Chapter 8

48.7K 937 21
                                    

Chapter 8

Payment

Time flew fast and I decided to go back to my hotel room to prepare for tomorrow. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa sinabi ni Cindy but I wanted this meeting to go smoothly. Ni-review ko ang mga reports na ipreresent ko sa kanya para sa paghahanda ko. It's already 8 pm and I found myself anxiously waiting for her call.

Ngayong alam kong siya ang ka-meeting ko bukas, hindi ko maiwasang medyo kabahan. Cindy said, it's hard to please and get Rainne's approval on everything. Kaya nga nag-aayos na ko ng mga sasabihin at gagawin para bukas.

Another hour had passed at hindi parin tumatawag si Rainne. Hindi kay nagbago ang isip niyang kunin kami para sa trabaho? Did she realize that there were others that are capable of doing the work better?

Hindi naman siya siguro basta basta nalang magdedesisyon na hindi sakin sinasabi diba? Pero bakit wala parin hanggang ngayon?

Naisipan kong maligo muna para mabawasan ang pag-iisip ko. Nakatapis akong lumabas ng banyo at sakto namang tumunog ang cell phone ko. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin ang tawag nang rumehistro ang pangalan ni Ms. Algraven.

"Hello?"

"Meet me at Mary's tomorrow. 7AM." Agad kong narinig ang seryoso at malamig na boses ng babae sa kabilang linya. I knew it was her voice. I could still feel the chills as she spoke every word.

I said nothing else but hello dahil agad niyang pinutol ang linya. Ngayong tumawag na siya, mas lalo ata akong ninerbyos para bukas but I needed this job and tomorrow needs to be perfect.

Napagalaman kong ang meeting place namin na Mary's ay ung open restaurant na kinainan ko ng agahan kahapon. Malapit kung saan ko siya unang nakita.

Nauna akong dumating sa venue at hindi ko maiwasang maya't maya ay tumingin sa relo ko. Nakaupo ako sa pag-apat na upuan habang naghihintay na mag-alas siyete. Medyo maraming tao rito at mukang sikat talaga ang lugar. I became uneasy and restless every time the hands of time move.

Napadako ang tingin ko sa pintuan nang pumasok ang babaeng hinihintay ko. She walked like a model with her colored-printed long dress that reached down 2 inches above the ground. Isang manipis na tali ang nakapulupot sa leeg niya mula sa damit. May suot din siyang summer hat, shades, bracelet at white sandals for her footwear. Nakalugay ang mahaba niyang buhok and she wore light make up. Her shoulders were exposed and everyone could see how porcelain her skin was. Was it also smooth as it seems?

Huminto siya at tumingin tingin sa paligid hanggang sa mapunta ang paningin niya sa'kin. She removed her shades and placed it inside her bag over her shoulder. She walked with poise and her chin up like she owned the place. Hindi ko namalayang nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa huminto siya sa harap ko at nagsalita.

"Mr. Madrigal?" she said without a trace of any emotion from her voice. I stood up and cleared my throat.

"Ms. Luna Algraven. It's a pleasure to meet you." I smiled and offered my hand to shake but she just ignored it and sat in front of me. Ibinaba ko nalang ang kamay ko at nagtanong habang umuupo. "Would you like to order and eat before we talk about business?"

"An apple juice and pancakes." Tumango ako at tumawag ng waiter. Inorder ko ang gusto niya at umorder ako ng bacon with egg and rice at orange juice para sakin.

"I would like to say how thankful I am because you chose us." Sabi ko nang makaalis ang waiter.

"Save it. I haven't approved of you guys yet at gusto ko munang kumain."

Warming the Ice Queen's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon