pool area.

'Baka nagaalala na sila sakin,sana di na nila ako hanapin.'




A/N:Hii mga bebe,sorry sa slow and short update ngayon.Marami pakong ginagawa pero sana subaybayan nyo parin ang story nato!don't forget to vote,lovelots🥰

The Lost Heiress(On-going)Where stories live. Discover now