Awkward....Yan ang nararamdaman ko ngayon,naging tahimik kami sa buong byahe.“Don't take my confession seriously,i'm just kidding”nilingon ko sya habang sya naman ay kampanteng nagddrive.
Nakahinga ako nang maluwag,“buti naman,pinakaba mo ako”sagot ko.
Sa totoo lang ay nakaramdam ako ng kakaiba kanina,ganun rin ngayon.Kanina pakiramdam ko hindi ako kagusto-gusto ngunit ngayon...bakit hindi nya ako magustuhan?
Lumingolingo ako,tama na yash hibang kaba?
“are you okay,yash?”tumango ako ngunit hindi na lumingon sa kanya.Nakaramdam ako bigla ng pagkadismaya,grabe sakit sa apdo.
Pinikit ko ang aking mga mata upang makapagpahinga ang aking utak kahit saglit lamang,ngunit ang mga sinabi nya parin ang nasa isip ko.
Loka-loka naba ako?
Pagkapasok kami namin sa coffee shop,pinagkwento nya lang about sa background life ko.Nahiya naman akong hindi magsabi dahil nilibre nya nanga ako tapos ang ambag kolang magdaldal.Syempre ok na sakin yun.Pagkatapos naming magkwentuhan,naghanap na kami ng mga make up na pinapabili ni Yesha.Medyo masakit sa bulsa ang mga make up dahil may kamahalan,pero parang wala lang yun kay Bryce.Ganun siguro kapag mayaman.
“Wake up,sleepyhead.We're here.”iminulat ko ang aking mga mata bago umayos ng upo,nandito na kami sa tapat ng bahay.
Kinuha ko ang mga pinamili namin bago lumabas,“t-thankyou sa paglibre sakin,bryce.Tsaka dito narin”inangat ko ang mga shopping bags.
Tumango sya,“you're welcome,take care.Napahatid kona rin pala yung mga gamit mo,so....”tumingin sya sa akin.
“babye!kita tayo bukas sa school!”masiglang paalam ko bago sya tinalikuran.
Hinintay nya akong makarating sa pinto bago sya tuluyang umalis,“yashei apo,namiss kita”bungad sa akin ni lola.
Niyakap kosya nang mahigpit,“namiss korin po kayo lola”nakangiting sagot ko.
Iginayak nya ako papunta sa sofa,“kamusta ang bakasyon?kanina pa kita hinihintay”
Hinawakan nya ang kamay ko.“masaya naman po lola”sagot ko at nagpilit na ngumiti.Ayokong banggitin sa kanya kung ano ang nangyari sa resort dahil baka magaalala pa sya sa akin kahit na okay lang ako.
“Nga pala,gising pa po ba si-”hindi kona natapos ang sasabihin ko nang biglang may humablot sa hawak kong shopping bag.Nilingon ko ito at hindi nga ako nagkamali,si bruha.
“Oh my gosh sis,namiss kita”sabi ni yesha habang tinitingnan ang pinamili ko.I rolled my eyes,“talaga lang ha”bulong ko.
Nagpaalam na ako kay lola dahil masyado akong napagod sa pagiikot sa mall kanina,gusto konaring matulog dahil medyo hindi maganda ang timpla ko ngayon.
“Sige na't umakyat kana,may pasok kapa bukas”nakangiting ani ni lola bago ako yakapin muli.
Hinalikan kosya sa pisngi bago tuluyang tumalikod at umakyat papunta sa kwarto ko,dumiretso agad ako sa higaan at inilapag ang mga gamit kong inihatid dito.
“i like you daw tapos may charotcharot,sarap sampalin sa utak”
Bulong ko.Hinanap ko ang cellphone ko sa aking bag at binuksan iyon,Chinarge ko muna bago ako magtungo sa cr para maghalfbath.
YOU ARE READING
The Lost Heiress(On-going)
Novela JuvenilSi Yash ay isang ordinary girl na nagaaral sa Heiress High, isa syang tahimik na babae at may tapang ding tinatago. Pero magbabago ang tadhana nya nang makilala ang pitong lalaki na bigla nalang sumulpot sa kanyang buhay.