Chapter 33.3

23.1K 601 40
                                    

Chapter 33.3

It’s almost 1PM. 

Ang usapan namin kahapon ay sabaynaming susunduin ang mga bata at kakain kami sa labas kaya naghihintay ako sa labas ng building niya. I called her while I was driving that I would meet her here.

My mind never left what happened earlier. I kept on thinking and I realize that this needs to be talked this through. Napagisip isip  ko rin na kung may nangyari man sa kanila noon, siguro iyon ung mga panahong hindi pa kami nagkaka-ayos. If that’s the case, okay lang naman siguro yon. I meant, she didn’t cheat on me that time at kahit masakit, wala akong karapatang magalit. 

It’s all in the past and should be left in the past.

Bumaba ako sa sasakyan nang makita siyang paparating. I kissed her cheek before letting her occupy  the shot gun seat. Pagkapasok niya ay umikot ako at sumakay.

Tahimik ang byahe hanggang sa makarating kami sa eskwelahan para sunduin sina Seven at Nine. Pinapakiramdaman ko siya at paminsan minsang lumilingon sa kanya pero wala siyang imik. Maybe she was still upset or maybe mad at me for lashing out on her earlier.

Ang hirap niya talagang basahin kapag ganitong tahimik lang siya. Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang tyempo ko o baka mas lalo siyang magalit sa’kin.

I shut down the engine but we remained inside.

“Honey.” Malambing kong sabi at inabot ang kaliwang kamay niya. I sincerely met her cold eyes before continuing. “I’m sorry. I didn’t mean to raise my voice at you. Alam ko kasalanan ko pero nainis lang talaga ako sa sinabi ni Azel kanina. Please honey, patawarin mo na ‘ko. Just don’t be angry at me.”

Hindi ko kayang galit sa’kin si Rainne kaya nagpapakumbaba na ‘ko. Ganun naman talaga diba? Sa isang relasyon dapat ang isa ang unang nagpapakumbaba para hindi na lumaki ang problema. I’m willing to take that position every time.

I kissed her knuckle a couple of times before seeing her lips curved into a smile. Gone with the cold and heartless Rainne and was replaced with a kind and caring woman with soft eyes. See? Kailangan lang talagang may kusang magbigay para matapos ang isang problema.

“Are you forgiving me, honey?”

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at umangat ang kanang kamay nito at hinawakan ang pisngi ko. I shut my eyes closed and savored the feeling of her thumb caressing my cheek. Iginilid ko ang mukha ko ng bahagya at hinalikan ang palad niya sa pisngi ko.

“It’s three months ago.” My eyes opened. Her voice low and apologizing. I grabbed her neck and pulled her closer for a kiss. Saglit lang yon pero sinasabi non na okay lang ang lahat.

“Nakaraan na ‘yon. Let’s not just talk about it, okay?”

Tumango siya at binigyan ko ulit siya ng isang halik bago kami bumaba. We walked hand in hand and I was happy with the way things worked out. Ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya at kuryenteng umiikot  sa parteng hinahaplos ng hinlalaki niya.

Hinanap namin ang mga bata sa playground. Don kasi hinahayaang maghintay ung mga bata after ng klase. We could already hear the commotion the moment we stepped on the playground. May umiiyak at may sumisigaw. We both looked at each other when we recognized these voices.

Nagmadali kami ni Rainne at nilibot ang paningin namin. Sa may bandang sulok ng playground, nakita namin ang kambal kasama ang ilang mga bata.

Seven and a boy who looked older than him were trying to push each other. Nakahawak sa magkabilang balikat si Seven sa bata habang hawak nito ang kaliwang balikat ni Seven at kanang braso. They were grunting, trying to overpower each other while the other kids looked at them from afar. One girl standing behind the boy fighting Seven was cheering.

Warming the Ice Queen's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon