Chapter 12

39.3K 695 31
                                    

Chapter 12

Azel

I wanted to see her. I badly wanted to see Alonna pero sabi ni Aiden at Auntie Therese hindi daw muna pwede. Masyadong trauma ang nararamdaman niya na kahit boses lang daw ni Aiden ang marinig, magwawala na ito.

Hindi ko naman siya kakausapin. Gusto ko lang na makita siya. Alam ko ang limitasyon ko at ang mga bagay na dapat ko gawin pero ayaw talaga nila akong payagan.

Sumang-ayon na lang din ako sa sinabi nila hindi dahiil lang sa wala akong magawa kung hindi pati narin sa trabaho ko.

I received a call from her office saying that the project would start this month. Isa itong malaking proyekto kaya hindi pwedeng balewalain. Knowing that pursuing Alonna this time wouldn’t give me any progress, mas pinili kong magtrabaho muna.

Pagkatanggap ko ng tawag, inasikaso ko agad ang trabaho. Mabuti na rin ito para kahit papano ay maalis sa isip ko si Alonna. Nagawa ko naman pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagsulpot sa isip ko ng isang babaeng nakasama ko sa Palawan.

Kapag nagtratrabaho ako, wala akong ibang iniisip kung hindi ang masatisfy ang kliyente namin which was Rainne.

Lagi nang ganito ang mindset ko sa lahat ng kliyente namin pero bakit iba ngayon? Kapag iniisip ko na kailangang masatisfy ang kliyente, ang pumapasok sa isip ko ay ung disappointed niyang look. And that’s not all,  my fucking mind was showing me Rainne with only her black lace undies.

The way she seductively pulling down her dress while saying that I was a disappointment, damn I was crazy.

My mind and body couldn’t even decide what emotions I should feel.  I was upset and frustrated at the same time excited. What the hell was that and how did I manage to do that? My body’s excited at the same time my mind’s disappointed. Nababaliw na talaga ‘ko.

Ni hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa mga nangyayari sa’kin. I tried to avert my thoughts by working and focusing on Riza pero mukang lumala dahil hindi ako makatagal ng ilang minuto kasama siya nang hindi ako nagi-guilty o natatandaan ang ginawa ko. It’s fine right? Hindi naman talaga ako nagloko diba? Nothing happened.

Pero may mga times na kapag hinahalikan ko siya, pumapasok sa utak ko si Rainne. Ang gulo talaga! I had Riza, I knew I still love Alonna but Rainne was corrupting my mind.

Kailangan kong ayusin ang sarili ko. First I have to set my priorities.

Ang unang aasikasuhin ko ay ang relasyon ko kay Riza. I’ll try to make a better boyfriend for her that’s why I set a romantic dinner for us tonight. Susubukan ko paring makita si Alonna pero gaya nga ng plano, hahayaan ko munang maging maayos sila ni Aiden tapos saka ako magpapakita. Okay narin ‘yon para matulungan ako ni Aiden kapag nagkaharap na kami.

Hindi ko maiiwasang ‘wag makita si Rainne dahil sa trabaho but I’ll make sure that it’ll be pure job. Trabaho lang and no distractions.

A flashed a smile knowing that this would definitely work. Maayos ko lahat bago pa gumulo. Tama!

Magaan ang loob kong bumalik sa trabaho nang biglang pumasok ang sekretarya kong si Tin.

“Sir, may tawag po kanina mula sa R&A Envision.” Napaangat ang tingin ko kay Tin dahil sa sinabi niya.

R&A Envision MultiCorp ay ang kompanyang pinaglalaanan ko ng pansin ngayon. Rainne’s company.

“Anong sabi?” Bakit kaya tumawag sila ngayon?

Warming the Ice Queen's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon