Chapter 28

249 10 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Eh boss ang sabi ho ng babae e wala raw ho silang kumpanya,baka mali yung nahila ko boss" kamot ulong sabi ng lalaki sa kanyang kausap sa kabilang linya.

"Imposibleng mali ang babaeng hinila mo!iisa lang ang anak ng mga Lexington,at babae yon!" galit na sigaw mula sa kabilang linya ang umalingawngaw,napahawak ang lalaki sa kanyang tenge na tila ay nabingi sya sa narinig.

"Eh boss kinalagan ko ho kase yung babae,pagtapos kong kalagan sinuntok ho ako." Sagot nya.

"Tanga!bakit mo kinalagan?antangatanga mo!wag kang aalis diyan,ipapadala ko sila robert.Humanda ka sakin kapag nakita kita,mata molang ang walang latay hayop ka!" Napalunok ang lalaki sa sarili nitong laway,alam nya na ang sasapitin sa kamay ng amo ngunit wala na syang magagawa pa.

YASH POV

Madilim na ang paligid pero hindi parin ako nakakabalik sa pool area,hindi ko alam ang lugar kung nasaan ako ngayon.Wala akong dalang cellphone at walang mga taong dumadaan sa parte na ito.

'Part paba ito ng resort?wala nakong makitaಥ_ಥ'

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na masakit na ang paa ko at tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa daraanan ko.Hindi naman masukal ang lugar na ito,pero walang taong dumaan.

'Nasa labas ata ako ng resort'

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng bato na pwedeng upuan,naupo ako roon.

Yumuko ako,"Hindi na ata ako makakauwi.Ni hindi ko alam kung nasaan ako at kung may naghahanap sa akin" ramdam ko ang pagtulo ng luha ko.

"Kung hindi man ako makakauwi ng ligtas,sana hindi magalala sila tita snow at sila bryce.Sayang....wala akong pagkakataon na makapagpaalam kay lola at yesha,kahit ganoon si yesha mahal ko parin naman yun.HAHA ang lupit nga naman ng panahon,dadating yung time na kung san ka masaya....biglang may dadating na isang bagay na magbibigay rason kung bakit magiging malungkot ka." Bulong ko habang sinisipa ang batong maliliit sa harapan ko.

"Tsh.Ang drama mo naman" tumindig ang balahibo ko sa aking narinig,hindi ako makagalaw at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.Bryce??

Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran at tumambad sa akin si tito at tita snow na mukhang alalang-alala,si cloud na umaarteng umiiyak,si dawn,zilester,
flint,nadrei,at aki na nakatingin lang sa akin.At si bryce......na nasa harapan ko't nakangiti.

Agad akong tumayo at niyakap si bryce,
"Buti nalang at dimating kayo.....akala ko mamamatay nako dito" hagulhol ko.

Niyakap nya ako pabalik at pilit akong pinapatahan,"shhhh andito na kami,your safe na"hinawakan nyako sa balikat at tiningnan sa mata.

The Lost Heiress(On-going)Where stories live. Discover now