"Oh!Andito na pala ang mga alaga ko."
Bati ni tita snow sa amin,lumapit kami sa kanya at binati sya bago yumakap sa kanya.Ang sabi sa akin ng pito,baka dito na kami matulog kaya nagpaalam ako kay Yesha at kay ate rosing na may group project kaming tatapusin,pumayag naman sila kaya nagdala ako nang pangtulog na damit.
Wala parin kase ang lola,busy ata maghanap ng lovelife!!!"Hi po tita"bati ni bryce na nasa pinto.Nahuli sya dahil sya ang nagparada ng van.Lumapit sa kanya si tita at inakbayan sya,"hi nak"bati naman ni tita.
Napagpasyahan muna nila na kumain muna bago pag-usapan ang dapat na pag-usapan.Bago kami pumunta sa dining area,iniwan ko muna ang dala ko sa guest room na tutulugan ko,ang sabi ni tita sa akin ay mag-isa ako doon dahil puro lalaki ang mga kasama ko kaya bawal magtabitabi.
Lumabas na ako sa kwarto na tutulugan ko at sinilip ang kabilang kwarto na nakaawang,dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob at binuksan iyon konti para mailusot ko ang ulo ko.
Nang matantsa kona,inilusot ko ang ulo ko para makita kung sinong nasa loob.Akmang sisilip nako nang bigla itong bumukas ng malako dahilan para mahulog ako sa sahig.
Nagulat silang pito dahil sa nangyari,hindi ako makatayo dahil sa sakit ng mukha ko.
Letse!sana pala binuksan kona ng malaki!sila lang pala ang tao,akala ko kung sino na!"Aray"bulong ko.Pilit kong tinatayo ang sarili ko ngunit nanlalambot ang hita ko kaya napapaluhod ako,tiningnan ko naman ang pito na wala paring ginagawa nakita nang nahihirapan ako!mga ugok talaga,di manlang maging gentleman minsan!
Tinaasan ko sila ng kilay kaya dalidali silang lumapit sa akin at iniupo ako sa edge ng bed,"sinong nagbukas ng pinto?!"
Gigil na tanong ko.Sinamaan ko sila ng tingin at pinatunog ang mga daliri ko,humanda ka sakin kung sino ka man."Ano ba kaseng ginagawa mo sa pinto?pwede ka namang pumasok,maninilip kapa"nakangising sabi ni bryce kaya inambaan ko sya ng suntok.
"Malay kobang kayo pala yung nandito!"
Sagot ko.Tumawa naman sya ganundin ang anim na nakatayo sa harap ko.Inirapan ko sila at ipinakita ang mahiwagang gitnang daliri ko.Mga maderpakingshit kayo"Stop the argue,bumaba na tayo"napatingin ako kay dawn,masyado syang bossy at seryoso.Naapektuhan rin siguro sya sa sinasabi ni elaijah lalo na't pinsan nya si emerald.Sana makita ko ulit yung dawn na kaaway ko.
Tumayo ako at nagpaunang naglakad palabas ng room nila at bumaba na para pumunta sa dining area,baka naghihintay na sila tita.
Kumatok ako bago pumasok,pagpasok ko saktong kakahanda palang ng mga foods.
Hmm!!!naamoy kona ang tagumpay!"Hi po tita!tito!"bati ko sa kanila.
Ngumiti naman sila sa akin at bumati,
pinaupo nila ako sa dati kong inupuan na katabi yung kay bryce,wews."Nasaan ang pito hija?"tanong ni tito.
Nilingon ko sya at tipid na ngumiti,"nasa room pa po nila"sagot ko.Tumango naman sya.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at niluwa non si bryce na unang pumasok,kasunod si dawn na hindi maipinta ang mukha,kasunod ang iba.
Bumati sila bago umupo,nagdasal na kami bago magsimulang kumain.Sobrang sarap ng mga putahe kaya hindi ko maiwasang hindi matakam.
Tinapos namin ang pagkain at inutusan kami ni tita na sumunod sa kanya dahil may gagawin pa daw si tito,naglakad kami papunta sa 3rd floor ng bahay.Sobrang lawak ng 3rd floor at puro color green ang nandoon,hindi masakit sa mata dahil iba't-ibang uri ng green ang kulay.
Huminto si tita sa isang pinto kaya huminto rin kami,binuksan nya iyon kaya bahagya akong sumilip.Napanganga ako sa nakita ko,parang office ito at sobrang daming cabinet,lalagyan ng files sa tingin ko.
"Pasok na"utos nya.Binalik ko ang tingin sa kanya at tumango,sumunod ako sa kanya papasok ganundin ang pito na tahimik lang.
Isinara nya ang pinto at pinaupo kami sa malaking sofa,umupo naman sya sa korteng trono na upuan na nasa gitna.
Nilibot ng mata ko ang bawat sulok ng pader,namangha ako sa ganda nito na malapalasyo.Sarap magpaampon,ano kayang feeling na mayaman?
"Alam nyo naman kanina ang dahilan kung bakit ko kayo pinapunta dito,simulan na natin ang pag-uusapan."napatingin ako kay tita na seryosong nakatingin sa amin.Meeting bato?choss.
"Alam kona po ang background profile nya,tita."sagot ni andrei.Nilapag nya ang folder na hindi ko napansin kanina,masyado akong busy sa magandang paradise.
"Namin."diin ni bryce.Tiningnan naman sya ni andrei at nagkibit balikat"ok,sabi konga."teka!!!!bakit nagsolo sila?bat hindi ko alam yon?
Nangunot ang noo ko.
"Napagalaman namin na patay na ang parents nya,nakatira sya sa aunt nya at may sakit sya"binuksan ni tita ang folder at tiningnan ang mga papel.Naks!lakas makadetective ang dating.
"Schizoprenia"basa ni tita.May sakit si elaijah?mukha naman syang matino ah.
"Yeah.after namatay ang parents nya....nagstart na syang mag-isip ng mga fake scenario at minsan naman ay naghahallucinate sya."kwento ni dawn.Nakinig naman akong mabuti,hindi halata sa kilos nya na may konti pala utak nya.
"Nung nalaman nya ang story about kay emerald....inisip nya na sya si emerald."
Napaisip ako sa sinabi ni zilester,kaya pala iba-iba ang mood nya at pinagpipilitan nyang sya si emerald.Poor elaijah."Nahahandle nya ang sakit nya kaya kahit na may schizoprenia sya...nakakapag-aral sya at kasalukuyang campus queen."explain naman ni akihiro.
"So...anong gagawin natin sa kanya tita,may balak napo ba kayo?"tanong ni bryce.
Tiningnan ni tita ang mga papel na hawak nya bago ilapag yon,tiningnan nya kaming lahat.Napalunok ako dahil sa seryosong tingin na binibitawan nya,nakakatakot sya.
"Observe her."
-don't forget to vote😉
YOU ARE READING
The Lost Heiress(On-going)
Roman pour AdolescentsSi Yash ay isang ordinary girl na nagaaral sa Heiress High, isa syang tahimik na babae at may tapang ding tinatago. Pero magbabago ang tadhana nya nang makilala ang pitong lalaki na bigla nalang sumulpot sa kanyang buhay.