Chapter 36

22.3K 491 109
                                    

ABANGAN NIYO ANG NEXT CHAPTER.. 😃 AND PLEASE SUPPORT SEVEN'S STORY ENTITLED

'Good Between the Bad'

Chapter 1 already posted. Thanks, Y'all...

❌🌑❌🌑

Maaga akong pumunta sa bahay nila Maureen. I decided to go early bago ang trabaho. I called her a couple of times before I left the house but she didn't answer. Baka magulat siya pag dating ko don pero bahala na. Hindi naman siguro ako makakaistorbo tutal mag-aalas nuebe na.

Pasipul sipol pa kong naglalakad palapit sa pintuan nila. I pressed the doorbell and a familiar maid greeted me.

"I'm here for Maureen. Is she still in bed?" magalang kong tanong.

"Ay hindi po. Nasa sala po sila kasama sila sir at ma'am. Tuloy po kayo."

Medyo nag-alangan pa ko at nagdalawang isip nang marinig na nandito din ang mga magulang niya. Malamang nandito sila dahil nga hinanap nila si Mau but seeing them after cancelling our engagement made me uncomfortable.

Napabuntong hininga ako at sumunod sa maid. Ito na siguro ang tamang panahon para humingi ng tawad sa nagawa ko.

"Pasensya na po pero may bisita po si Maureen."

"Magandang umaga-dad? Mom? Anong ginagawa niyo dito?"

Babati sana ako pero napuno ako ng pagtataka nang makita ang mga magulang ko sa silid. Mukha silang may matinding pinag-uusapan bago ako dumating dahil sa mga itsura ng mukha nila. Dad looked disappointed upon seeing me. Mom looked the same while Maureen's parents looked very angry.

Anong nangyayari?

Isang malakas na singhap ang narinig ko at napatingin ako sa mukang nag-aalalng si Maureen. I didn't know what's happening in here but I felt nervous at the same time confused as why my parents were here. Hindi nila sinabi sa'kin na may balak silang pumunta dito sa pilipinas.

How would you know kung hindi mo naman sinasagot ang mga tawag nila.

Oo nga pala. Ako pala ang hindi sumasagot ng mga tawag nila pero matagal na'yon. Ilang bwan nang nakakaraan.

"YOU BASTARD!" sigaw ni Tito Alfonse at mabilis humakbang palapit sa'kin.

"Dad.. No!"

I found myself on the ground and I felt a sting on my left cheek after his fist landed on my face.

"Ang walanghiya. TUMAYO KA DYAN!"

Naguumapoy ang galit sa mga mata niya habang hawak niya ang kwelyo ko at pwersahang tinatayo.

"Dad, tumigil ka na, please." Maureen pleaded and almost crying habang hawak ang braso ng kanyang ama. Malakas niya kong tinulak at napaatras ako. Agad akong nilapitan ni Mom na nag-aalala at ni Maureen.

Ano ba talaga ang nangyayari dito? Dahil ba 'to sa pag-ayaw ko kay Maureen?

"Are you okay?"

"Lumayo ka sa kanya." Hinila ni Tito Alfonse si Maureen palayo sa braso. Nawalan siya ng balanse dahil sa lakas pero naalalayan din siya ni Tita Marjorie.

"Magdahan dahan ka nga at huminahon, Alfonse." Singhal niya sa asawa. Kunot noong napatingin siya kay Tita Marjorie bago tumingin ulit sa'kin.

"Huminahon? After what he did to her?" he snapped. "Napakawalang kwenta mong lalaki."

"Tama na Alfonse." Singit ni dad at naglakad palapit sa'min ni Mom. "Aayusin natin to."

"Dapat lang! Ano sa tingin nyo? Papayagan kong magdusa mag-isa ang anak ko?"

Warming the Ice Queen's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon