Kakainis si wattpad. Pinutol na naman niya ung chapter na ito. Sa mga nakabasa ng unang update kanina, may dinagdag ako sa dulo.⚫️⚫️🔘🔘
Aiden
Kailangan ko na namang magtrabaho. Kailangan na talaga.
After the two inspectors, Mr. Chen and Mr. Wang came in my office, I decided to fly to China. Sa mental institution daw sa Wuhan, China na-confine ang kapatid ko. Yes! Nalaman ko na talagang nagkaroon ng mental disorder si Alonna at doon siya naglagi hanggang sa makatakas ito-or rather may nagtakas sa kanya.
I remembered the scene from the recovered CCTV footage.
Tahimik lang siya habang yakap yakap ang tuhod niya. Minsan umiiyak siya tapos biglang sisigaw. She kept shouting and begging like someone was trying to hurt her and what broke my heart were the times that she kept shouting that it was my fault.
Ako ang sinisisi niya sa lahat ng pinagdaanan niya. I know that I've hurt her...a lot and I regret all of that pero ang hindi ko alam ay kung bakit na sa'kin lahat ng sisi. Nakikita kong malaki ang galit niya. She even cursed my name and I knew my sister very well and she never dropped those kinds of words before.
Another thing was her face. Naka benda ito at ang sabi ni Inspector Chen ay sirang sira daw ang mukha niya nang marescue nila. They even showed me the picture of her face after they rescued her. It was terrible.
Hiindi ko na siya nakilala sa larawang 'yon at ng mga sandaling 'yon, hindi ko napigilan na umiyak. Napaiyak ako dahil sa sinapit niya. Sa paghihirap niya at mga pinagdaanan. Lalo pa't nabuntis siya ng lalaking iyon.
Sunud sunod ang rebelasyon na nalaman ko mula sa kanila. Ang kapatid ko ay walang awang ginahasa at nabuntis ng walang hiyang demonyong 'yon. Galit na galit ako at kung hindi pa patay ang gag0ng 'yon, ako mismo ang maghahanap at papatay sa kanya. Walang hiyang tarantad0ng 'yon! Demonyo!
Hindi ko tuloy maiwasang sisihin din ang sarili ko. Maybe Alonna was right. If I just treated her right before, she wouldn't experience those horrible things she had.
Gusto ko siyang makita. Paulit ulit akong hihingi ng tawad sa kanya at magmamakaawa para lang mapatawad niya ko sa lahat ng ginawa ko.
Pero kailangan ko munang mahanap ang babaeng 'yon.
Hindi ko parin alam kung anong tunay niyang pangalan. I knew that my sister was using the name Alonna Reyes but we're not sure if Rainne Samuels was her real name. The woman who pretended to be my sister. Siyang siya talaga ung kasama ni Alonna at ung nagtakas sa kanya.
I remembered the footage when she took Alonna from the institution. My sister was shouting and crying. Humihingi ito ng tulong nang biglang may babaeng pumasok.
"Shhh..Shhh.. Alonna. It's me..." Sabi niya at hinawakan ang kamay ni Alonna. Agad namang huminto ito sa pagwawala at niyakap niya ang kaharap habang umiiyak. "'Wag kang mag-alala. Gusto mong gumanti diba."
Natigilan ang kapatid ko. "Gagantihan natin sila. Gaganti tayo at wala nang mananakit sa'yo kahit kailan. They will know and experience your pain. Every single bit of it. Your pain, you're cries and everything they have taken away from you. You will have your revenge and I will help you."
Tumango tango si Alonna. Humiwalay siya at inilahad ang kamay sa kapatid ko. "Let's go. Take my hand and I will help you escape your hell."
My sister then open heartedly took her hand and escape the place with her.
Ngayong alam kong buhay ang kapatid ko, nagkaroon ako ng pag-asa pero pa'no ko sasabihin lahat kay Auntie at Uncle.
Naghihintay akong bumukas ang elevator habang nag-iisip ng dapat gawin. Napakunot ang noo ko nang makita mula sa pinto ng elevator ang repleksyon ng janitor sa likod ko. Ang laki niyang tao at parang hindi bagay na maging janitor. Bouncer pwede pa.
BINABASA MO ANG
Warming the Ice Queen's Tears
General FictionWho would save you if your heart is clouded by revenge?